"Hindi kaya masyadong revealing itong suot ko?" Napatingin naman kami sa suot ni Kie na siyang huling nagpalit, pupunta kasi kami ngayon sa pool area naisipan nilang magnight swimming although wala pang gabi dahil ala singko palang ng hapon. Bukas naman kami pupunta ng beach.
Hindi naman malaswang tignan ang suot nito she's wearing Sunflower print lace up back cami dress alam ko ring naka white bikini na ito sa pang-ilalim niya dahil si Gia at Zoey lahat ang pumili ng mga isusuot namin. Sasabunutan raw nila kami kapag hindi raw namin isinuot yung mga dala nila alam kasi ni Gia na medyo conservative ang mga kasama niya at pati rin pala itong Zoey nagdala rin ng isusuot ko. Naalala ko kasi dati noong pumunta kami ng resort nagt-shirt ako at maikling short pero sabi niya mag bikini ako kaso wala naman akong dala ng time na yun kaya no choice lahat sila naka outfit noong time na yun at ako mukha raw akong katulong nila. Ang sarap nilang sabunutan nun.
Si Kie, Amanda at Miranda ang nakasuot ng Cami Dress yun lang iba't ibang color ang print, si Kie sunflower while Mira floral but dark color and Amanda wearing pure red cami dress that paired her red bikini. Ako naman naka white maxi dress at sa ilalim naman ay white and black bikini na zebra ang style. Tapos itong dalawang pasimuno naka Black Cover up lace kimono silang dalawa mukha na itong setro, sa ilalim naman nila ay Red and black bikini naman kay Gia at royal blue ang kay Zoey.
"Sabi na bagay sayo." Sabi ni Zoey nagkasundo talaga sila ni Gia dahil pareho raw silang mga single mga loka lang.
"Pero nakakailang nga lang." depensa naman nito.
"Subukan mo lang tanggalin yan sasabunutan kitang bruha ka." Banta naman ni Gia kay Kie napasimangot lang ito. Makikitang siya pinaka conservative sakanila. "Hindi ba bagay kay ate mo Kie ang suot niya, Psyche?" Talagang tinanong pa ang bata. Kasama rin pala namin sa room ang dalawang baby ko.
"Opo.. Ang pretty niyo po." Masayang sabi niya dito.
"See bata na ang nagsabi."
"Pero mas pretty po ang mommy namin." Biglang sabi naman ni Eros.
"Ay korek ka diyan baby. Sa sobrang pretty ng mommy niyo ngayon malay mo magkaroon pa kayo ng kapatid." Sabat naman nitong Zoey, nagtawanan naman ang mga ito. Inosente namang nakatingin ang mga bata saakin.
"Wag kayong nagpapaniwala dito sa Ate Zoey niyo. Hindi totoo yun." Niyakap ko naman silang dalawa at sinamaan ng tingin si Zoey pero dedma lang ito.
"Tara na girls baka hanapin kayo nang mga jowa at asawa niyo." Tumayo naman na kami chineck muna namin kung may nakalimutan pa kami pero nasiguro naman naming wala na. Paglabas namin hindi rin naming inaasahang maraming naliligo sa pool pero hindi naman ganun kacrowded dahil malawak at maraming pagpipilian na pool. Napapalingon naman ang ibang tao saamin, paano ba naman pang model ang mga kasama ko although hindi rin ako nalalayo sa kanila we each have our own notion of beauty.ika nga. Nakita na namin sa isang shed ang mga boys kaya mabilis na kaming naglakad papunta sakanila. Iilan lang ang naabutan naming naroon yung iba busy, mukhang magbabarbecue sila dahil kanya-kanya ang mga minamarinate nila.
"May maitutulong ba kami?" Tanong ko sakanila, napatingin naman ako kay Logan na nakatitig pala saakin or should I say sa suot ko.
"Wow!! Mukhang maraming maggwagwardiya sainyo ngayon. Lalo na sa may mga boyfriend rito lagot tayo diyan." Kumento naman ni Lee.
"Buti na lang at wala tayong boyfriend na magbabantay Zoey." Sagot naman ni Gia. Nag-appir naman ang dalawa.
"Too much skin." Nakakunot na sabi ni Logan sa suot ko. Nakita ko naman kanina, okay lang naman siya hanggang tuhod ko, yun nga lang off shoulder kaya yun siguro ang tinutukoy niya.
"OA naman Logan hindi naman nakikita ang kaluluwa ni Missy sa suot niya. Bagay nga sakanya." Hindi naman na ito nagkomento sa sinabi ni Zoey pero ramdam kong hindi ito natuwa. Mukhang tama nga ang sinabi ni Lee dahil mukhang binabakuran nila ang mga girlfriends nila. Natatawa pa ako dahil kanina masyadong naiilang si Kie sa suot niya ngayon pinag-aawayan pa nila ng bf niya yung suot niya pinagpapalit kasi siya nito pero ayaw raw niyang magpalit ang dahilan niya mas marami naman daw yung mas malala ang suot. Ibig sabihin nito masyadong revealing yung ibang naliligo at okay lang daw sakanilang titigan sila samantalang kami halos bigyan na kami ng jacket kapag maliligo. May point rin naman siya saka nakita rin namin kanina na may nakapaskil 'swimware' lang ang pwedeng isuot dito.
Sa lahat rin kasi nang kasama namin rito ang bf ni Kie ang halatang selos na selos nakakatuwa tuloy silang mag-away. Yung iba naman tahimik pero halatang nagmamanman kapag may napapatingin sa gf nila. Iba rin kung magselos mukhang ayaw masabon ng mga gf.
"Hmmm I can see the B*tch. " Napakunot naman ako sa sinabi ni Zoey. Hindi ito nakatinigin saakin kaya napatingin rin ako sa tinitignan niya. Doon ko nakita ang tinitignan niya babaeng naka black monokini swimsuit hindi makakaila na maraming napapatingin sakanya specially boys.
"Kilala mo?" tukoy ko sakanya tinignan naman niya ako na mukhang nagtataka.
"Hindi mo siya kilala?" takang tanong nito. Napatingin naman si Gia na nasa kabilang upuan.
"Magtatanong ba ako kung kilala siya." Sarcastic na sabi ko.
"OMG. Wala kang kamuang sa mundong ito?" Hindi makapaniwalang sabi ni Gia. "Siya lang naman ang ex ni Logan. I mean ex-girlfriend ..Si Lucy" Paliwanag nito napatango naman ako mukhang huli na ako sa balita. Pero anong ginagawa niya rito? Ang malala palapit na ito sa gawi namin or should I say sa shed namin.
"Excuse me, that's my chair." Tuluyan naman itong lumapit saamin at nakatingin pa talaga ito saakin. The way she talk mukhang tama ang sinasabi ni Zoey. Nakataas naman ang kilay nito at hinihintay na umalis ako.
"I'm sorry.. Hindi ko alam na may pangalan ka palang ipinaskil rito."Now it's my turn. Don't be afraid to confront any b*****s you come across. If you can't beat them then, join them. Ika nga.
"Aren't you aware that I have stuff here?" Sarcastic na sabi nito at kinuha ang tuwalyang nasa likuran ko. "Don't you know the saying first come first serve." Taas kilay na sabi nito. Kaya tinaasan ko rin ito ng kilay akala niya hindi ko kayang gawin ang ginagawa niya.
"And don't you even know the words finders keeper." Ganti ko hindi naman ito nakapagsalita. I don't have the feeling for this one.
"That's enough, Missy. Lucy here's your chair. Ayokong nag-aaway kayo dahil lang diyan sa lintik na upuan na iyan." Seryosong sabi ni Logan napairap naman ako hindi ko alam na dahilan pero bigla akong nainis. Ayoko ng vibe ngayon dito feeling ko nasusuffocate ako.
"Mommy, gusto na po namin maligo." Bigla namang lumapit si Psyche. At this moment Psyche is like an Angel para bang nararamdaman niya kung kailan wala ako sa mood. Tumayo naman ako at nagpahila na sakanya hinayaan ko naman na sila doon. Gusto kong lumayo pansamantala sa lugar na yun. Pumunta naman kami sa kiddy pool inalis ko muna ang maxi dress ni Psyche para may pampalit siya mamaya, nakabathing suit naman ito na pink. Sumulong naman na silang dalawa ni Eros sa may slide ng pool.
Naka upo lang ako sa may gilid nang pool habang pinagmamasdan silang naliligo. Buti na lang at hindi sila ganun ka kulit sa pagligo.
********************
********************
Naglalakad na kami pabalik sa shed namin, nag-dadalawang isip pa rin ako kung tutuloy pa rin ako or hindi baka kasi makita ko na naman yung Lucy-fer doon. Pero nagdisisyon na rin ako baka akalain pa niyang takot ako sakanya asa siya. Pero ang pinag-aalala ko ay itong damit ko dahil nabasa na siya kanina kasi hindi pala totoo yung sinabi ko na hindi sila makulit sa pagligo dahil binasa nila ako hindi ko namalayang nakalapit sila at sinabuyan nila ako ng tubig hayun nabasa tuloy ako. Ang malala pa, kita na ang suot ko sa ilalim kahit na gabi na dahil marami pa rin ilaw.
"What happened to you, Missy?" Tanong ni Gia saakin. Napakunot naman ako dahil mukhang galing rin sila sa pagligo at nakabikini na talaga ang mga ito para bang hindi na nahihiya.
"Pinaliguan ako nang mga anak ko mismo."
"Mukha nga, Tangalin mo na yang suot mo sabay ka na saaming maligo. Hinahanap ka namin kanina, marami nang nangyari dito."-kwento pa ni Zoey.
"Ayoko nakakahiya noh."
"Wag ka nang mahiya, kami nga wala nang hiya lalo na si Kie." –Gia
"Of course ikaw ba namang may magmotivate sayong gumawa ng mga ganitong kahihiyaan. Hindi ka na talaga mahihiya." Sabi nito.
"Girl, alisin mo na talaga yang damit mo. Promise, mukha kang basang sisiw." – Amanda
"Kung ayaw mo kaming mag-aalis niyan bahala ka.But we're going to going to inform. you, kung ayaw mong bumalik doon na ganyan pa rin ang suot mo na mukha kang lusyang, sinasabi ko sayo maagaw agad ang asawa mo sayo ng iba. Pagbalik natin doon may nakadikit na babaeng dikya sa asawa mo, kaya kung gusto mong maagaw ang asawa mo ng madalian dapat maging dikya ka rin pero ang pinagkaiba dapat ang asawa mo ang mismong didikit sayo."- Miranda. Hindi ko naman nagets ang tinutukoy niya at bakit kinukumpara ako sa jellyfish?
"Ano namang konek nun sa pagtatangal ng damit ko, Aber?"
"Believe me, just like us, He will become possessive when he sees you in a bikini and will promise you that he is the one who will volunteer to stick by your side." Amanda, kung anu-anong pinagsasabi nila.
"Para kayong mga ewan, diyan na nga kayo." Lalampasan ko na sana sila pero hinila nila ako at pilit tinatangal ang suot ko. Pinagkaisahan nila ako.
"Zoey, Amina yang damit ko. Pls!." pagmamakaawa ko. Hindi naman ako pinakinggan nito.
"Trust me Missy, Tama ang sinasabi nila. Kailangan lumaban ka at isa sa mga sandata mo yang tinatago mong alindog." Umalis naman na ito dala ang damit ko nakashort naman ako yun nga lang malapit na sa singit ko ang habang na terno ng bikini ko pero naiilang kasi ako dahil sa panghinaharap ko. Errr. Ayokong i-defind.
"Okay naman yang suot mo Missy hindi ka naman mukhang bayaring babae. Pero infairness ang laki ng hinaharap mo ang sexy mo para kang walang anak." –Komento naman ni Miranda inirapan ko naman siya.
"True, sa panghinaharap mo palang walang-wala na si Lucy. Tara na." hinila naman nila akong dalawa kaya wala na akong nagawa. Hindi ko alam na sinama na pala nila Gia ang mga anak ko.
"Hoy, wag ka nga yuyuko, be proud to yourself."- sita naman ni Mira. Huminga na lang ako nang malalim. Malapit naman na kami sa shed namin at nakikita ko na ang sinasabi ng mga ito mukhang tama nga sila. Bigla tuloy uminit ang ulo ko hindi ba siya nainform na may anak na yang nilalandi niya.
"Ow, mukhang may liliyab na sa mga oras na to."- Amanda. Napansin rin pala niya na nagbago ang mood ko. Tinangal ko naman ang pagkakahawak nila. Seryoso naman akong naglalakad hindi ko namalayang naunahan ko sa paglalakad sila Mira. Taas noo naman akong lumapit. Hindi ko naman pinansin sila Logan na nakatingin saakin at ramdam ko yun dahil para akong pinapaso sa tingin niya.
"Zoey, amina yung damit ko." Seryosong sabi ko sakanya pero ginawa ko lang yun para maalis ko ang tingin kay Logan. Mukha namang natakot ito kaya ibinigay niya agad ang damit ko. Humingi naman ako ng plastic na pwedeng paglagyan ng damit ko para hindi mabasa ang bag ko.
"What do you think your wearing?" May diin sa mga salitang binitawan ni Logan bigla ko namang naramdaman kanina yung naramdaman ko na para bang napapaso.
"Nabasa yung damit ko kaya tinangal ko lang." sagot rito.hindi ko sinabing tinanggal nila yun saakin.
"Wear something decent." Napangisi naman ako. Aside sa tuwalya na dala ko wala na akong ibang dalang damit. Kahit phone iniwan ko na rin sa room.
"Sorry wala na akong ibang decent na damit na dala." Sarcastic na sabi ko. Nakita ko naman ang frustration sa mukha niya.
"Then go upstairs."
"Kapag umakyat ako hindi na ako babalik dito dahil itutulog ko na." seryosong sabi ko. Hindi ko alam pero parang nakikita ko yung kaninang ugaling pinapakita nila Sydric.. 'jealousy?'pero bakit? Saan? Gusto kong itanong pero hindi ko masabi. Alam rin nito na kapag nawala na nang tuluyan ang mood ko baka pati bukas madamay.
"Fine, then wear my shirt." Balak na sa niya itong tanggalin pero pinigilan ko siya. Hindi ko alam kung bakit pero ayokong may ibang babae na makakita rin sa katawan niya.
"No need, towel ko na ang ipapatong ko. Tutal maliligo pa naman kami mamaya kaya baka mabasa rin yan tatangalin ko uli." Hindi naman ito nagsalita pa. Pero nasa tabi ko lang ito naalala ko naman tuloy yung pinagsasabi ng mga babaeng yun saakin. Kain naman ng kain yung dalawang babies ko ako naman pinapak ko itong lechon manok na dala nila. Inabot ko naman yung wine at nagsalang sa baso. Ngayon uli ako makakatikim ng alcoholic drinks.
"Tara swimming uli tayo." Yaya naman ni Zoey tumango naman ako. Inalis ko naman ang tuwalya na nakapatong saakin at inilagay sa upuan. Wala namang problema pag sa mga bata dahil kinuha sila kanina ng mga teammates ni Logan naging instant baby sitter itong mga ito. Hindi sila inallow sa may six feet kaya ang bagsak nila sa may kiddie area uli sila. Wala nang nagawa ang mga ito dahil nagvolunteer silang maging baby sitter.
Naglakad naman kami ni Zoey papunta sa pool kung saan nandoon na rin sila Gia at mga kaibigan nito. Nagtatawanan at nagkwekwentuhan kami habang naglalakad wala kaming pakialam kung maraming nakatingin namin as if makukuha nila kami. Nabigla naman ako nang biglang may bumuhat saakin tinignan ko naman ito doon ko nakita kung sinong salarin si Logan pala.
"Logan ano ba! Ibaba mo nga ako. Nakakahiya yang ginagawa mo." Pinalo ko naman ito sa dibdib niya pero parang wala lang yun sakanya. Nakabridal ba naman ang pagbuhat nito lalo tuloy akong nahiya.
"Stay, still. Malapit na tayo." Seryosong sagot nito.
"Anong stay still ang sinasabi mo diyan ibaba mo na ako kaya kong maglakad." Mukhang hindi naman ito nakinig dahil lalo pa niyang hinigpitan ang hawak niya at ramdam ko yun.
"Wag kang bibitaw."
"Huh! Ano bang sinasabi mo?" huli na ang lahat dahil tumalon ito nang buhat ako at doon ko naramdaman ang lamig nang tubig at nabasa na ako ng tuluyan. "Bwisit ka!" Pinalo-palo ko naman ito nang makaalis ako sa pagkakabuhat niya. Hanggang ngayon nandoon pa rin yung kaba ko para rin akong nanginginig at same time nahimasmasan dahil sa ininom ko kanina. Naiinis pa rin ako sakanya kaya iniwan ko na ito at lumangoy kina Gia. Nakita ko naman silang nagtatawanan.
"Wow naman, iba ang level up niyong dalawa kanina." Panunukso naman ni Gia kaya sinamaan ko lang siya nang tingin. Natawa lang ang mga ito sa inasal ko. Dumating na rin si Zoey at lalo nila akong tinukso.
"Hindi ko alam na magagawa pala ni Logan yun."- Zoey, manghang sabi nito. "Habang buhat ka kanina halos lahat nang tao nakatingin sainyo. Lalo na si Lucy-fer, hahahah epic nang mukha nito kasabayan pa siya ni Logan kanina. Pero iniwang mag-isa kung nakita mo talaga yung mukha niya matatawa ka. Halatang nagseselos." Kwento pa nito.
"Hahahaha, mamatay siya sa ingit."- Gia.
"Tama na nga, hindi yun nakakatuwa." Inis na sabi ko. Buti na lang at tumigil na rin sila pagtutukso saakin. Natahimik naman ang mga ito kaya ako nang pumutol. " Natahimik kayo, wala na kayong matopic."
"Hindi naman sa ganun, palapit na kasi sila, oh." hindi naman ako lumingon dahil alam ko naman kung sinong tinutukoy nila.
"Sionn doon tayo, mukhang maganda roon." Rinig kong sabi ni Mira. Umalis naman ang dalawa at nagsunuran ang iba.
"Tara alis na rin tayo Gia, Tayong dalawa na lang ang magpartner." Susunod na rin sana ako dahil hindi ako kumportableng maiwan kay Logan. Nang maramdaman naman nitong paalis na ako ay pinigilan niya at hinawakan sa beywang.
"Stay, I need to tell you something." Seryosong sabi nito. Humarap naman ako at hinid ipinakita ang pagkailang ko sakanya. "I'm sorry for what I did a while ago." Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
"Yun lang." Nagdududang sabi ko. Hindi ba niya sasabihin kong bakit ginawa niya yun.
"I'm sorry, I shouldn't have done that; I wasn't thinking clearly." Wala pa rin yung sagot na gusto kong marinig.
"Then why did you do it?" Natigilan naman ito mukhang hindi rin niya inaasahang magagawa niya ang bagay na yun.
"I don't know, I told you I was not in my senses." Mukhang frustrated at kinakabahan yun ang nakikita ko pero hindi ko alam kung bakit. "I'm sorry, I can't tell you right now." Nagtaka naman ako dahil doon.
"Tell what?"
"Not now Missy. Just give me time to figure it out." Nagtaka man pero tumango na lang ako. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong tinutukoy nito. "So, bati na tayo?" Ewan ko ba mas gusto kong nagtatagalog ito. Malambing kasing kumausap.
"Basta wag mo nang uulitin yun. Takot ako sa mga ganung bagay na wala akong kaalam-alam." Tumango naman ito. Nag-usap kami tungkol sa ilang bagay rin hanggang sa naramdaman ko na rin ang pagod sa paglalangoy. Tinulungan naman ako nitong umahon hanggang sabay na kaming naglakad pabalik sa shed nakaakbay lang ito hinayaan ko na lang dahil binabalik niya lang tuwing aalisin ko. I cherish every time we have together since you never know what may happen tomorrow.