*Missy* Nagising akong na parang nahihilo ang nararamdaman ko, hindi ko ba alam kung bakit. Iniisip ko kung anong huling naalala ko. Sa pagkakatanda ko papunta akong lobby ng hotel at naramdaman kong may sumusunod saakin hindi ko lang pinansin iyon. Pero hindi ko inasahang may nagtakip ng panyo sa akin. Nakakasuka at nakakahilo ang amoy nun. Pagkatapos nun wala na akong maalala. Napatingin naman ako sa paligid ko. Hindi pamilyar na silid. Huwag mong sabihing na kidnap nga ako? Hindi ko alam kung dala na ba ito ng mga napapanuod ko pero ayokong mag-overthink na kinidnap nga ako. Pero ni isa talagang bagay dito sa loob ng kwartong ito walang pamilyar saakin maliban sa napansin kong hindi gaya sa mga palabas na sa mga abandonadong mga lugar dinadala yung mga biktima. Hindi kaya nag-upgrade n

