ROSALINDA Sa sobrang bilis ng kabog ng aking dibdib ngayon ay hindi ko na alam kung normal pa ba ang t***k ng puso ko. Pagkatapos namin maghiwa-hiwalay kanina suot ang aming sariling pangbalat-kayo ay hindi nahinto ang panginginig ng kamay ko. Lalo na ngayon na wala na kami sa ilalim ng karagatan. Feeling ko tuloy ay mas malamig sa lugar na 'to kaysa sa ilalim na dagat. Dito ako nilagay ng mga kasama ko sa Beijing, China at ang iba naman ay sa North Korea at sa Russia. Bale tig-dalawang tao sa lugar na nabanggit. Kasama ko rito si JR, pero sa ibang parte ng China siya napunta. Ang mga binanggit kong lugar ay tawag lamang ng mga tao sa lugar noon dahil nga iisang pinuno at bansa na lamang ang kinikilala ngayon ay malamang na iba na rin ang pangalan ng mga bansang binanggit ko. Nakaka

