Chapter 4

2268 Words
GABRIELLE Pabagsak akong umupo at sumandal sa Coach It's been 3 weeks ng mamatay si Mommy. Kakarating ko lang mula sa 12 hrs long flight MNL-NYC Ngayon ko higit na naramdaman ang pag iisa Namatay siyang halos walang nakakaalam Hiniling niyang maging pribado ang lahat Pina crimate ko ang mga labi niya ayon mismo sa hiling nito She told me to crimated her ll kl k ok I know pand bring her ash to NYC and She said she wanted to unite with my Father in Hudson River Bukas ng umaga ko yun gagawin kailangan ko munang magpahinga Magulo pa ang utak ko sa lahat ng mga nangyari Hindi lingid sa akin ang yaman ng Magulang ko Noon una nagtataka ako bakit nabubuhay ako sa dalawang katauhan Lumaki akong Timothy Reid Pero pag uwi ko ng Pinas Isinilang pala akong GABRIELLE O"BRIEN at natuklasan kong grandchild pla ako ng mga kinikilala kong Magulang Nasagot ang lahat ng katanungan ko ng ipaliwanag ni Mommy Monica at mga Abugado nito ang lahat Bago ito namatay ipinasalin na nya sa mga lawyers nito ang lahat ng Properties nito sa pangalan ko sa real name ko, Gabrielle O'Brien. Kapalit non ang pangako kong iganti at bigyan ng katarungan ang kamatayan ng totoo kung ina, Ang nag iisa Anak nilang Sofia O'Brien Speaking of Revenge Yun ang dahilan kaya bumalik agad ako sa New York City Binuksan ko ang laptop ko na nakapatong sa Mesa May Email ang detective na inutusan ko para ipahanap si Marie Claire Lorenzo sa NYC Picture niya ang unang nag pop up sa monitor ng laptop ko So, he found her already Napalatak ako Tumingin ako sa maano nitong mukha kahit natatabunan ng salamin ang mga mata nito Di maitatanggi gaano ito kaganda Huminga ako ng malalim at binasa ang nakasulat na information  She lives in 3rd Floor of AFC Building in 512 street,Lower Manhattan NYC Currently working as Fashion Assistant at SMARTFASHION COMPANY Napa whistle ako Pagkakataon nga naman Isipin mo yun nagtatrabaho pala siya sa isa sa mga kompanyang minana ko Yes, Smartfashion,Smarthbuild and O'Brien Properties are under my wrath now at lahat ng subsidiaries nito,80% of the stocks naka pangalan na sa akin. Ironically bigla akong lilitaw na tagapagmana and take the world by storm From hiding as aTimothy Reid bilang ordinaryong nilalang Magiging Gabrielle O"Brien ako ang tagapagmana ng Multinational Business Empire Muli kong itinuon ang mga mata ko sa picture sa laptop ko "Marie Claire Lorenzo the unknown heiress,I cant wait to finally meet you" Bumangon ako at kumuha ng bote ng wine at baso sa mini bar Matagal tagal na din mula ng nagawi ako sa Unit ko. Lagi ako sa Ohio since doon ako nagpadistino sa branch ng Smarbuild Mas gusto ko ang Ohio Within 2 years nalibang ako at nagkaroon ng instant Family ng makilala ko Si Nema, his son at her sick aunt. Sa kanila ko naramdaman ang pagkakaroon ng pamilya na kahit minsan di ko naramdaman buong buhay ko All my life wala akong kasama maliban sa mga Nannies at Butlers na binayaran ni Mommy Monica para alagaan ako Naranasan kong mag birthday ng walang pamilya tanging mga kaibigan at Yaya ang kasama. Kaya mula ng magkaisip na ako tinigilan ko na ang pag cecelebtate ng kahit ano mang okasyon Hanggang nakasanayan ko na ang ganung klase ng pamumuhay. Natutunan kong mahalin lang ang sarili ko at wag umasa sa pagmamahal ng ibang tao. Sinanay ko ang sarili kong maging bato at hindi makaramdam ng emosyon pero ng makilala ko si Nema everythings changed. I love her personality. She's so sweet and caring Ipinaramdam nila ni Angelo ang pagpapahalaga at pagmamahal sa akin They are my family. Pero nawala yun ng inagaw sila ng mga Lorenzo sa akin Gustuhin ko mang ilayo silang mag ina sa mga Lorenzo di ko maatim gawin kay Angelo ang ilayo sa ama nito. Mahirap lumaki ng walang ama dahil naranasan ko yun. Oo malaki ang kasalanan ng mga Lorenzo sa pamilya ko pero labas dun si Nemalyn at Angelo dahil wala silang kaalam alam sa mga nangyari noon Si Michael Lorenzo ang may kasalanan. He was the reason why my mother killed her self Malupit siya at Walang puso Hindi niya binigyan ng pagkakataong mapatunayan ni Mommy Sofia ang pagmamahal nito para sa kanya At magbabayad siya sa kawalang puso niya I'll let her daughter suffer like what he did to my own mother Idinial ko ang Phone ko. "Hello" sabi ng nasa kabilang linya.. "Hey Mr.Hawkins,whats up" "Good evening Young Master" he replied politely. "Just asking,have you bring my car inside the basement?" "But of course Young Master, yesterday Morning,just ask the Basement Guard on your car key" "Thank You Mr.Hawkins have a good night" Pinatay ko na ang phone mabilis akong pumasok sa Bedroom. Need to hit the shower and Change. Sa labas na lang ako kakain. Maaga pa naman. Bibisita muna ako sa favorate hang out ko. Ang underground bar na tambayan ng kilalang personalidad at celebrities,sociallite,billionaire at mga babaeng mahilig sa hook-ups. Kailangan ko munang mag unwind mula ng umuwi ako ng Pinas nawalan na ako ng panahong mag unwind naging sobrang busy ko na to handle everything. Napatingin ako sa humahaba ng buhok ko sa salamin Ipinasya kong ahitin ang bigote ko Pero hahayaan ko lang buhok ko. Halos di ko na makilala sarili ko napabayaan ko na dahil sa pagiging busy ko I wore my V-neck white Tee shirt With my faded ripped jeans and black high cut Converse.. Hinila ko ang black lether Coat ko at Ipinasya ng lumabas sa unit. It's a long night ahead. I guess. Claire: I felt exhausted Boung maghapon kaming walang pahinga ni Chris May hinahabol kaming deadline Halos isang linggo din kaming walang matinong trabaho Dahil nagluluksa ang lahat ng Top designers ng Kompanya dahil sa pagkamatay ng Chairman Miss Monica O'Brien. She died pero wala kaming nakitang ibinurol na mga labi niya She died in the Philippines. Tanging 40 mins video lang ng bangkay niyang inilalabas sa isang Ospital ang kumakalat na confirmation na patay na ito other than that wala na Tinanong ko si Chris kung bat itinago ang pakamatay niya Nagkibit balikat din ito Wala din daw siyang alam Ang bulong bulungan yun daw ang habilin nito at gusto ng Anak nito. Nagulat nga ako na may anak pala ito Wala kasing nakalagay na anak sa biography nito pag search mo ang pangalan niya sa Internet. Masyadong misteryosa ang pagkatao nito. Napabuntong hininga ako. Dumaan na lang ako sa Coffee Shop na malapit sa apartment ko ng Dinner ko. Parang di ko na kayang maghanda pa ng dinner ko. Masakit ang mga binti ko at likod Tinapos namin ang trabaho ni Chris para sa presentation nun bukas. Isa isang i-checheck yun ng top designer bukas sana lang magustuhan nila lahat ng gawa ni Chris I know he work his a*s out for it. Papatawid na ako ng may biglang babaeng tumawid ,di nito alintana ang itim na sasakyang paparating Buti na lang mabilis nakaiwas ang driver kundi muntik na siyang masagahasahan Halos sumadsad ito sa harapan ko.l Tumigil ang sasakyan at ibinaba ang bintana nito. "If you plan to kill your self! the bridge is Free and the river is too deep for you Stupid!" Dumadagundong na boses ng isang lalaki ang narinig kong sumisigaw. Pinaharurot na nito ang sasakyan. It was black lamborghini sports car katulad ng mga sasakyan nina Daddy at Andrie Mabilis kong dinaluhan ang babaeng nakaluhod sa harapan ko "Hey, Are you alright" Nag angat ito ng mukha kahit medyo may kadiliman dahil bahagya lang kaming naaabot ng Street light Alam kong medyo may edad na ito Parang ka edad lang ni Mommy ito "I'm ..I'm ..O..ok" Nanginginig na sagot nito Tinulungan ko itong makatayo pero nahihirapan ito Nakita kong dumudugo ang tuhod nito at may galos ang mga siko kito . "Oh my god! your bleeding let me take you to the hospital" Balak ko ng tumawag ng taxi ng pigilan niya ang kamay ko "No .Its Ok..I can manage" "But your hurt and you have lot of bruises" "I dont have..mo..ney for hospital bill Ma'am" Nangingilid ang luha nito. nakatingin sa akin Pakiramdam ko hinaplos ng malamig na mga kamay ang puso ko "Ok let me take you to my apartment" Hinawakan ko ito sa kamay Nanginginig ang mga kamay nito at nanlalamig. Pagkapasok namin sa apartment ko pinaupo ko siya sa mini Sofa Mabilis akong kumuha ng bandage at betadine sa Medicine Cabinet "Thank you so much" Nangingilid ang luhang sabi nito sa akinvtumango ako at ngumiti sa kanya. Nang maayos ayos na ito Umupo ako sa tabi niya She look so disoriented Ang putik ng mga paa nito At ang dumi ng damit nito "Umhmmm Where do you live?" "On the street" "Huh" gulat kong reaksyon.. "I'm a homeless woman Maam" Di ako nakapagsalita saka ko lang napagmasdang maagi ang mukha nito. She is not an American. Kahit medyo may kaputian na ang buhok nito mahahalata mo sa itsura niyang taga ibang kontinente siya. "Are you an American" "No..Maam" "What is your Nationality?" Di ako nagulat doon. This is America. All the races and Nationalities used to migrated and live here..l "FILIPINA" Nanlaki ang mga mata ko. I cant believe it. All of the people na pwdeng tumulong sa kanya ako pa talaga Kababayan niya.. "Pinay po kayo,I'm also Filipina" Nanlaki din ang mga mata nito "Totoo ba Maam, naku naraming naraming salamat sayo." Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang nanginginig padin nitong Kamay.. "Bat nagpalaboy laboy kayo dito sa New York Nay? Saan ang Pamilya nyo at pinabayaan kayo?" Huminga ito ng malalim at malungkot na tumingin sa akin.. "Wala akong pamilya" "Huh? Paano kayo nakarating dito sa America?' Kung wala itong pamilya paano ito nakarating at nagpalaboy laboy sa malaking city na ito ng America.. "Galing ako ng Montreal,Canada doon ako nagtatrabaho bilang caregiver sa matagal na panahon..ng makaipon ako ng sapat na halaga ipinasya kong pumunta dito sa New York, may kaibigan akong nagbakasyon dito..nakisakay ako sa kanila pero kasamaang palad nabiktima ako ng hold up dito..naubos lahat ng dala dala kong pera" Di ako makapagsalita..biglang nilukob ako ng sobrang awa dito.. Para kong nakikita si Mommy sa katauhan nito.. Di ko lang maubos maisip kung bakit naisipan nitong pumunta dito sa New York hindi safe dito marami paring siraulo at masasama ang loob na nagkalat dito.. "Nay bat naman kasi naisipan nyong pumunta dito sa NewYork?" "Hinahanap ko kasi Ang Anak ko" "Huh? May anak kayo dito?" "Oo" "Ilang taon na po Anak nyo" "1 month old siya ng ipaampon ko sa Orphanage sa Pinas noon..dahil sa kakulangan ng kakayahang buhayin siya..iniwan ko siya sa bhay ampunan..isang taon mula ng iwan ko siya binalikan ko siya sa bahay ampunan pero sabi ng mga madre, may umampon daw ditong mag asawang Amerikano..kahit anong pilit ko sa kanilang sabihin ang pangalan ng umanpon di nila sinabi..ang sabi lang nila taga New York daw kaya isinumpa ko sa sarili kong hahanapin ko siya dito at mararating ko ang New York hanggat di ako Namamatay..kaya heto ako ngayon nandito na sa New York..peri di ko alam saan ko siya hahanapin kung kahit sarili ko di ko alam saan ako pupunta" Humagulgol na ito ng iyak Di ko alam pero sobrang apektado ako sa kwento niya..hinagod ko ang likod niya.. "Shhhhh..Shhhhhh. Its Ok Nay..I'll help you to find your Son...Dito na lang kayo tumira sa akin..ako na po ang bahala sa inyo.." Bigla itong yumakap sa akin at umiyak ng umiyak.. Kahit ako di ko mapigilan ang luha ko.. Pero sa mga sandaling ito, ang maipapangako ko lang tutulungan ko siyang makita ang nawawala nitong anak.. Sa papaanong paraan diko pa alam.. Humiwalay ako sa kanya at Ngumiti.. "Kumain na ba kayo" Nahihiyang sunod sunod na umiling ito.. Tumayo ako inihanda ang binili kong dinner.. Nilagay ko yun sa plato at tray Ibinigay ko sa kanya.. "Kumain muna kayo Nay,alam kong gutom kayo" Nahihiya nitong inabot ang tray. "Paano ka?" "Ok lang po ako..Kumain na kayo..Magpapadeliver na lang po ako ng Pizza" Ngumiti ako at hinanap ang number ng Domino's sa CP ko.. "Paano kita mababayaran sa kabutihan mo anak?" Tanong nito sa pagitan ng pagsubo nito ng pagkain nito.. "No need Nay..Ok lang po" 'Magttrabaho ako dito sa Apartment mo Anak magaling akong magluto maglaba at maglinis ng bahay" Natawa ako ng mahina..magluto siguro pwde pa pero lahat ng damit ko naka dry clean at pinapalabhan ko sa Laundry Shop..maliit lang ang apartment ko..isa pa yun sa naisip ko..siguro kung balak kong ampunin si Nanay kailangan ko ng 2BR apartment.. "Teka ka po Nay kanina pa tayo nag uusap at nagkaiyakan na pero di pa natin alam ang pangalan ng isat isa" Sa kauna unahang pagkakataon ngumiti ito sa akin..ngiting abot sa mga malamlam nitong chocolate brown na mga mata.. "Nimfa ang pangalan ko Anak,Pwde mo akong tawaging Nanay Nimfa" Ngumiti ito at muling sumubo ng pagkain. "Marie Claire po pangalan ko..kahit Claire na lang po ayos na" "Ang ganda ganda mong bata Claire, Para kang Artista eh" Natawa ako at nagpaalam na magbibihis muna sa kwarto.. Maghahanap ako ng damit na pwde kong ipasuot kay Nay Nimfa.. Pag may oras ako bukas..Ipamimili ko siya ng personal na gamit niya.. Huminga ako ng malalim. Ang gaan ng pakiramdam ko Ganito pala ang pakiramdam ng taos sa pusong pagtulong sa kapwa. At siguro mas masarap pag natulungan kong mahanap ni Nay Nimfa ang nawawala nitong anak dito sa America kahit alam kong suntok sa buwan..susubukan parin namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD