HIS POV
"Ayos ka lang, Captain?"- Rinig kong sabi ni Ian sa tabi ko. Hindi ko alam kong ilang minuto na kaming nakatayo hindi ko na rin napansin si Missy na nakaalis. I'm still mystified by that woman. Pero bakit ganun, noong una ko itong nakita sa hallway nang school nila at bigla ako nitong niyakap. Hindi agad ako nakapagreact noon dahil sa sarili ko nagkita na kami pero nang magtagal para bang bigla akong binuhusan na hindi ko pala ito kilala. Yet the way she speaks makes her seem very familiar to me. Yung boses na yun para bang parati ko itong naririnig somewhere.
"Hoy, Captain?" Napatingin nama ako nang masama kay Lee.
"What did you say?" Masama pa rin ang tingin ko rito. Pero tumingin naman ito at nag peace sign pa. Psh.
"Sabi ko, alis na tayo o gusto mong maiwan na rito."
"Go,ahead. May dadaanan pa ako." Naglakad naman ako palapit sa kotse ko at ganun na rin ang ginawa nila. Magkakatabi lang ang pinagparkan namin.
"Sayang hindi ko nakuha yung number ni Missy." Rinig kong sabi ni Zeus. Bigla tuloy akong nainis nang walang dahilan.
"Bakit ,Type mo?"- tukso naman ni Lee.
"Sinong hindi magkakagusto roon, maganda siya. Hindi ko alam pero may nararamdaman akong kakaiba sa babaeng yun."
"Psh, malay mo may boyfriend pala yun. Para kang bakla."
Hindi ko na lang pinansin ang mga pinagsasabi ng mga ito sa babaeng yun. Sumakay na agad ako sa kotse ko at walang sabing umalis. Nasa kalagitnaan ako nang pag-iisip nang biglang tumunog ang phone ko. When I see who is calling, I decline, but the phone continues to ring. Ano naman kayang kailangan nito? Up until now hindi ko pa rin makakalimutan ang ginawa niya. Napailing na lang ako dahil ayoko nang maalala pa ang ginawa ko. Maya-maya pa'y may tumawag ulit pero hindi na tulad kanina kung sinong tumawag. Sinagot ko naman ito.
"Hello, Dad?" seryong sabit ko.
"I need you to come here because I have something important to tell you."
"Okay, I'm on my way." Pinatay ko naman na ang tawag. My relationship with my father has improved significantly since the incident. Hindi ko alam, pero nang makita ko ulit siya sa una ng pagkakataon, humingi agad ako nang tawad dahil alam kong yun ang dapat. Noong una nagulat siya pero wala itong sinabi at niyakap lang ako. After that, hindi yun ang huli naming pag-uusap. Sa ilang taon naming magkasama hindi kami naging malapit sa isa't isa mula nang iniwan kami nang mommy wala itong ginawa kundi ibigay ang gusto namin.
*****************
*****************
"Hindi kaya masyadong revealing itong pinapasuot mo saakin, Zoey?" Pinagmasdan ko ulit ang suot ko parang hindi ako komportable naka velvet velour pink tank trap with matching black side zipper suppender skirt with black high heels boots. 3inches to be exact.
"OA. Ganyan naman ang mga sinusuot mo dati kapag pupunta tayo nang bar ha." Komento nito, nag-aapply na ito ng make sa mukha niya ako naman naka-ayos naman na ako siya kasi ang nag-ayos saakin. Medyo hindi lang ako sanay hindi ko ba alam. I'm used to be this way. Ngayon nga lang uli kami pupunta nang bar na kung dati ay halos linggo-linggo kami naroon. Ilang months na rin nang makapunta ako doon.
"Pwede bang alisin itong lipstik masyadong mapula." Tinignan naman niya ako nang masama. Nasabi ba niyang ayaw niya sinisira ang creation raw niya.
"Pagnainis mo akong babae ka, sasabunutan kita. Ang ganda nang pagkakaayos ko sayo tapos walang isang oras tatangalin mo na. Ang ganda mo nga magkahawig kayo ni Arianna Grande matangkad ka nga lang." Inirapan ko naman siya. "See kahawig mo talaga siya pati sa pag-irap hahahahahaha. Ang galing ko talaga." Hindi naman niya ako tinigilang kakaasar saakin. Kinantahan pa talaga ako ng mga kanta ni Arianna. Gaya nung favorite niyang song nito yung, ano nga yun? Break up with you girlfriend yeah,yeah 'cause I'm bored.
"Kapag naiinis ako sayo, hindi na ako sasama sayo. Mas masarap pang matulog sa kwarto ko keysa pumunta sa mga ganya."
"Ito naman hindi mabiro. Tara na nga naghihintay na saatin yung mga bakla doon may mga kasama raw silang mga lalaki hahahahahaha. Baka makahanap ka doon." Inirapan ko uli ito pero tumawa lang ito. Kinuha ko naman ang jacket kong black aangal pa sana ito pero nauna na akong maglakad. Nilock ko naman ang pinto ng apartment ko at sumunod na kay Zoey sa kotse niya. Siya na raw maghahatid saakin. Sabi ko nga 12 uuwi na ako.
"Ano ka si Cinderella? May curfew?"
"Basta, kung hindi mo ako ihahatid within 12mid. Uuwi akong mag-isa."
"Oo na. sige na."
Pagpasok namin sa napili nilang bar. Usok agad ang unang tumambad saamin halo-halong amoy halos gusto ko nang lumabas kung hindi lang ako hinila papasok ni Zoey ay lalayasan ko na siya.
"Nandito na tayo, wag mong tatangkaing umalis agad. Don't worry walang nakakakilala saatin lalo ka na Arianna. Hahahahaha."
"Malilintikan ka na talaga saakin Zoey."
"Come on, Missy, don't be such a granny. Just enjoy the night. You look absolutely stunning tonight, don't you know you are a real stunner when we enter in here."
"That's rediculous. Nasaan ba sila Gabb? puntahan na natin sila. Ayoko nang magstay dito nang matagal." Hindi ko alam kung saan kami nagsusuot basta sinusundan ko lang siya kung saan siya pupunta. Umakyat naman kami sa second floor kitang kita ang mga sumasayaw sa baba may dance floor rin sa 2nd floor pero hindi ganun kalaki kagaya nang nasa baba. Hindi naman kami nahirapang hanapin si Gabby may mga kasama rin silang mga lalaki at yung iba bakla. Lalo tuloy akong hindi komportable lalo na sa mga tingin nang mga kasama nitong bakla na mukhang insecure pa ata saamin ni Zoey.
"Buti nakarating rin kayo."- Bati ni Jessy saamin nakibeso-beso naman kami sakanya pati kay Gabby. After that pinakilala naman niya kami sa mga kasama niya pero wala akong natandaan na pangalan kahit isa, dahil na rin sa ingay dito. Binigyan naman kami nang drinks ng isa mga kasama nilang lalaki nagpasalamat lang kami pero hindi ko ito ginalaw dahil hindi naman ako umiinom ng beer ganun rin si Zoey. Naalala kong sinabi ni Zoey kapag pumupunta kami sa mga ganito light lang ang iniinom namin dahil mas gusto naming sumayaw. We favor parties over boys and drinks.
"Baba tayo gusto mo?" napansin kong mukhang naboring rin si Zoey sa mga kasama namin kaya tumango na lang ako. Nagpaalam naman kami kina Jessy. "I hate the way they look at us." Komento naman nito. Napangisi na lang ako dahil naramdaman niya rin pala yun. Tumabay naman kami ni Zoey sa Bar counter, Tinignan lang namin ang mga sumasaw sa dance floor na mukhang walang nang bukas napapaindak lang kami habang nakakaupo we're following the beat of the music.
"Tangalin mo nga yang jacket mo. Sayang yang outfit mo kung itatago mo lang diyan sa ilalim. Saka wala namang pakialam ang mga tao dito tignan mo nga yung iba halos lumawa na ang mga suot. In short mas malala pa ang suot nila keysa sayo." Napatingin naman ako sa mga sumasayaw yah! she's right. Tinanggal ko nalang at pinulupot sa may bewang ko ang jacket.
"Happy?" sarcastic na sabi ko. Tinignan lang niya ako pero mukhang hindi parin satisfied.
"Hmmm. Okay lang." Maya-maya may lumapit kay Zoey na inaaya na makipagsayaw.
"You want to join?" tanong naman nito na nakaharap lang saakin. Umiling lang ako dahil hindi ko namang feel sumayaw. "Basta pag may magyaya sayo sumama ka pero dapat sayaw lang. But if he insists on going out with you and you refuse?" tumango lang ako. Kahit hindi naman malinaw ang pinagsasabi niya. Natapos ang isang kanta pero hindi pa rin nawawala ang beat until the next song came. Nakikisabay lang ako. Hindi na bago ang next music pero dahil sa beat na rin para bang bagong release lang ang kantang yun.
Every night I rush to my bed
With hopes that maybe I'll get a chance to see you when I close my eyes
I'm going out of my head
Lost in a fairytale; can you hold my hands and be my guide
I'm familiar with the song, but for some reason, I feel like it's dedicated to me.
What kind of dream is this?
You can be a sweet dream or a beautiful nightmare
Either way I don't wanna wake up from you (turn the lights on)
Sweet dream or a beautiful nightmare
Somebody, pinch me--your love's too good to be true (turn the lights on)
My guilty pleasure--I ain't going nowhere
Baby, 'long as you're here, I'll be floating on air 'cause you're my
You can be a sweet dream or a beautiful nightmare
Either way I don't wanna wake up from you (turn the lights on)
Napatigil naman ako sa pagsway habang nakaupo hindi ko alam kung na nahagip tingin ko si Logan na nandito sa club at nakatingin saakin. Napailing naman ako, hindi pa naman ako nakainom masyado kaya alam kong siya yung nakita ko. Napabuntong hininga na lang. Bigla namang may lumapit saakin. I know him in face. Siya yung kasama nila Jessy pero hindi ko siya feel. Hindi ko alam I a bad feeling to him pero hindi ako pwedeng magjudge na ganun lang.
"You look pretty gorgeous tonight, don't you?"." Tinignan ko lang ito. Gusto sanang irapan siya pero baka sabihin niyang masyado akong nagmamaganda. "Dylan, bye the way. We met I while ago."
"Yah I know, I'm Missy." Tipid na sabi ko. Nakita ko naman ang kakaibang tingin nito. Hindi ko na lang ito pinansin at inubos ang drinks ko non-alcholic naman kaya alam kung hindi ako malalasing.
"You want to dance?" Pag-ayaya naman nito bigla.
"I'm sorry, Dylan, but I don't feel like dancing right now."
"Okay, but you want drinks?"Tatangi sana ako pero pinigilan ako nito. "Don't worry, I'll get you some non-alcoholic beverages." Bumuntong hininga na lang ako. Lalaki naman ayaw tinuturn down. Ibinigay naman nito ang drinks na inorder niya. It taste pineapple juice alam kong hindi naman ito nakakalasing. Naririnig ko naman itong may mga sinasabi pero hindi ko marinig masyado dahil na rin sa ingay. Halos siya na lahat ang nagsasalita hangang sa maubos ko na ang pineapple juice ko hindi parin nakakarating si Zoey. Mukhang kailangan kong mag-cr.
"Dylan, pwede bang dito ka muna? Kailangan ko lang magrestroom." Paalam ko.
"Gusto mong samahan kita?" tanong nito pero hindi ko alam parang nakita ko itong napangisi I'm not sure.
"No thanks. Babalik rin ako." But the truth it's only my alibi. Tumayo naman ako pero bigla akong natumba nang hindi ko alam. Muntik na akong ma-out balance buti na lang at nasalo niya ako.
"You okay? sa tingin ko ihahatid na kita pauwi." Yet it appears that he is unconcerned. Tinangal ko naman ang pagkakahawak nito sa bewang ko. Para bang kinilabutan ako nang hawakan niya ako doon.
"No, I'm alright." Pilit kong tinangatangal ang pagkakahawak nito. Wala man lang nakakapansin na nababastos ako dahil nasa loob kami nang club.
"Masyado kang pahard to get. Relax, I'll make you mine tonight." Lalo akong kinilabutan sa sinabi niya. Pumiglas naman ako sa pagkakawak niya at nagmadaling maglakad kahit hilong-hilo na ako. Sa tingin ko nahabol ako nito pero bago pa ako mawalan nang malay naramdaman kong may sumalo saakin at bumulong pero na iyon malinaw saakin dahil tuluyan ng nagdilim ang paningin ko. "I got you."
So it will remain
Not even death can make us part.
*************
Sweet Dreams by Beyonce