“Are you ready?” tanong sa akin ni Tremor. Inayos ko ang wig ko para hindi ito malaglag mamaya. Mas maganda na iyong sigurado na maayos ang pagkakalagay. Lumingon ako kay Tremor at nakita ko na nag-aayos siya ng kaniyang off shoulder dress. Napangisi ako habang pinagmamasdan siya. He’s not comfortable sa suot niya but siya pa rin naman ang nagpilit na isuot ito. Pinahiram niya ako ng damit while pinahiram ko naman siya ng damit. Bumili na lang kami sa online shop ng wig and other accessories for disguise. Marami naman akong dress but medyo sexy naman ang design nito kaya off shoulder dress na lang ang pinili niya. Gusto ko sana siyang mag-short but sobrang ikli naman daw. Wala namang kasya sa kaniya na pants ko kasi sexy ako tapos ang katawan niya ay masculine. “I’m ready na talaga,” sa

