Hindi na kami nakakain ni Zoey dahil pinasundo agad ako ni Mommy. Hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin at bakit hindi niya masabi through phone mukhang importante iyon. Nadatnan ko naman sila sa sala na nag-uusap mukhang tungkol sa trabaho nila yun.
"Mabuti na lang at nakarating ka na." nagmano muna ako sakanila para magbigay galang saka ako naupo. Ayoko na rin namang magtagal pa dahil gusto ko na ring makauwi sa apartment ko.
"Ano po bang gusto niyong sabihin? Bakit kailangan sa personal pa?" sunod-sunod na tanong ko. Mukhang nag-aalala sila na sabihin pero ipinaliwanag naman ni Mama.
"It is about the incident that happened to you. Tatanungin ka sana namin kung magdedemanda pa ba tayo?" tinignan ko naman si Mama na may pagkalito.
"Ahm ayoko na pong lumaki ang g**o mommy. Akala ko po ba na ayos niyo na po ang usapang ito?"
"Yes, but we still want to inform you regarding to this matter." Tinignan ko naman si Mommy mukhang may gusto pa itong sabihin pero hindi niya maituloy.
"What else Mom? Alam kong may gusto pa kayong sabihin. Spill it."
"I'm not sure if you want to hear about this. The guy to whom we are referring is still unconscious, though. Matter of fact, his condition is still serious. They're not sure if he'll be awake or not. Because it's been months and there hasn't been any sign of progress."
"And?" I know may hindi pa sila sinasabi saakin and I'm really eager to know. Nag-aalalangan pa si Mommy pero kalaunan napabuntong hininga lang ito bago muli magsalita.
"They are planning to cut his life support. Nagplaplano kami ng dad mo para sana makabisita sakanila at kung gusto mong sumama. Hindi ka namin pipilitin kung ayaw mo. I know hindi dapat kami makialam pero I want to encourage them to keep holding on. Dahil naalala rin namin yung mga panahon na napapanghihinaan kami but we keep fighting dahil alam naming ganun rin ang ginagawa mo." Niyakap ko naman si mommy. Sa totoo lang hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanila dahil hindi nila ako binabayaan at iniwan sa mga panahon na nasa kadiliman ako ng buhay ko.
"I'll come with you."
******************
"Thank you sa paghihintay saakin, Zoey." Ibinigay ko kasi kanina ang susi ng apartment ko hindi ko naman alam ganitong magagabihan pa ako. Nahihiya tuloy ako kay Zoey na pinaghintay ko.
"Wala iyon, pasenya na rin pala at pinakialamanan ko na yung laman ng grocery mo nagutom na kasi talaga ako don't worry babayaran ko na lang." sabi naman nito.
"Don't mind it mas marami akong atrso sayo. Sobra-sobra na ang naitulong mo sa araw na ito."
"Hays! Wala tayong magagawa, paano ka na lang kung wala ang pinakamaganda mong best friend. Sabagay nandiyan naman si Logan para initindihin ka sa lahat ng bagay."
"Sira! Hindi noh." Speaking of. "Hala! Nakalimutan ko siyang i-message nawala sa isip ko." Hinanap ko naman agad ang phone ko at doon nga napagtanto kong marami itong tawag at message lagot na. Agad ko naman itong tinawagan na agad rin niyang sinagod mukhang galit ito.
"Alam mo bang mahigit kalahating oras akong naghintay sa university niyo. Tapos ilan tawag ang ginawa ko pero hindi ka sumasagot" may diin at pagtitimpi ang bawat salitang binibitawan nito kaya lalo akong naguguilty.
"Sorry, may nangyari lang kasi ngayon na hindi inaasahan. Actually nakauwi na ako pasenya na ulit." Matagal naman ito bago uli magsalita.
"May.. hindi ba magandang nangyari sayo?"
"Ahm, wala naman. Tumawag kasi ang magulang ko kaya umuwi ako saamin." Mabuting iyon na lang sabihin ko. Sana wala na itong masabi pa.
"So, hindi ka uuwi sa apartment mo?"
"Ahm... hindi, baka bukas na ako uuwi sa apartment ko kaya huwag ka ng mag-abala saka nakausap ko naman na ang magulang ko na magpapadrive na uli ako sa driver namin." Napakagat na lang ako ng labi ko sa mga sinabi ko part of me naguguilty ako pero kailangan ko itong gawin para hindi na parating umaasa sakanya gusto ko ng ilayo na rin ang sarili ko dahil hindi na ako sigurado sa nararamdaman ko at natatakot ako na baka lumala pa ito.
Narealize ko rin kanina habang nakatitig ako kay Lucy alam kong mahal na mahal niya si Logan. Baka nga ganun rin si Logan at gusto lang niyang makalimutan pero hindi pala. Napahawak naman ako sa may bandang dibdib ko bakit parang nasasaktan ako sa mga naiisip ko ganun na ba kalala ang pagkagusto ko sakanya.
"Sige.. mag-ingat ka." Iyon lang ang sinabi nito at ibinaba na ang tawag. Hindi na tuloy ako nakapagpaalam ng maayos.
"Bakit nagsinungaling ka sakanya? Huwag ka ring magsisinungaling na hindi mo siya gusto dahil sa nakikita ko ngayon alam kung higit pa doon ang nararamdaman mo sakanya." Napatingin naman ako kay Zoey. Hindi ako umimik sa sinabi niya dahil totoo naman.
"Natatakot ako." Mahinang saad ko.
"Anong kinatatakot mo? Halata namang may gusto na siya sayo."
"Paano kung mali ka lang ng akala? Kanina ng sabihin ni Lucy na iwasan ko si Logan ramdam kong mahal niya pa ito. Siguro binabaling lang niya ang sarili niya saakin. Pero paano kung marealize niya na mahal talaga pa niya si Lucy? Paano naman ako?" hindi ko na naitago kay Zoey ang luhang pumatak sa pisngi ko. Hindi naman ito nagsalita at hiyakap lang ako nito. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nagyakapan. Hindi tuloy ako sanay na ganun ang pinag-uusapan namin. Nasanay ako puro masasayang bagay ang pinag-uusapan namin dati pero mula ng maaksidente ako puro malulungkot na bagay ang pag-uusapan namin. Pero masasabi kong lalo kaming napalapit sa isa't isa ni Zoey at alam kong ramdam niya yun.
"Ang hirap makuha ng gusto natin noh?" biglang sabi nito kaya agad akong napabaling sakanya.
"Bakit nasabi mo na ba sakanya ang feelings mo?" tukoy sakanya. Isang tango lang ang isinagot niya pero base sa expression niya malungkot ito so hindi maganda ang resulta. "Huwag mo ng alamin baka maiyak rin ako. Ganun pala pag nagconfess, hindi umayon yung nasa isip mo sa sasabihin niya ang sakit pala."
"Malalagpasan rin natin ito." Sana nga at sana hindi na magtagal pa. Dati sinabi ko kay Zoey na sabihin ang nararamdaman niya pero kapag sayo na rin pala nangyari uurong ka rin at mawawalan ka ng lakas ng loob.