"Captain, Nasabi mo na ba kay Missy?" Biglang sambit ni Lee. Bigla namang natahimik ang mga ibang kasama ko na abalang nag-aayos nang kanya-kanya nilang mga gamit. I understand what he's saying at alam rin naman nang mga teammates ko hindi ko iyon tinago. Kailangan niyang malaman ito kung hindi konsensya ko kung may nangyari sa kanyang masama sabi nang kabilang bahagi nang utak ko.
"Hindi pa naman ganun kadaling kalabanin si Lucy masyadong maimpluwensya. Baka kung anong gawin niya kay Missy." Komento naman ni Zeus. Yah, it's all about her namis-interpret niya lahat nang nakita niya at sinabi ko na rin naman kung anong gusto kong sabihin sakanya at alam niya yun. However, being Lucy, she will never understand at paniwalaan niya kung anong nakita niya.
""I'm already considering it."." Maikling sabi ko. Sa ngayon hindi iyon ang kailangan kong pagtuunan ng pansin.
************
"Hindi mo na ako kailangang ihatid pa kaya ko naman na. Kung nag-aalala ka na baka sugurin ako ni Lucy hindi ko hahayaan iyon." Sa totoo lang nahihiya na rin ako kay Zoey dahil halos 2 dalawang linggo na ako nitong hinahatid sundo. Alam kong magkaibigan naman kami pero may mga personal na buhay rin siya. Lalo siya ang naghahatid at sundo saakin to the point na kahit maaga ang pasok ko kailangan maaga rin siyang papasok para maihatid ako then sa uwian naman maaga ang uwian ko. Ihahatid niya ako pauwi then babalik siyang school dahil may pasok pa siya o di ba saan ka pa kaya nahihiya na talaga ako instead na ipahinga na lang niya yung pagsundo saakin. Kung lalaki lang siya baka nainlove na rin ako sakanya dahil boyfriend material type siya pero hindi eh. Kaya swerte ng magiging boyfriend nitong babaeng ito.
"Huwag ka ng nga maarte bakla ka. Ayaw mo iyon mas marami na tayong time together,pwede na tayong maging mag-jowa pero joke lang iyon dahil mas gusto ko pa ring i-jowa si Zeus."- biro naman nito. Ayaw lang nito na magreklamo ulit ako.
"Sira ka talaga, pero seryoso ako hindi mo na ako kailangang pang ihatid sundo, Zoey. Tutal mukha namang natahimik na sila Lucy at walang rason para agawin ko ang boyfriend nun."
"Si Lucifer siya, hindi mo alam kung kailan aatake ang impaktang yun kaya huwag kang magpakachill lang diyan. Alam mo bang nakakatakot ang impaktang yun maraming bali-balita na muntik na itong makapatay pero pinagtakpan lang ang mga kasalanan niya dahil mayaman. Nababayaran niya." Sa tingin ko naman hindi niya iyon magagawa. Maldita at masungit lang iyon pero mukhang hindi siya nagpapatay at lalong pumatay. Maarte kaya siya.
"Pero seryoso hindi mo na talaga kailangang gawin ito nakakahiya na talaga. I-contact ko na lang yung driver nila Mommy or mag-hihire na lang ako ng personal driver para hindi ka na mapraning. But promise me you won't tell my parents about this. We are unsure if she is capable of all the evil things you are thinking, after all." Assurance ko rito mukha namang nagustahan niya ang ideyang yun.
"Papayag ako kung nakita ko talagang may maghahatid na sayo." Napangiwi naman ako dahil sa sinabi nito. Mukhang mahihirapan pa ako dahil kapag sinabi ko kay Mommy na kailangan ko ng driver ulit malamang maraming tanong na naman at hindi ito titigil hangat hindi siya nakakakuha ng valid reason. "Mukhang may hindi ka inaasahang mga bisita." Palit nito ng topic kaya naman nagtaka ako sa sinabi niya. tatanungin ko sana siya kung anong sinabi niya ng may ituro ito. Nakita ko naman ang tunutukoy nito na nasa labas ng gate ng apartment ko. Anong ginagawa niya rito? Tanong ko sa isip ko. Nakapagtataka.
"Ano kayang kailangan nila rito?" Yan rin ang tanong ko sa sarili ko ng biglang sabihin yun ni Zoey pero minabuti ko na lang tumahimik at lumabas agad sa kotse nito alam ko namang susunod rin ito.
"Ahm Hi!? Napadaan ata kayo?" nag-aalangan na sabi ko actually hindi ko alam kong paano sila pakikitunguhan dahil hindi naman kami ganun magkakilala ng lubusan. Nakakahiya naman kung maging feeling close ako sakanila. Sinabi ko sa sarili ko na huli na yun na pagkikita namin at ako na mismo ang lumalayo dahil sa kahihiyang ginawa ko dati pero bakit pinaglalapit pa rin kami.
"Gusto lang naming malaman ang lagay mo. Nabalitaan mo na rin yung tungkol sa nangyari kay Lucy?" Walang pag-alinlangang sabi ni Lee. Hindi naman agad ako nakasagot sa sinabi niya pero alam ko na kung anong tinutukoy niya.
"Huwag kayong mag-alala mukhang haka-haka lang naman yung mga balita. Maayos naman ako walang mangyayari saaking masama."
"Matagal na naming kilala si Lucy. Mabait siya kung sa mabait pero sa panahon ngayon hindi namin alam kung anong iniisip niya. Kahit kami natatakot kami sa pwede niyang gawin lalo na mainit ang mata niya sayo." Si Tristan na ang nagsalita kaya medyo nangaba rin ako sa sinabi nito.
"Anong ibig mong sabihin?" Kinakabahang sabi ko. Bigla naman akong natakot wala akong ginagawang masama pero bakit nagkakaganito. Nakatingin lang ako rito pero bigla itong bumaling kay Logan na tahimik lang sa tabi. Napatingin naman ito saamin pero hindi ito nagsalita akala namin hindi niya na tuluyang sasabihin ang rason pero bigla itong nagsalita.
"Don't worry; we'll always keep you safe. We won't let her harm you in any way." Hindi yun ang inaasahang kong paliwanag niya at alam kong yun rin ang nasa isip ng iba. Pero hindi nila kinontra ang sinabi nito.
"How can we be certain that she will not be harmed?" Bigla naman akong napabaling kay Zoey. Dinilitan ko siya ng mata dahil kung anong-pinagsasabi niya pero mukhang wala itong nakita. "Kasi nga paano niyo malalaman kung may mangyayari sa kanyang masama kung hindi naman kayo 24/7 na kasama niya." Hala kailangan kong pigilan ang babaeng to baka kung saan pa mapunta ang usapan na ito.
"Zoey, tumigil ka na nga... Wag niyo na akong intindihin. Salamat sa concern walang mangyayaring masama saakin." Ayoko ng magkaroon pa ako ng connection sakanila. Gusto sana nilang magsalita pero para bang may hinihitay silang dapat na magsalita.
"I'll take the responsibility." bigla namang sabi nito. Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi kahit ang mga kasama nito.
"Hello, hindi mo ba narinig yung sinabi ko hindi na nga kailangan di ba—." Hindi naman nila ako pinatapos sa sasabihin ko ng magsalita si Zoey sa tabi.
"Aasahan ko yan Mr. Villanueva." Seryosong sabi nito at nakipagkamay pa. Hindi naman ako makapaniwala dahil para bang binenta ako ng babaeng to.
*********
*********
"Sa totoo lang, nahihiya na ako dahil ang dami ko ng utang na loob sa inyo hindi niyo naman na kailangang gawin ito." Nakayuko lang ako habang sinasabi iyon.
"Huwag ka nga maguilty diyan, wala lang ito. Sa katunayan mas nag-eenjoy pa nga ako." Tignan ko naman si Lee ng hindi makapaniwala. Siya ang sumundo sa akin sa araw na iyon. Nagsasalitan silang magkakaibigan isang linggo na nilang ginagawa ito. Mabuti na lang rin at hindi si Logan ang nagsusundo dahil lalong wala akong mukhang maihaharap sakanya. "Huwag ka ng mailang kaibigan ka na namin. Never pa kasi kaming nagkaroon ng kaibigan na babae kaya natutuwa kami na napalapit kami sayo." Actually ganun rin naman ako para bang nagkaroon ako ng mga instant kuya na over protective at kung minsan meydo over acting na rin. Magsasalita pa sana ako ng maramdaman kong nagvibrate ang phone ko sa bag.
Calling Zoey...
"Hello—" may sasabihin pa sana ako pero inuhan na ako nitong magsalita. Meydo hindi ko naiintindihan ang buong sinabi niya ang natandaan ko lang ay sunduin sya sa may mall. Ang bilis magsalita ng babaeng ito magsasalita pa sana ako pero bigla naman akong pinatayan.
"Sino iyon?" biglang usisa ni Lee.
"Si Zoey yung tumawag."
"Ah, si Parrot lang pala." Bigla naman akong natawa dahil sa sinabi niya. Hindi ko expect na may nickname siya sakanya. "Sorry, baka na-offend ka para sa kaibigan mo. Ang daldal kasi na alala ko yung alaga ko dating parrot sakanya." Doon na ako tuluyang natawa dahil sa sinabi niya. Naalala ko naman tuloy kung anong tawag rin ni Zoey sa kanya baka lalo siyang maoffend. Sa isip-isip ko na lang yun baka kung ano pang mangyari.
"Pwede bang makisuyong idaan natin saglit doon sa mall. Nagpapasundo kasi si Zoey mukhang walang masasakyan."
"Psh. Buti na lang ikaw ang nakisuyo. Malakas ka saakin." Niluluko pa ako nito habang nasa daan kami na magpatagal daw kami ng ilang oras para maghintay ito ng matagal. Natatawa na lang ako dahil ganun open talaga silang dalawa na ayaw nila sa isa't –isa. But somehow parang nakakatuwa lang silang tignan pag nagbabangayan. Malalaman niyo rin kung anong ibig kong sabihin.
"Hoy, mag-alcohol ka bago ka pumasok. Baka mapasukan ng malalang virus yung kotse ko masyado pa namang sensitive itong kotse ko lalo na kapag ikaw ang sumasakay." Round 1. Tahimik lang ako rito ewan ko ba kapag sila ang kasama kong dalawa hindi ako naboboring. Maganda silang kasama pag mga malalayong travel dahil kahit taga pakinig ka lang para bang nakakarelate ka na rin sa pagbabangayan nila.
"Hindi mo naman sinabi saakin Missy yung maarteng bakla pala ang nagsundo sayo. Kung alam ko lang sana nagtaxi na lang ako." Ganti naman nito. Mukhang naiinis rin yung isa.
"Paano ko naman mamasabi kung hindi mo man lang ako pinagsalita at binabaan mo pa ako ng tawag." Depensa ko sakanya.
"Nadead na kasi yung phone ko agad. That's why."
"Bakit sinong expect mong susundo kay Missy, si Zeus? Kung ako sayo wag ka ng umasang magugustuhan ka niya dahil ayaw nun sa mga maingay na babaeng katulad mo." Natahimik naman si Zoey dahil doon alam kong medyo naoffend siya but being Zoey hindi niya yun ipapakitang na nasasaktan siya. Alam ko namang biro lang yun ni Lee dahil yun ang natutunan ko pagnakakasama ko siya because if you take his joke seriously then you'll get really offended.
"Alam mo beks. Kahit maingay ako may sense ang mga sinasabi ko unlike you kailangan lumevel ng mga kausap mo para maintindihan ka. Kaya nga iniitindi na lang namin yung sitwasyon mo." Sabi na may banat rin itong babaeng ito buti na lang hindi niya dinamdam masyado ang sinabi nitong si Lee.
"Wala ba akong sense kausap, Missy?" Biglang tanong naman nito sa tabi ko. Hindi ko alam kung maawa ako o matawa dahil para itong batang nagsusumbong.
"Ahm—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang magring phone niya. Agad niyang itong kinuha at mabilis itong sinagot. Mukhang takot pang takot itong hindi nasagot agad.
"Ngayon na Captain. Ano kasi hindi ko pa—" napailing naman itong ibinaba ang phone. Mukhang alam ko na kung sinong tumawag sakanya.
"Pwede bang sumaglit sa university namin mukhang galit na si Captain. Magpapaliwanag ako saka ko kayo ihahatid. Okay lang ba sayo Missy?"
"Ayos lang. ikaw Zoey? Nagmamadali ka bang umuwi?"
"Wala kang choice kung ayaw mong maghintay magcommute ka." Turan naman ni Lee. Halatang ayaw nitong pagsalitain si Zoey.
"Oo na. Ano ba nga bang magagawa ko. Nakikisakay lang ako." Sabat naman nito. Kahit kailan talaga itong dalawang ito.
Nakarating naman kami sa University nila at agad na pinark ni Lee ang kotse nito at dali-daling itong lumabas muntik pa nga nitong makalimutang magpaalam saamin.
"Gusto niyo pa bang sumama?" Tanong nito.
"Siguro dito..."
"Susunod na lang kami. Mauuna ka na baka lalong patay ka niyan sa Captain niyo."- Mabilis namang umalis si Lee sa sinabing yun ni Zoey. Mukhang lagot nga talaga siya sa Captain nila. Siniko naman ako ni Zoey na tumahimik na lang. Alam ko namang kung bakit gusto nitong pumasok doon.
"Bilisan mong maglakad para makita ko pa si bebe Zeus."
"Sira ka talaga, malakas ng tama mo sakanya. Pwede ka naman sigurong umamin sakanya."
"Saka na kapag may lakas loob na akong magpropose sakanya." Napailing na lang ako dahil sa sinabi nito. "Oh, Captain Logan nasan si Beks este si Lee?" napaangat naman ako ng tingin dahil sa sinabing yun ni Zoey.
"Ako ng maghahatid sainyo. Pinabalik ko na siya practice." Seryosong sabi nito habang nakatitig saakin kaya nag-iwas agad ako ng tingin.
"Ganun ba, sayang naman." Nanghihinayang na napasimangot si Zoey dahil hindi na matutuloy ang balak nito. Bumalik na kami sa parking at ang kotse pa rin ni Lee ang ginamit para maihatid kami. Hindi tulad kanina habang nasa biyahe ay maingay dahil sa bangayan nila ni Lee at Zoey. Ngayon para bang paghinga mo lang dapat ang marinig dahil itapon kami bigla ni Logan sa labas lalo na kapag nag-ingay si Zoey. Kaya siya ramdam ang cold na aura nito kaya minabuti nitong tumahimik. Nagsalita lang ito ng ibinaba siya sa harap ng bahay nila.
"Maraming salamat sa paghatid at paki sabi rin kay Lee na maraming salamat." Tumango lang ito bilang sagot kaya parang nagkaroon ulit ng harang saaming dalawa. Wala naman kasi akong sasabihin pa sakanya at mukhang ganun rin ito.
"Akong susundo sayo bukas. Maaga kang gumising." Para naman itong hangin na dumaan pagkasabi niya nun. Hindi man lang niya ako pinagsalita or pinagreact bago man lang umalis. Ano kaya yun? Bakit bigla akong kinabahan ng sinabi niyang siya ang maghahatid saakin bukas? Sanay naman akong ihatid ng mga kaibigan niya?