ROSALINDA Umagang-umaga, pero parang tamad na tamad akong bumangon. Para kasing kahit nakapikit pa ko ay nararamdaman ko na ang kakaibang atmosphere sa paligid. Karaniwan ay maririnig ko na agad ang ingay nina Andrei at Eazel, pero ngayon ay tila yata napaka tahimik ng paligid. Minulat ko ang aking mga mata. Lumabas ako ng aking kuwarto at dumiretso sa sala. Bahagya akong natigilan nang maabutan ko sina Andrei, Eazel, Sierge, Denny at JR na nakapabilog at nagbubulungan sa isa't-isa. Hindi ko rin tuloy marinig kung ano ba ang pinag-uusapan nila. "Magandang umaga sa inyo." Nagsalita ako upang mabaling sa akin ang atensiyon nila at malaman nilang nandito na ko. Unang lumingon sa direksiyon ko si Andrei. Napataas pa ko ng kilay ko nang makita ang seryosong pagmumukha ni Andrei. "

