Nagpunta ako sa condo ni Tremor upang makausap siya. Hindi niya naman ako pinaalis. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang binubuksan niya ang pinto. Agad akong pumasok sa kaniyang condo. Hindi niya man lang ako binati kaya alam ko na galit siya sa akin. Niyakap ko siya agad. Isinubsob ko ang mukha ko sa kaniyang dibdib. Sobra akong kinabahan noong hindi ko naramdaman ang pagyakap niya sa akin, mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya. “A-are you mad at me?” tanong ko sa kaniya. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Hindi niya ba ako paniniwalaan? Makikipagbreak ba siya sa akin? No! Ayoko siyang mawala. “I want you to explain everything to me,” rinig kong sabi niya. Seryosong seryoso ang kaniyang boses. Kay lamig din ng pagtrato niya sa akin. Hindi ako sanay na ga

