CHAPTER 13

1331 Words
Busy kaming naglilinis ng apartment ngayon dahil walang pasok kaya naman naisipan kong maglinis at tinutulungan naman ako ng mga bata. Hindi ko alam kung kamusta na sila dahil nasa kwarto ako at sila pinagpupunas ko ng sofa at table sa maliit na living room namin. 'Ahhhhh!' narinig ko naman si Psyche na sumigaw kaya dali-dali akong lumabas baka kung anong mangyari sa kanya pero iba ang nadatnan ko. Nakita ko namang buhat ni Logan ang bata at mukhang wala namang nangyari sakanya. Masaya lang siguro siyang nandito ang daddy nila dahil matagal-tagal rin itong hindi nakadalaw sakanila although nagkikita naman sila kapag iniiwan ko sila sakanya. "Hi! Napadalaw ka." Bati ko rito medyo nawala na rin ang ilang ko sakanya kahit papaano. "Gusto ko sanang magpaalam pupunta kami sa resort ngayon." Medyo nahihiyang sabi nito. "Ow, hihiramin mo ang mga bata? Sige, mukhang bored na rin sila. Kaya isama mo na sila." Ngiti ko sakanya. "I mean, kayong tatlo ang isasama ko. Busy ka ba?" "Mommy sama ka na po."- pagpipilit naman ni Psyche kaya sumunuod rin si Eros na pilitin ako. Wala rin ako nagawa kundi ang sumang-ayon magkaroon ka ba naman ng mga anak na makulit. Nalaman kong 3days 2nights kami doon bali sa linggo kami uuwi. Nagprepare naman na ako ng mga dadalhin ko inayos ko pati dadalhin ng mga bata tinulungan naman akong mag-ayos rin ni Logan. "Ikaw? Paano yung mga dadalhin mo?" Tanong ko sakanya. "Nasa kotse na." "So planado mo na talaga." "Medyo." Ngumisi naman ito saakin kaya inirapan ko siya. "Nanalo kasi kami kahapon sa mga kalaban namin hindi ko alam na nagpustahan itong mga loko-lokong ito kaya pala ang seryoso nila, yun pala may mga pinaplano. Saka lang nila sinabi na nakipustahan sila. Hindi raw nila sinabi saakin dahil alam kong ititigil ko yung laro at ito yung gagawin nila sa napanalunan nila." Marami pa itong ikwenento medyo hindi ko naiintindihan yung mga ibang sinasabi niya pero nakikinig lang ako. Bigla namang tumunog ang phone nakita ko namang tumatawag roon si Zoey kaya sinagot ko kahit alam kong wala katuturan ang sasabihin nito. "Napatawag ka bakla." Bungad ko dito. "Wala lang, boring kasi walang pasok." Sabi sainyo. "Maglinis ka nang bahay niyo para may magawa ka." Sudggestion ko kahit alam kong hindi mangyayari yun. "Duh, Ako pa talagang paglilinisin mo? Saka nakapaglinis ng mga kasambahay namin dito. Labas na lang tayo, punta tayong mall." "Hindi ako pwede may pupuntahan kasi kami ngayon." "Ay, wow family bonding niyo? Makiki sana All na lang ako." "Baliw, outing kasi ng team nila Logan sinama lang kami." Napatingin naman ako Logan na busy nagtutupi at inilagay sa malaking bag na doon nito inilagay ang gamit ng dalawang bata ako naman sa ibang bag ako. "Aw, pwedeng makisabit na lang sainyo?" Biro nito. Natawa naman ako sa sinabi niya. "Baliw, yayain mo na lang yung dalawang bakla." "Hay, naku kung pwede lang pero may plano rin pala yung mga yun ng hindi ko alam. Biruin mo ba namang tumawag ako sakanila nasa Palawan na yung dalawa. Isasama raw sana nila ako kaso kasama nila yung mga kalahi nilang mga bakla kaya okay na rin yun baka mapagkamalan rin akong bakla pagnagsama-sama kami." "Baliw ka rin." "Huhu,, kung alam ko lang nagplano na rin ako. O sige mukhang busy ka kita na lang tayo sa lunes." Medyo naawa naman ako alam ko rin yung feeling kasi na pag mag-isa ka at iniwan ka. "Fine, wag ka nang paawa effect diyan sama ka lang saamin." Bahala na pakikiusapan ko na lang si Logan ako na lang ang magbabayad ng check in niya. "Talaga! Sige, pakihintay na lang ako madali lang ako mag-iimpake na ako. Thank you." Marami pa itong sinabi hindi ko na rin naiintindihan. Binaba ko na rin ang tawag. "Ahm.. Logan." "Yeah.. I heard, don't worry ako nang bahala. Ayos na ring may kasama kang kaibigan mo para hindi ka masyadong mailang pag kasama mo yung mga team ko." Ngumiti lang ako may point rin naman kasi siya. Madaldal rin naman kasi ako pero kapag kasama ko lang ang mga kaibigan ko. Madali rin akong mahiya kapag iba ang kasama ko. Hinintay muna namin si Zoey bago kami umalis buti na lang at nagtaxi na rin ito. *************** ************** Nakarating naman na kami sa nasabing resort, sabi ni Logan nandito na raw ang ibang mga kasama nila pumasok naman kami at nakita namin sa may lobby ang mga ito, ang iba ay may mga kasama. Nakita ko naman si Lee, ang isa sa mga teammates ni Logan kumaway naman ito kaya lumapit na kami sakanya. "Missy, Nasaan si Captain?" Tanong nito nakita ko pa ang ibang teammates niya mukhang may mga partner rin ang mga ito. "Pinapark yung kotse niya. Papunta na rin yun dito." Tumango naman siya sa totoo lang siya lang ang medyo kilala ko dahil approachable rin ito. "Nga pala kilala mo na ba sila?" Ngumiti lang ako pero mukhang nakuha niyang hindi ko pa sila kilala. "Si Sionn, Tristan at Sydric tapos yung mga kasama nila gf nila yan. Si Kei, Miranda, Amanda at Georgia." Ngumiti naman ako. Nakipagkamay naman sila saakin. Mukha namang mababait sila kung titignan. "Except ako wala akong jowa sa mga yan." Sabi naman ni Georgia/Gia. "Si Zoey pala kaibigan ko." Mababait naman ang mga kasama ng mga ito mukha namang makakasundo namin sila sana. Dumating naman si Logan dala ang mga gamit namin kaya tinulungan ko ito. Noong una ayaw pa niyang ibigay pero hindi rin siya nakatiis ayaw niyang pag-awayin pa namin ito sa harap ng mga bata. "Captain. Marami pang wala, maghintay muna tayo saglit." Biglang sabi naman ni Lee. Mukhang hindi naman natuwa si Logan doon. "No, we should check in now, hayaan mo sila." Lumapit naman na si Logan sa front desk at mukhang seryoso na nga ito, siya lang kumakausap sa mga ito maya-maya may ibinigay na ito na mga card hinihintay ko naman ang saakin pero wala itong inabot. Dalawa naman sa bawat room at hindi nito pinagsama ang mga bf/gf mukhang strikto rin ang lolo niyo. Si Zoey naman makikisama sa mga girls. "Kita na lang tayo mamaya Missy, punta ka sa room namin." Tumango naman ako kila Zoey buti na lang nasa iisang floor lang kami. Pero kami nga lang ang pinaka huli. RM.399. buti na lang at twin room ang kinuha niya. Pagkabukas palang ng pinto ni Logan ng room nagtakbuhan na agad ang mga bata. Napailing naman ako dahil sa kakulitan nila. "Psyche,Eros. Magpalit muna kayo ng damit. Pawis na kayo." Talon naman sila ng talon sa kama. "Mamaya na po Mommy." – Psyche. "Psyche and Eros, listen to your mom."- seryosong sabi ni Logan. Napasimangot naman ang mga ito bago lumapit saakin. Mabilis ko naman silang pinalitan na dalawa. "Mommy, maliligo na po ba tayo sa swimming pool?" Excited na sabi ni Psyche. "Mamaya pa kasi hindi pa tayo naglulunch, after na lang." "Pero marami na po kaming nakain na food kanina sa car." Napakagat naman ako ng labi ko. Parang gusto tuloy kutusan si Zoey kung nandito siya. Siya lang naman kasi ang kasama ng mga bata sa backseat at talagang marami nga silang nakain 2hours rin ang byahe namin papunta rito. Kung anu-ano ang ipinakain niya sa mga ito. "Basta mamaya na lang dahil mainit pa sa may pool. Magpahinga na lang muna kayo." "Promise niyo po yan ha!." Tumango naman ako. Binuksan ko na lang ang tv para naman may pagkaabalahan sila. Nakita ko namang lumabas sa banyo si Logan mukhang nakapagpalit na rin ito. "Bababa ako saglit dumating na yung ibang mga kasama ko. Kukuha na rin ako ng lunch natin, may gusto ka pang ipakuha?" tanong naman nito. "Wala na." tumango naman ito. Pero bago ito umalis hinalikan muna niya sa noo ang mga bata habang busy nanood ang mga ito. Kumuha na rin ako nang pamalit ko at pumunta na sa banyo. ************** To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD