Nagalit ang ama ni Tremor at ilang board members dahil sa relasyon namin. Ipinatawag kami ni Tremor para harapin ang lahat. Sobrang kabang kaba ako pero hinawakan lang ni Tremor ang balikat ko upang bigyan ako ng lakas na humarap sa kanila. Seryoso silang nakatingin sa aming dalawa ni Tremor. Seryoso lang din ako na nakatingin sa kanila pero sa loob loob ko ay hindi na ako mapakali. “Totoo ba ang kumakalat na usap usapan sa ating kompanya? May relasyon daw kayong dalawa?” mariin na tanong ni Mr. Lastra sa amin. Napabuntong hininga ako noong tinawag ako ng ama niya. “I’m sorry. Totoo po ang sinasabi nila,” sagot ko sa kanila. Narinig ko ang bulungan ng mga board members, pero napatahimik din naman sila noong sumigaw si Mr. Lastra. “Tremor, Alam mong bawal! Alam niyong bawal! Bakit ginawa

