Isang linggo na kaming nagsoshooting sa Pampanga. Hindi na kami nakakauwi sa Manila dahil direderetso ang shooting. Walang pahinga. Hindi ko na rin nakikita si Tremor. Tanging call and text lang ang ginagawa namin pag I have a free time. Totoo nga ang sinabi niya na hindi talaga siya pupunta sa shoot ko. Namimiss ko tuloy siya. “Okay! Scene fourty three. Are you ready for the kissing scene?” tanong sa amin ni Direk. He’s a new director, and he said that thirty years old pa lang siya. Kasing age siya ni Tremor. Lumingon ako kay Direk at pagkatapos ay tumango ako. “Yes, Direk.” Narinig ko ang pagtugon ni Theo. Umayos ako sa pagkakahiga ko sa kama. Umayos din si Theo sa pagkakadagan sa akin. Nakatuon ang kamay niya sa may ulunan ko habang nakatungo siya sa akin. Kitang kita ko ang smile n

