ROSALINDA Pagkamulat pa lang ng aking mata ay alitan na nina Andrei at Eazel ang nabungaran ko. Nadatnan ko naman si Sierge na kausap si Denny at sa pagitan nila ang isang makapal na libro habang nakaupo sa dalawang magkatapat na sofa. Si JR naman ay printeng nakasandal sa isang mahabang sofa habang nagbabasa ng isang uri ng news paper at nahigop ng isang mainit na kape. Well, sa tingin ko ay hindi naman alitan ang nagaganap kay Andrei at Eazel kundi asaran lang. Umupo ako sa tabi ni JR. No choice pa dahil wala nang ibang bakanteng upuan. "Rosalinda, magandang umaga sa 'yo. Wala muna tayong pagsasanay ngayon kaya malaya kang gawin ang mga bagay na nais mo." Si Sierge ang unang nakapansin sa akin ng mabaling sa akin ang atensiyon niya. Ngumiti ako pabalik kay Sierge. "Sige. Maraming

