“I'm glad to see you're safe, anak.” Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa magulang ko ng salubungin nila ako. Hindi ko na rin pwedeng itago ang nangyari dahil alam kong malalaman rin nila. Dahil wala na rin akong choice kaya kailangan kong bumalik na sa bahay. “Pumasok na kayo sa bahay.” Anyaya ni Dad. Kaya sumunod na kami sakanya. Muntik ko ng kalimutang may kasama pala ako. Naisipan ko na ring umuwi sa bahay dahil nahihiya na ako kay Yohan na halos isang dalawang linggo na ako bahay niya mabuti na lang at hindi ito narereklamo. Kaya naglakas loob na talaga akong sabihin sa magulang ko ang nangyari. Inaasahang ko nga pangangaralan nila ako pero sinabi lang ng mga ito na mabuti na lang at ligtas ako. “Pinag-alala mo kami anak. Mabuti na lang at madalas akong i-update nitong si Yohan sa

