(HIS POV)
"Aren't we going to eat?" - sabi ng batang ito. Hindi ko siya kilala pero sinabi nito ang pangalan at apelyedo niya. I don't believe kaya tinawagan ko ang secretary ko na pumunta rito at may ipapareport akong bata sakanya. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at may mga tinawagan pa akong mga pulis officer para ipaalam ang nangyari.
"Psh, bahala ka diyan. Nagugutom na ako.. sana nandito na lang si Mommy." Rinig kong sabi nito. Nakita ko namang pumunta ito sa kitchen at kumuha ng cereal at inilagay sa bowl nito. Kumuha rin siya ng gatas niya sa ref, kalmado lang ito na para bang alam niya ang mga ginagawa niya at para bang pag mamay- ari niya ang mga gamit ko dito sa unit ko. Alam kasi nito kung saan nakalagay ang mga kailangan niya kaya napakunot ang noo ko sa ginagawa niya. At may sinabi ito kanina. Yah! Tama, kilala nito ang mommy niya. Ibabalik ko siya sa magulang niya.
"Anong pangalan ng mommy mo?" Tinignan naman ako nito na para bang hindi makapaniwala.
"You really want to ask me that?" Sinamaan ko ito ng tingin " Michella Brix Aragon is the name of my mother. Satisfy?" Tumango naman ako. Isa lang ang napansin ko. Parang matanda ito kung magsalita. Psh! Hindi magaling mag-alaga ang nanay niya napalaki niyang ganito ang anak niya.
Dumating naman ang secretary ko yumuko ito saakin para magbigay galang.
"Good morning, Sir." sabi nito.. magsasalita na rin ang sa kanya ng.. "Good morning, young master." Bati rin nito sa batang bubwit. Tinignan ko naman ito nang nagtataka.
"Do you know him?" Tanong ko sa secretary ko.
"Yes, sir anak niyo siya hindi ba?" Nagtatakang sabi nito.
"Are you sh*ting me? ngayon ko nga lang nakita ang batang ito. Tapos sasabihin mong anak ko to." Galit na Turo ko sa bata. Nagulat naman ang secretary ko sa sinabi ko.
"Ah, sorry ho. Ano pong gagawin natin? Ipapatawag ko ho ba ang mommy nila?" Takot na sabi nito. Kaya mariin akong napapikit.
"Di tawagan mo ang nanay niyan at ipakuha ang anak niya dito. Ayokong may bata sa condo ko.!!" Galit na sabi ko. Bakit ba kasi iniiwan ng iresponsableng ina ng batang yan dito.
"You mean anak niyong dalawa." Pagtatama niya.
"Hindi ko anak yan.. at wala pa akong anak sa pagkakaalam ko. Kaya tawagan mo na ang nanay niya para makaalis na siya." Kinuha naman nito ang cellphone at mukhang may tinatawagan. Nanay na siguro ng bata.
Bumalik naman ako sa kwarto ko para magshower. Nagawi naman ang mata ko sa side table sa kama ko at tinignan ko itong mabuti. Nakita ko ang isang picture frame dun kasama yung bata. Nakangiti kaming dalawa pero halatang napipilitan lang yung bata hindi ata sanay na ngumiti. Pero ako ang nagulat sa istura ko sa picture dahil masayang masaya ako dun hindi ko pa nakita ang ganyang itsura ko.
Pagkatapos kong magshower pinuntahan ko ang secretary ko na nasa sala. Nakita ko naman siyang nakatayo lang doon at mukhang hinintay talaga ako.
"Ah , Sir. Natawagan ko na po si Miss Aragon papunta na ho sila dito kasama ang isang anak niyo." Tumango naman ako. At bigla akong napatigil sa sinabi niya. Pero tatanungin ko na sana ito tungkol sa sinabi niya ng bigla akong mapatingin sa side table at hindi gaya sa kwarto ko iisa lang ang picture dun na nakalagay pero dito puno ng picture frame. Iba't ibang post, event at kung ano pa.
"What the!! Sinong naglagay ng mga yan sa unit ko?!" Galit na Sabi ko sa secretary ko. May halong pagtataka at pagkalito sa mukha nito. Nakatingin lang ito sa akin at sa hawak kong picture frame.
"Sir, kayo hong nagpagawa niyang mga yan may kasama pa ngang photo album niyo ng mga bata." Natatakang sabi nito at napakamot sa ulo nito.
"Wala akong naaalalang nagpagawa ako ng mga yan. Ipatapon mo na yan. Kunin mo na rin ang mga gamit ng batang yan. Para pagdating ng nanay niyan makakaalis na agad sila." Inis na sambit ko. Tumango naman ito. Pumunta na ito sa kwarto ng bata.
Napatingin naman ako dito sa bubwit na ito. At galit na nakatingin ito saakin. Hindi ko alam pero parang namumukhaan ko ang bata. Hindi ko lang alam kong sino.
"Isusumbong kita kay Lolo para magagalit ulit siya sayo!!" Nagulat ako sa pagsigaw nito at tumakbo sa kwarto niya. Akala naman niya matatakot ako sa tinatawag niyang lolo niya. Kahit tawagin niya pa ang buong angkan niya dito wala akong pake.
..........
Tumayo naman si Lance para buksan ang pinto ako naman prenting naka upo at nanunuod. Yung bata naman hayun nakatingin pa rin ito saakin ng masama. Kahit nakatingin ako tv, sa gilid ng mata ko nakikita kong nakatingin ito ng masama.
"Eros! Eros! Yehey.. I missed you!" Nakarinig naman ako na may nagsalita pero halatang bata ang may-ari ng boses na iyon. Kaya napatingin ako at nakita doon ang isang bata na masayang nakayakap kay Eros. Habang nakasimangot naman ang batang lalaki.
Napatingin naman ako sa kasama ng batang babae para bang nalunok ko ang boses ko at hindi ako makapagsalita. Kulang ang salitang maganda lang kung iyon ang pwedeng idescribe sakannya. Napatingin naman ito sakin at natigil saglit pero maya-maya para itong umiling at huminga ng malalim. Gusto kong tanungin kung anong nasa isip niya.
"Psyche, come here." Lumapit naman sakanya ang batang tinawag nito. Pino at hindi makabasag pinggan ang boses nito. Napatingin na lang ako sa bata dahil kung anu-ano ang naiisip ko at dun sa babae, may pagkakahawig silang dalawa. Anak kaya niya yan or kapatid?
"Di ba sabi ko Lance tawagan mo ang nanay nitong bata. Bakit nagpapasok ka nanaman ng hindi mo kilala?" Baling ko na lang sa secretary ko.
"Kaya nga po boss. Tinawagan ko na po si Miss Aragon. Ito po siya." Nagtatakang sabi nito saakin para ba ang mga tingin nito ay para na talaga akong nababaliw at hindi ko kilala ang kausap ko. And what! Siya si Michella so ibig sabihin anak niya itong bubwit at pati yung batang babae. Parang wala sa itsura niyang may anak na pala ito.
"Lance, pwede bang kunin mo muna ang mga bata.. Mag-uusap lang kami ni Mr. VILLANUEVA, Salamat." F*ck, bakit ganyan ang boses niya para ka niyang niyaya ka niya sa langit, ang lambing pa rin ng boses nito kahit alam kung naiinis na siya. Ganyan ba talaga ang boses niya. Tumingin naman ito saakin ng alam niyang umalis na sila Lance.
"Sinabing paalisin mo na sila. Ba't nandito pa ang nanay nila?" Hindi naman ako pinakinggan ng secretary ko at nagtuloy-tuloy sa kwarto pinagtulugan nung bata.
"Mr. Villanueva.. Hindi ko alam kong anong nangyayari.... PERO sana naman wag mong ipapaako ang sariling mong anak sa iba. Kasi dun palang sa isa nahihirapan na ako tapos biglang tatawag ang secretary mo na ibibigay mo ang anak MO saakin!!" Medyo natakot naman ako sa boses niya dahil nawala yung kaninang mala anghel niyang boses.
"Ano?! Hindi ko nga sabi anak yan!" Galit rin na sabi ko. Bakit ba pinagpipilitan nilang anak ko yang batang yan.
"Pwes, kung hindi mo anak si Eros.. Bakit may mga pictures kayo? Look." At pinakita niya ang mga larawan namin ng bata. May nakita rin akong picture namin nung batang babae.
"Katulad mo nagtataka at nagulat rin ako. Pero sana tangapin mo yung anak mo. Matatangap mo rin ang nangyayari." Pag-aasure nito sakin. "Alagaan mo na lang siya. Aalis na kami." Sabi nito. Akmang pupunta ng kwarto ng pinigilan ko siya. Bigla naman akong nakaramdam ng maliit na kuryente na dumaloy sa kamay ko kaya napabitaw agad ako sakanya.
"Hindi mo pwedeng iwan ang anak mo saakin. Dahil sinabi niyang ikaw ang nanay niya. Ayokong may bata rito sa Unit ko. Kaya dalhin mo na yang anak mo." Sabi ko. Umalis ako para puntahan ang mga bata para umalis na sila. Kahit maganda pa siya wag niyang ipapaako ang bata saakin.
Aalis na sana sila ng biglang bumukas ang pinto at inuluwa roon ang tatay ko, f*ck ito na nga bang sinasabi ko. Ayaw niya kasing may dinadala ako dito sa Unit ko. Pero paano niya na lamang nandito ako.
"Dad, I'll explain..." hindi niya pinatapos ang sinabi ko. Dahil sumigaw ang mga bata.
"Lolo!!!!" Yakap ng mga bata kay dad. Nakita ko naman ang tuwa ni dad ng makita ang mga bata. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kasaya mula noong namatay si Mommy.
"OH! Namiss ko ang mga apo ko, lalo na ang princess namin. How's my little princess?" Binuhat naman nito si Psyche at hinalik halikan. Tuwang tuwa naman ang bata.
"Lolo nag visit po kami para makita si Kuya at si Daddy." Malambing na sabi nito.
"Ganun ba, bakit sila lang namiss mo. Hindi mo namiss si lolo pogi mo." Kunwaring nagtatampo ito. Kung sa ibang pagkakataon matatawa ako sa itsura ni Dad. Pero nakita ko kung gaano siya kasaya sa mga bata. Kaya natutuwa ako kahit papano. Napatingin naman ako kay Michella at nakatingin lang siya sa mga bata wala ka reaction ang mukha nito.
"Syempre naman po! Miss ko rin ang Lolo pogi ko kaya nagvisit kami ni Mommy dito." Masiglang sabi ni Psyche. Natuwa naman si Dad at hinalikan muli ang pisngi ni Psyche. Pero naalala ko ang talagang pakay ko kung sabihin sakanya.
"Dad, what are doing here?" Takang tanong ko sakanya. Tumingin naman ito saakin. Sumenyas naman siya kay Lance na kunin sakanya ang mga bata at lumabas muna. Kaya kaming tatlo nila Mitch ang naiwan sa sala.
"Nagsumbong saakin si Eros na pinapaalis mo siya dito at ayaw mo na siyang tumira rito. My gud, Son. Sarili mong anak pinapalayas mo. Hindi ka naman ganyan, dati ikaw pa ang nag-insist na kunin ang mga bata tapos ngayon. Nababaliw ka na ba? Hindi ka namin pinalaki ng mommy mo ng ganyan. Ano bang nangyayari sayo, anak?" Nakatanga naman ako sa sinabi ni Dad at pilit sinisiksik ang mga sinabi niya. Magsasalita na sana ako para depensahan ang sarili ko ng may humawak sa braso ko kaya napatigil ako. Nakita ko dun si Mitch sa tabi ko para bang sinasabi na tumigil na ako.
"Mr. Villanueva pag pasensyahan niyo na itong anak niyo. May hangover pa po kasi siya kaya kung anu-ano ang nasasabi. Wag kayong mag-alala nag-usap naman na kaming dalawa at nagkasundo na po." Ngiting sabi ni Mitch kay dad.
"Masyadong pormal ang Mr. Villanueva naman yan Missy.. Tito Anton na lang hindi ka pa rin sanay na tawagin akong tito." Mahinahon naman na sabi ni Dad. "Oh! Siya, kung mag-aaway kayong dalawa sana wag niyong dinadamay ang mga bata. Dahil sila ang unang nahihirapan, hindi kayo. Alam kong hindi maganda ang pagsasama niyo nung umpisa pero sana naman subukan niyo para sa mga bata. Mag-umpisa muli kayo ha! Kayo talaga. Oh, siya aalis na ako kayo ng bahala sa mga bata. Hindi namin pinapakealamanan ang desisyon ninyo. Pero kung tungkol na sa mga bata at alam naming nasasaktan na sila. Saka kami makikialam." Sabi ni dad at umalis na ito. Nakatunganga lang kami doon ng ilang minuto walang nagsasalita saamin. Kung hindi pa dumating ang mga bata walang magsasalita talaga saamin.
"Iiwan ko na si Eros sayo, Ikaw ng bahala. Naiintindihan mo naman na siguro ngayon. Pero alam ko paunti-unti matatangap mo rin ang sitwasyon natin. For the meantime, give a try. Know your son and look after him. We're leaving." Sabi nito ng hindi ako makapagsalita. "Psyche, halika na." Sabi nito nakita ko namang nagpout si psyche parang ayaw rin niyang umalis.
"Pero.. gusto ko pang magstay. Dito muna tayo mommy please!" Paki usap nito kay Michella. Si psyche naman nagpupuppy eyes pa para lang payagan siya. Pero mukhang hindi nadala ang Mommy niya.
"Hindi pwede, nangako tayo Daddy lolo at Mommy lola na pupuntahan natin sila sa bahay hindi ba?" Sabi niya. So meaning hindi sila nakatira sa magulang niya baka nagcocondo rin siya.
"Sige na po, pleasheeeee!" Pakiusap pa rin nito. Kaya natatawa tuloy ako. "Eros, halika dito. Pakiusapan natin si Mommy, Bilis." Sabi niya at hinila ang kapatid para magpaawa. Wala namang nagawa si Eros at nagpahila lang ito.
"Mommy sige na po kahit ngayon lang." Pakiusap rin Eros. Kaya napakagat ng labi si Michella para pang pinipigilan ang sariling kurutin ang mga cute na batang ito. Napatingin naman siya saakin para bang humihingi ng tulong.
"Eros, babalik na lang sila mommy at Psyche dito. Saka na lang kayo magkita okay ba yun?" Sabi ko at tumabi kay Eros. Para kunin siya dahil nakayakap siya sa binti ni Michella.
"Promise me that you'll come back here."." Sabi nito kay missy habang ayaw paring tanggalin ang mga kamay nito na nakayakap sa binti ng mommy niya.
"Promise, We will visit again." Hinawakan niya ang pisngi ni Eros at hinalikan ito sa noo.
"Aalis na kami." Kinuha naman nito ang kamay ni Psyche paalis naka pout pa rin ito halatang ayaw pang umalis.
"Lance, paki hatid na lang sila sa baba." Tumango naman ang secretary ko at sinamahan silang bumaba. Nakita ko naman si Eros na umupo sa sofa at kinuha ang mga story books nito. Binuklat niya lang ito at inililipat uli. Para bang naiintindihan niya ang mga nandun. Seryoso lang itong nagbabasa kaya hinayaan ko na lang siya. I still don't know what is happening.
*******
To be continued...
Happy Reading <3