CHAPTER 23

2214 Words
Maaga naman akong nagising ewan ko rin kung bakit. Nagtext naman ako sakanya kagabi na kahit 8am na lang siya pumunta rito dahil yun ang kadalasang pagsundo saakin ng mga kaibigan niya. Para na rin hindi siya gaanong mainip. Pero wala naman akong natanggap na reply nito kaya hindi ko alam kung nabasa niya ba o natanggap niya. Sakto namang nagluluto ako ng agahan ng may narinig akong nagdoorbell kaya hininaan ko muna ng kunti ang niluluto ko para hindi masunog. Hindi naman tumigil ang pagdoorbell kaya nainis naman ako. May galit ba ito at kay aga-aga nanggugulo. "Sandali lang, pwede naman sigurong maghintay ng ilang segundo." wag mo rin akong iniinis kung sino ka man. Wag ako, dahil mas masama ang ugali ko lalo na at hindi pa ako nakakapag-agahan. Baka ikaw ang makain ko ng wala sa oras. Sabi ko isip-isip ko. Napanganga naman ako ng makita ko sa peephole kung sinong nasa labas. Pinagbuksan ko naman ito ng pinto. "Hindi mo ba natangap yung txt ko sayo kagabi?" Nagtatakang tanong ko. "Nagtxt ka ba? Hindi ko nakita." Hindi ko naman maiwasang mapairap sa sagot nito. Para bang wala lang sakanya. Napatingin naman ako sa malaking relo ko sa sala ng makitang 6:30 pa lang napailing na lang ako. "Hindi pa ako nakapagprepare. Makakapaghintay ka ba?Kumain ka na?" ito ang ayoko ko sa lahat kapag may maghihitay saakin naaligaga ako kadalasan may mga bagay pa akong nakakalimutan. Iniisip ko kasi kawawa naman yung naghihintay kaya mamadaliin ko na lahat hanggang hindi ko na alam kung may naiwan na pala ako. "Ang tagal mo kasing kumilos." Sabi nito at naunang pumunta sa kusina kung saan nandoon na rin ang dining area ko. "Maaga ka lang dumating. Kung nagbasa ka sana ng message hindi ka pupunta rito ng maaga." Sagot ko rito habang nakasimangot. Pinaghain ko naman ito ng pagkain dahil nakakahiyang hihintayin ako ng matangal. Ang sarap sanang bawian ito na lalo kung babagalan ang kilos kaso nangibabaw ang pag-awa ko. "Hindi ka pa ba kakain?" "Mauna ka na. Tapusin ko lang ito ginagawa ko." "Hindi ka ba bumibili sa cafeteria niyo at kailangan mo pang magluto ng baon mo?" hindi ko namalayang pinagmamasdan niya pala ang ginagawa ko. Nakita niya kasing naglalagay ako ng pagkain sa baunan. "Paulit-ulit kasi ang luto sa cafeteria namin kaya madalas akong nagbabaon saka hindi healthy, kadalasan kasi marami silang nilalagay na instant para lalong sumarap yung luto nila which is unhealthy." "Ang dami mong alam." "What? Wala namang masamang maging healthy. Try mo rin kaya." Inabot ko naman sakanya ang avocado shake na ginawa ko. "Siya nga pala hindi na kita ipapasundo simula ngayon." Gusto ko sanang magtanong pero pinili ko na lang tumahimik okay rin siguro yun para hindi na sila maabala ng husto. "Malapit na ang finals namin kaya pinafofocus ko sila doon ̶ " "Ayos lang, hindi niyo naman na kailangang gawin ito araw-araw. Maraming salamat sa tulong niyo." Mabuti na rin yun para malayo na rin ako sakanya. "What exactly are you saying? Hindi ko na sila pinapasundo sayo dahil ako ng susundo sayo. Naiintindhan mo. Tutal nabangit mo na rin ang pagiging healthy, kailan pala maaga akong pumunta rito. Kailangan ilutuan mo ako ng HEALTHY na mga pagkain at mula ngayon kailangan mo rin akong ipagbaon rin para hindi ako bumili ng mga UNHEALTHY na pagkain, naiintidihan mo." Napatanga lang ako dahil sa sinabi niya dahil hindi ko maabsorb lahat ng sinabi niya. At ito rin ang kaunaunahang pagkakataong nagsalita ito ng mahaba-haba. "Yun na ang bayad mo sa pagtulong ko saiyo." "Kumilos ka na, ayoko pa rin sa makupad." Bigla naman akong natauhan dahil sa sinabi niya. Muntik ko ng makalimutan hindi pa ako naliligo. ******************************** "Wow, mukha ngang lumilevel up ang status niyo, bakla. Anong meron? Nanliligaw na ba?" Tinignan ko lang si Zoey na parang nahihibang, kahit kailan talaga. Walang magawa sa buhay. "Joke ba yan?" May pagkabagot na tanong ko. "Hindi, alam mong hindi ako marunong magbiro. Bakla ka. Bakit siya na ang naghahatid sundo sayo?" Hindi ko pala nasabi sakanya noong nakaraan at saka iniiwasan ko na rin dahil alam kong marami itong tatanungin. Tulad na lang ngayon. "Malapit na raw kasi ang final game nila kaya pusposan ang practice nila." "Eh? What's the difference? as if naman buong team niya ang sumusundo sayo araw-araw." Yah may point naman siya sa sinabi niya. "Baka ayaw niya lang mahassle ang mga teammates niya na parating sundo ng sundo." Ayoko na rin pang magtanong baka kung ano pang masabi ko kapag magkasama kami. Hindi kasi matapos-tapos yung argument naming dalawa kapag magkasama kami at napansin kong mahilig niyang ibalik yung nakaraan ewan ko sakanya. Para talaga may pag-awayan uli kami. Alam niyo yun. Yung feeling na tumahik ka na para sumurrender at wala ng away tapos maya-maya ibabalik niya. Nakakainis kaya. Gusto niyang naiinis ako. "Okay sabi mo eh," rinig kong sabi nito. May sasabihin naman sana ako ng biglang may marinig akong matinis na bagay na may halong pagkabasag hindi ko alam kung saan ito ng gagaling. Ang alam ko lang malakas ito na ayaw maalis sa mga teynga ko. Namalayan ko na lang na parang umiikot ang paningin ko at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Hanapin mo siya. Bigla naman akong napamulat ng mga mata, mukhang familiar na ako kung nasaan ako. Naupo naman ako at pinakiramdaman ang paligid. Sa tingin ko nasa clinic ako ngayon. Ano bang nangyari saakin? Ang natatandaan ko lang kanina bigla akong may narinig na matinis na para bang may banggaan. Yun lang ang huli kong natatandaan. Hanapin mo siya. Bigla naman akong napatingin sa paligid dahil hindi ako nagkakamali narinig ko nanaman ang tinig na iyon at hindi ako nagkakamali si Eros yun. Nasaan ka? magpakita ka. "Hoy babae, alam mo bang muntik na rin akong magcollapse nang dahil sayo. Ano bang nangyari sayo? Nag-alala ako sayo, kaloka ka." Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi niya pero mukha nga. Ayoko ko nga magsalita baka mabatukan pa ako nito. "Yun rin ang gusto kong itanong sayo. Ano bang nangyari?" "Ang pagkakaalala ko lang nung naglalakad tayo sa hallway papuntang klase. Huminto ka bigla tapos para kang may naririnig kaya tinakpan mo yung magkabilaang teynga mo tapos maya-maya nagcollapse ka na kaya bigla akong napasigaw at humingi ng tulong. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala. Natakot ako feeling ko mauulit nanaman nung nasa hospital ka. Magpatingin ka kaya ulit sa doktor mo sasamahan kita." "Saka na lang, nawala na rin naman, sa tingin ko natriggered lang yun dahil ang dami kong iniisip. Sorry sa pag-aalala." "Hindi ako kumbinsido. Magpatingin ka na, please. Para sa ikatatahimik ng konsensya ko na rin." Pagmamakaawa nito alam kong nag-aalala nga siya masyado. "Paano ang klase natin?" "Ini-excuse na kita pati rin ako dahil alam ng professor natin na wala kang kasama at walang magbabantay sayo." Mukhang wala na nga akong maidadahilan sakanya. "Okay sige, pero tatanungin ko muna yung doktor ko kung available siya ngayon baka kasi marami siya pasyente sa mga oras na ito nakakahiya naman kung makikiunahan ako." Naconvince ko naman siya doon kaya agad kong tinawagan ang secretary ng doktor ko at tama nga ang hinala ko na marami itong pasyente kaya naman nagpaschedule na lang ako. Wala namang nagawa dahil doon si Zoey. "Hindi mo ba sasabihin ito kay Logan?" "Yung nangyari saakin? Bakit naman?" "Anong bakit naman. Syempre para maging aware siya." "Hindi kami ganun kaclose para sabihin ko ang mga nangyayari saakin. Hatid sundo ko lang siya hindi babysitter kaya ko naman ang sarili ko." "Psh, pinairal mo naman yang pagiging mapride mong babae ka." Mukhang nainis ito dahil sa sinabi ko pero kasi totoo naman. "Tutal hindi ka naman na pupunta sa doktor mo ihahatid nakita sa apartment mo doon na lang tayo maglunch." "Huh? Nakalimutan kong wala na pala akong mga stock ng pagkain kaya samahan mo muna akong maggrocery. Nahihiya kasi akong magpasama kay Logan hatid sundo ko lang kasi siya dahil alam kong busy rin siya." Paliwanag ko rito. Napairap lang ito kaya mukhang alam ko nanaman ang iniisip niya na isa akong mapride . ************ "Bayaran mo na yan, hintayin na lang kita sa labas ng grocery. Dito na rin tayo kumain sa may food court nila." Tumango na lang. Narealize ko naman ng umalis ito ay wala pala itong iniwang pera niya para sa mga pinamili rin niya. Yung babaeng yun mukhang ma-iiscam pa ata ako. Di bale na nga marami naman siyang naitulong saakin. Nang matapos ako hinanap ko naman agad ito. Hindi ko na sana siya pinaalis kanina ang bigat tuloy nitong dala. Bigla kasing may mga naalala akong bilhin kaya bumalik uli ako kanina. Ito ang nangyayari saakin kapag hindi ko naiisusulat ang mga dapat bilhin ko tapos kapag malapit na ako doon ko maalala na may iba pa pala akong nakalimutan pang bilhin. "Ang tagal mo infairness." Mukhang hindi siya natuwa. "Saka bakit parang dumami ata yang pinamili hindi naman ganyan yan kanina." "May nakalimutan pa kasi akong bilhin kanina kaya umalis ako sa linya. Sorry ulit sa paghihintay." "Psh. Oh siya tulungan na kita. Nandito na rin ba yung mga pinamili ko babayaran ko na lang sayo mamaya." "Okay lang marami ka namang natulong saakin libre ko na yun sayo." "Mapilit ka hindi na kita kokontrahin. Ilibre na lang kita sa isa restaurant saan mo gusto?" "Sira, sa food court na lang tayo mas maraming pagpipilian doon." Habang naglalakad papuntang food court nagwiwndow shopping naman ang mga mata namin. Hangang tingin muna kami sa mga nadaraan namin hindi dahil hindi namin afford kundi dahil hindi naman namin kailangan ng pangmatagalan medyo nasanay na kaming kontrolin ang sarili namin na bumili ng kung anu-ano. Hindi namin namalayang may nabungo napala itong si Zoey dahil siya ang mabilis maglakad saaming dalawa. Doon ko lang nakita kung sinong nabunggo nito. Ang matagal na naming iniiwasan. "You're not looking at your way!" medyo galit na saad nito. "Kaya nga nagsosorry hindi ba. Pasensya na nakaharang ka rin kasi sa daan." Sarcastic na sabi naman ni Zoey kaya nagmadali akong puntahan ito, mukhang maghahanap pa nang away. Baliw talaga ang babaeng ito pero mabuti na lang at hindi niya kasama ang mga alipores niya for sure mas mahabang senario ang mangyayari. "Are you saying na kasalanan ko pa? Ikaw na nga itong bumungo saakin" mukhang hindi rin papatalo itong isa. "Wala akong sinabing ganun pero dahil na rin guilty ka di sige. May kasalanan ka rin dahil alam mo na nga hindi ako natingin di sana tumabi ka -" "So you're telling me I'll make a way so I won't bump into you?" "Exactly! Mahirap ba iyon? hindi mo naman pag-aari itong daan." Mukhang hindi sila magpapatalo sa isa't isa. Kailangan ko ng mapigilan silang dalawa dahil hindi na ito matatapos kung walang susurrender sakanila. "That's it, hindi naman intension ng kaibigan ko ang ginawa niya, Lucy. Kaya sana matanggap mo na ang sorry niya." Bigla naman itong napatingin saakin sabay taas nito ng kilay. Well mukhang nagkamali ako ng kinausap dahil kapag hindi rin ako nakapagpigil baka bunutin ko isa-isa ang buhok nito sa kilay dahil sa attitude niya. "The next time we meet each other again, Missy. You don't know what I am capable of. And by the way, I warned you to stop following my boyfriend around like a parasite. Am I really that scary that you need someone to help, how pathetic." Pang-iisulto nito. Dahil sa sinabi nito bigla tuloy akong natrigger. Palalagpasin ko pa sana pero yung sabihan niya akong takot sakanya well nagtitimpi na ako sa babaeng to. Kung wala lang mga tao sa paligid baka nasapak ko na siya ng wala sa oras. "Takot? Bakit sino ka ba para katakutan ko? To be honest, you're simply a total nothing to me, and I have no idea why your boyfriend is following me—you may even be just his ex. And don't take what you don't own." Sa sobrang inis ko rin sakanya sinadya ko na itong bunguin. Alam kong galit na galit ito hindi ko alam kung saan ko nahugot yung lakas ng loob ko kanina. "Hoy, anong palabas yun? Alam mo bang para akong nanunuod ng teleserye na ang tema ay pang kabit. you may even be just his ex. And don't take what you don't own., pak. Kung nandito ang mga bakla naku nakoronahan ka na nila." "Huwag mo na nga ipaalala, para tuloy akong naguguilty sa mga nasabi ko. Mukha pang napahiya siya at maraming nakakita ayoko na sana siyang ipahiya ng ganun pero sumubra na siya." "Deserve niya yun. Pangit ng ugali, kung sasabihan niya rin ako ng ganun hindi lang yun ang gagawin ko sakanya." "Feeling ko tuloy aabangan niya na talaga ako. Patay na ako nito. Baka ipasalavage niya na talaga ako. " "Gaga, hindi ako papayag noh. Subukun lang niyang idampi ang kamay niya sa dulo ng buhok mo. Uunahin kong ahitin lahat ng buhok niya sa kilay. Kung makapagtaray siya kanina daig pa ng Mt. Everest sa taas ng kilay niya kanina." Napatigil naman kami ng marinig kong nag-riring ang phone ko. Bakit naman tumatawag si Mama? Nalaman niya kaya yung nangyari saakin kanina?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD