“Bakit nakasimangot ka?” tanong ko sa kaniya noong nakauwi kami sa condo niya sa Manila. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ko ang kaniyang mukha. Umiwas siya nang tingin sa akin pero hinawakan ko pa rin ang mukha niya para patinginin siya sa akin. “Hindi pa nga ako nakakahalik sa’yo tapos siya ang hahalik?” seryoso niyang tanong sa akin at halata roon ang inis at selos. Napatawa ako dahil sa kaniyang reaksyon. Pinisil ko ang ilong niya. “Baliw! Ikaw eh! Ayaw mo pa akong I-kiss sa lips! Huwag ka na rin kasing magselos. First kiss ko lang naman siya at work lang iyon. I know naman na ikaw lang ang magiging last kiss ko,” sabi ko at humagikhik ako. Napansin ko na mas lalong kumunot ang noo niya. Umigting din ang kaniyang panga. “Hindi mo na sana sinabi na first kiss mo siya. I’m so pisse

