Chapter 41 Sierina “Oi pare girlfriend ko ito…” hila-hila ko si Brenan habang papunta sa kotse namin sa may parking area, lahat na lang ng makasalubong niya pinapanglandakan niyang girlfriend niya ako, kahit sa mga guard kanina na congratulate pa kami. “Tama na yan…” takip ko sa bibig niya habang pilit siyang pinapapasok sa kotse, natatawang nakatingin sa amin lahat ng mga nakakasalubong namin. “Nakakahiya ka kamo!” sabi ko sa kanya ng maisara ko ang pinto, nakatingin parin siya sa akin na parang lutang at kumikislap ang mata. “HEY! CAN YOU DRIVE?” tanong ko sa kanya pero di niya ako sinasagot, nakatingin lang siya sa akin na parang nasasaniban ng kung anong elemento. “BREN!” sigaw ko sa kanya “Sie…” malumanay niyang sabi “I LOVE YOU…” napalunok ako sa sinabi niya. “Bumaba ka nga…”

