Mommy!
Bigla akong nagmulat ng mata at napaupo sa kama, kinusot ko pa ang mata ko nang marahan. Para bang nauuhaw ako gusto kong uminom nang tubig. Napatulala naman ako nang makita kung nasaan ako. Familiar saakin ang kwartong ito, pero nakalimutan ko kung saan alam kong hindi saakin ito dahil na rin sa panlalaki ang interior ng nasa loob at walang bahid ng kahit anong kagamitan ko. Iniisip ko naman kung saan ko ito nakita na pero hindi ko talaga maalala. Naisipan ko na ring tumayo dahil baka maabutan pa ako ng gabi kakaisip kung saan ko na nakita yun.
Inayos ko naman ang hinigaan ko saka kinuha ang gamit ko na nasa may sofa. Una ko agad tinignan ang phone ko. Hindi ko alam kung paano ako nakapunta rito pero isa lang alam ko baka nag-aalala na si Zoey dahil siya dapat ang maghahatid saakin kagabi. Tama nga ang hinala ko dahil ilang miscalled at txt ang natanggap ko galing sakanya ang iba ay kay Jessy at Gabby. Hindi na ako nagdalawang isip na tawagan na ito at wala pang ilang segundo sinagot na nito.
"Alam mo ba kung ilang miscalled ang ginawa ko huh babae?" iyon agad ang bungad nito saakin halatang naiinis pero alam kong nag-aalala yan syempre ganyan rin ako kapag minsan ginagawa niya rin saakin ito.
"Hello rin sayo, Zoey.. I know okay, hindi mo na kailangang magalit saakin. Sorry. Pauwi na rin ako."
"Nasaan ka ba? Hindi ako makatulog dahil sa pag-aalala sayo kung ano nanamang nangyari sayo." Halata sa boses nitong malapit na itong umiyak pero pinipigilan lang niya. "Alam mo bang nagreport na ako sa pulis. Balak ko na rin tawagan ang magulang mo. Nasaan ka ba?"
"Basta sasabihin ko na lang sayo kapag karating ko." Baka hindi matapos itong usapan namin. Hindi ko rin alam kong nasan ako.
"May kumidnap ba sayo? Binugbog ka ba? Nirape ka ba?" Bigla naman akong napairap sa huli nitong sinabi.
"Maayos pa naman ako ngayon.Satingin ko wala namang nangyaring masama saakin. I-txt na lang kita, paalis na ako. Bye!" May sasabihin pa sana ito pero ibinaba ko na. Nagmadali naman akong lumabas pinapakiramdaman ko kung may tao pero satingin ko wala naman. Nasaan ba ako? Bakit familiar itong Unit na ito? Bigla naman akong napatigil dahil sa naisip kung saang Unit nga ito. No! this can't be. Impossible. Bigla naman akong kinabahan ng marinig ko ang pagbukas ng kabilang kwarto.
"Oh, No!.Logan?" Nasabi ko na lang sa sarili ko. Paano? Maraming tanong ang nasa isip ko.
"What?" mukhang walang pakialam na nandito ako. Paano ako na punta rito? Bakit siya ang kasama ko? Ang dami kong gustong itanong pero wala salitang lumabas sa bibig ko. "You remember? Do you still have a hangover?" Bigla namang akong napabalik dahil sa sinabi niya.
"Anong sabi mo? Hangover?" Alam ko hindi ako nakainom kagabi. Juice nga lang yung inorder ko. "Hindi ako uminom ng alak kagabi. Kaya anong pinagsasabi mong hangover ka diyan." Dumeretso na naman na ako sa pinto para makaalis na. Medyo masakit pa rin ulo ko pero kailangan ko nang makauwi dahil alam kong masasabon ako nang paninermon na naman ni Zoey.
"Ah..Kaya pala halos matulog ka na sa sahig kagabi sa bar. At kung kanikanino ka pa sumasamang lalaki. You should have been more careful the next time." Mariing na sabi nito. Napatigil naman ako dahil doon at inalala kong anong nangyari bigla naman akong napakagat ng ibabang labi ko nang maalala ang lahat. Hayop na lalaking yun! Naalala kong gusto pa niya akong pagsamantalahan at may pinainom pa ito saakin kaya alam kong nahimatay ako "See, cat got your tongue."
"Hindi mo alam kung anong totoong nangyari. Kaya wag kang magsasalita na para bang maruming babae ako." Seryosong sabi ko. "You don't know me."
"Is that how you say thank you? I saved you from that jerk."
"Salamat." Binuksan ko naman ang pinto pero agad rin akong napahinto
"That's not the right way to express your gratitude to me.." hindi na nito natapos ang sasabihin dahil napatigil rin ito dahil sa nakita. Kung sinong nakatayo ngayon sa labas ng unit niya.
"Lucy?" Mahinang bulong ko lamang yun pero mukhang narinig nito at tumingin saakin saka nagtaas naman ang isang kilay nito .
"What are you doing here?" seryosong sabi ni Logan, hinila naman niya ako sa tabi niya kaya nabaling ang tingin ni Lucy sakanya at sa pagkakahawak ni Logan saakin. Gf niya kaya ito? Medyo nacurious naman ako.
"Who is she?" hindi nito sinagot ang tanong ni Logan. Kaya natahimik naman ang katabi ko. Ano nga kayang ipapakilala mo saakin. Alangan naman kaibigan? Ilang beses pa lang naman tayong nagkita. Hindi naman kami magkaaway, alangan namang alibi niya ay naki sleepover lang. Malamang hindi maniniwala ito lalo pa't dalawa kami sa Unit niya.
"None of your business, I'm asking; what are you doing here? Aren't you satisfied with what you did? I don't want to see you." Galit na sabi nito. Nakita ko namang mukhang nasaktan si Lucy dahil sa sinabi niya, pero tinatatagan lang nito sarili dahil ayaw niyang maging kawawa sa harap namin lalo na saakin.
"I simply want to talk to you, please! Let me explain." nagmamakaawang sabi nito at hinawakan ang kamay ni Logan pero tinaboy lang nito ang pagkakawak kaya pati ang pagkakahawak nito saakin ay naalis rin. Hindi ko tuloy alam kong paano ako makakaalis dito halatang mag-aaway na sila. Pipigilan ko ba sila? mukhang wala naman na ang atensyon nila saakin.
"I don't need your f*cking explanation; just get out of my sight!"" Hindi pa rin ito umalis pero halatang naiiyak, nakayuko lang ito. "Alright, if you don't want to leave, we'll leave." Hinila naman ako ni Logan kaya hindi agad ako nakareact at nagpatangay na lang sakanya.
"Iiwan mo talaga siya doon?" Hindi makapaniwalang sabi ko at napatingin sakanya.
"Don't say any words." Mariing sabi nito.
"Pero kasi... kawawa naman siya."
"I told you not to talk!" mukhang nagalit na kaya naitikom na lang ang bibig ko. Bakit ka ba kasi nakikialam Missy sa problema nila. Hawak nito ang wrist ko at mukhang nanggigil ito dahil ramdam ko na nipilipit niya ito.
"Aray!,, nasasaktan ako." Napatingin naman ito sa ginawa niya at binitawan iyon. Tinignan ko lang ito ng masama pero hindi ako nito pinansin. Bwisit!.
"Follow me! I'm taking you home." Nauna naman itong maglakad kaya sumunod na lang ako. Tsk! Napaka bossy talaga nang lalaking ito. Wala naman akong nagawa tutal siya naman ang unang nag-offer na ihatid ako hassle na rin kung magcocommute pa ako.
****************
****************
"Salamat sa paghatid." Binuksan ko naman ang pinto nang kotse niya saka lumabas. Hindi ko na hinintay na magsalita pa ito pero hindi ko inaasahang lumabas na rin ito.
"Is this your apartment?" nakakunot na sabi niya. Nakita kong pinamamasdan nito ang paligid.
"Oo. Salamat uli."
"It's too small, and again, that's not how you thank me." nilingon naman ako nito kaya nagtataka naman ako kung anong gusto niya.
"How should I thank you then?"
"Cook for me.. hindi pa ako kumain dahil inihatid kita." Nauna naman itong buksan ang gate nang apartment ko kaya sumunod naman ako. Psh parang kasalanan ko pang inihatid niya ako, bigla rin akong napatigil. Paano nakabukas ang gate? Naalala kong nilock ko ito kagabi unless nandito si Zoey dahil meron rin siyang duplicate dahil madalas makisleepover yun dito kapag tamad umuwi sa bahay nila. Ako na ang nagbukas nang pinto at hindi ako nagkamali dahil nandoon nga ito. Narinig ko naman itong napasinghap at nakatingin sa likuran ko. Alam ko na kung sinong nakita niya. Paano ko kaya iexplain ito?
"Maghintay ka diyan.. Ipagluluto kita saglit." Tinuro ko naman ang maliit na sofa ko. Feel at home namang umupo ito kaya hindi ko na ito pinansin at hinila si Zoey papasok sa kusina na nakanganga pa rin dahil sa nakita. Pinaliwanag ko rito ang mga nangyari at hindi ito makapaniwala. Alam kong marami itong tanong kaya uunahan ko na siyang magpaliwanag.
**********
To be continued...