(Missy)
Kringggggg!!!
Argh!! Ang ingay! kinuha ko ang pillow na yakap ko at pinangtakip ito sa teynga ko. Hindi pa rin ito tumigil..pero maya-maya pa lang nag-stop na ito. Hindi ko alam kung paano tumigil yun. Dahil titigil lang ang alarm clock ko unless may pumatay nito at walang ibang papatay nun kundi ako lang. But I'm glad dahil tumigil ito so meaning makakabalik na ako sa pagtulog ko.
Habang nakapikit pa rin ang mga mata ko, tinanggal ko na ang unan sa teynga ko at makakabalik muli ako sa pagtulog.
Makakatulog na sana ako ng biglang may naramdaman akong humahalik sa pisngi ko? Sa noo, ilong at kahit kung saang parte pa ng mukha ko. Naririnig ko pa ang malakas na tunog ng halik na yun. Kaya ng maramdaman ko muli na hahalikan ako ng kung sino bigla kong binuksan ang mata ko kaya na paatras ako at nakita ko rin ang pagkabigla nito pero ngumiti lang siya saakin.
"Who are you?!" Gulat at sigaw na sabi ko. Paano may nakapasok na bata sa apartment ko?. Nakita ko naman siyang naiiyak na dahil siguro sa sigaw ko sakanya. Kaya naawa naman ako at pinakalma ang sarili ko.
"Hey, I'm sorry, nagulat lang ako." Mahinang sabi ko at lalapitan ko sana siya pero lumayo ito kunti saakin at mukhang takot na takot. "Sorry, halika dito, hindi na kita sasaktan at sisigawan." Nag-aalanganin pero lumapit na rin siya saakin at tinitigan ako sa mata. Maganda ang grey na mata nito at masasabi ko maganda siya cute pala. She looks like a barbie doll. Teary eyes pa siya na alam kong natural na yun sakanya.
" What's your name?" Sabi ko at ngumiti pa ako para hindi ito matakot. Pero sa totoo lang hindi ako mahilig sa mga bata pero nang makita ko siya magaan na agad ang loob ko. Hindi ko alam kung bakit.
"Mommy , I'm Psyche.. your daughter." At nag pout pa ito. Kung sa ibang pagkakataon lang siguro baka matuwa ako at halikhalikan ko siya sa sobrang cute niya. PERO ANO DAW? DAUGHTER? ANAK. KO. SIYA? The Heck!!.
Naka dilat pa rin ang mga mata ko at hindi ito pinipikit. Iniisip ko kung April fools ngayon pero. Tinitignan ko siya kung sa sabihin niyang nagbibiro lang siya. Pero ang nagyari ay nagtitigan lang kaming dalawa.
"Haha.. Nice try baby.. Hintayin mo ako dito. Magbibihis lang ako at iuuwi na kita sa bahay niyo. Huh! You made my day na talaga thanks." Hindi pa rin ako makaget-over sa joke nung bata saakin. Tumayo naman ako at pumunta sa banyo para maligo. Buti na lang at Saturday ngayon wala akong gagawin. So mabuti pa ihatid ko na lang itong bata. Pero tanong saan ko naman siya ihahatid?. Bahala na, pagkatapos ko na lang maligo tapos tatanungin ko na lang siya. Pero infairness ang cute ng name niya. Galing sa greek mythology. Mahilig siguro ang parents niya sa mythology books.
Ngayon naman binibihisan ko siya ng damit niya dahil naka pantulog rin siya. Pero bigla akong napatigil sa ginagawa ko ng may narealize ako. The Heck!! Tumayo ako at pumunta ng closet nakita ko naman ang mga hinahanap ko. Shems! Bakit maraming damit pambata dito. Oh no! Naamnesia ba ako?
"Sayo ba lahat ng damit sa closet ko?"- tanong ko sakanya. Kahit alam ko na ang sagot gusto ko lang maconfirm.
"Hmmm..you bought that to me." Masiglang sagot nito. Hindi!. Impossible.. Baka isa lang siya sa mga pamangkin ko? kailangan kong maconfirm tatawagan ko si Mommy baka may alam siya dito.
Hinanap ko naman ang cellphone ko at iniscroll ko sa contacts si mommy. Pero bago yun nagugutom na ako at hindi ko alam magluto. Hindi ko alam ang ipapakain ko dito sa bata kaya naisipan ko na lang kumain sa malapit na restaurant dito.
"Halika, sumama ka saakin kakain tayo sa labas." Sabi ko. Tapos ko ng tinali ang buhok nito. At ang sarap talaga niyang kurutin kung hindi lang ako nalilito ngayon. Nilock ko naman ang pinto at pumunta sa may tapat ng kotse ko. May mga kapitbahay ako dito na nagrerenta rin gaya ko. Kilala ko naman sila. Nakita kong nagwawalis ng bakuran si Lola Marie. Kumaway ito saakin kaya bumati ako pabalik sakanya.
"Maaga pa ah, papasyal na agad kayo ni Psyche?" Ngiting tanong nito kaya na gulat naman ako sa sinabi niya. What? kilala nila itong bata?.
"Good morning Lola Marie!" Masiglang bati ni Psyche sa matanda at bumati rin ang matanda para bang kilang-kila na nila ang isa't isa.
"Oh! Missy may problema ba? Sabi ni Psyche kakain raw kayo sa labas." Napabalik naman ako sa pag-iisip dahil sa sinabi ng matanda ayaw kong ipahalata sakanila na nalilito ako baka mamaya mapagkamalan ako na baliw. Kailangan kong makausap na talaga sila mommy or mga kaibigan baka may alam sila tungkol dito.
Kumain lang kami sa isang fastfood chain ni Psyche dahil gusto raw nito doon. Isa pa doon raw kami madalas kumain na dalawa. Kaya kinakabahan na talaga ako. Clueless talaga ako sa mga nangyayari. Kinuha ko na ang cellphone ko at tinawagan kung sinong pwedeng matawagan at maconfirm ang nangyayari. May mali talaga.
"Hello, Mommy" tawag ko ng sinagot nito ang tawag ko.
"Oh, buti naman anak at napatawag ka. Ilang buwan na kayong hindi umuwi dito. Miss na kita." What! Parang may mali sa sinasabi ni mommy. Ako? hindi umuuwi sa bahay, alam ko every weekend ako umuuwi doon.
"What? Ma, hindi kita maintindihan. Ano bang sinasabi mo na hindi ako umuuwi diyan?"- medyo tumaas na ang boses ko kaya napatingin naman saakin ang mga kumakain pati na rin si Psyche na mukhang nagtatanong rin. Kumakain ito ng spagette kaya marami ng sauce sa bibig niya na nagkalat kaya pinunasan ko ito.
"Oh, bakit hindi ba totoo? Kailan ka huling dumalaw saamin dito ng Daddy mo. At pati tawag namin hindi mo sinagot kaya nagulat ako ng ikaw na ang tumawag saamin. May nangyari ba diyan kamusta na kayo ni Psyche. Umuwi kayo dito next week kung hindi magtatampo na talaga ang daddy mo. Miss niya na ang apo niya." Naibaba ko naman ang cellphone ko at hindi makagalaw sa kinauupuan. That confirmed a half of the story. Alam rin ng mga magulang ko pero ako lang atang hindi alam ang nangyayari. Pilit kong pinapaniwala ang sarili ko sa nangyayari saakin pero bakit hindi ito magsink in sa isip ko.
"Mommy mag-shoshopping po ba tayo today?" Inosenteng sabi ni Psyche. Tinignan ko naman siya ng matagal pero hindi ko pa rin matanggap? Maraming tanong na gusto kong masagot. Kinalma ko naman ang sarili ko ngumiti sa kanya.
"Gusto mo ba?" Tanong ko sakanya siguro ngayon lang ito. Dahil nabigla ako pero pipilitin kong pagtagpi tagpiin. Alam kong walang kinalaman dito ang bata. Siguro maiintindihan ko rin ang mga nangyayari. Bigla naman akong nagulat nang may tumatawag saakin. Tinignan ko ang caller ang it confirmed na isa sa mga kaibigan ko. Gusto ko rin silang tanungin tungkol sa nangyayari nang hindi nila nahahalata kung anong isipin rin nila.
"Hello, Zoey, napatawag ka." Walang ganang tanong ko.
"Oh why so matamlay girl. Nasa bahay ka ba ng magulang mo today? Punta ka dito sa cafè nandito kami ngayon ng mga Bakla..Tara na, iwan mo muna yang anak mo sa magulang mo." - medyo nagulat rin ako sa sinabi niya. Pero hindi ko na ipinahalata pa. Sinusubukan ko ng tanggapin ang situation pero hindi ko pa rin maiintindihan.
"Ahm.. Hindi ako umuwi sa magulang ko nakalimutan ko. Kasama ko ngayong si Psyche sa fastfood. Nag-aalmusal kami." - Pagsisinungaling ko.
"Wow ha! Kailan pa kayo kumain ng almusal diyan.. Ni ayaw mo na ngang pakainin na ng kung anu-ano diyan sa anak mo. Nagiging health concious ka na tapos ngayon pinapakain mo sa fastfood chain. Ewan ko sayo. Oh siya punta na lang kayo dito na mag-ina gusto raw nilang makita ang baby doll mo. Bye." Medyo nagulat naman ako sa sinabi niya. Ibig sabihin ba nun marunong akong magluto?.
***
Gusto ko nang iuntog ang ulo ko sa manibela. Daig ko pa ang may amnesia sa lagay ko pero saakin paggising ko wala na akong matandaan. Buti nga yung mga nagkaamnesia may dahilan kong bakit sila nagkaganun. Ako? Wala!
"Mommy, hindi na po ba tayo magshoshopping?" Malambing na sabi niya. Napatingin naman ako sakanya at nakitang pagkainosente niya. Kaya huminga na lang ako ng malalim. Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay na tawagin niya akong Mommy.
"Sorry, pagod na si mommy.. pwedeng bukas na lang tayo pumunta." Tumango naman ito saakin. Kaya nakahinga ako ng maluwag gusto ko na ring magpahinga na dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko pagkatapos kung maconfirm ang ibang detailed na nakuha ko mula sa mga kaibigan ko.
Pagkarating namin sa apartment ko. Pumunta ako sa may ref. at binuksan ito. Tumingin naman ako kung anong pwedeng kainin at doon ko nakita na bakit maraming gulay dito? Sa pagkakaalam ko hindi ako mahilig sa gulay. Pero bigla akong may naalala. Naging health concious ka na nga dahil diyan sa anak mo. Napapikit naman ako at naalala kong hindi pa kami naglulunch ni Psyche.
"Baby, magpalit ka muna ng damit mo para makakain na tayo." - sabi ko. Ngayon gusto ko ng isanay ang sarili ko sa ganito hangang sa maintindihan ko na ang lahat. Hindi ko alam pero parang may sariling isip ang mga kamay ko at nagluto ako. Medyo nagugulat ako pero hindi ko na pinansin pa.
Tinikman ko naman kung ano itong niluto ko. At pati ako hindi ko alam kung paano ako nakapagluto ng ganito. Infairness masarap pala akong magluto. Tinawag ko naman si Psyche ng matapos akong magluto. Nakita ko siyang nanunuod ng cartoon sa tv.
"Halika ka na Psyche, kain na. Mamaya na yan." Tumayo naman siya at sinuot ang slipper niyang hello kitty.
**************
To be continued...
Happy Reading <3