ROSALINDA Sa kakalakad ko ay nakaramdam ako ng pagod at gutom. Naalala ko, binigyan ako nina Andrei ng pera bago kami naghiwa-hiwalay. Kaya lang hanggang ngayon ay hindi ko alam ang halaga ng pera na binigay nila. Isang malaking pera na kulay brown ang binigay nila sa akin at masasabi ko na kasing laki ito ng one half paper. Ang laki talaga, 'di ba? Iniisip ko nga rin na kung sakali ay hindi ko ito gagastusin para maiuwi ko kapag nakabalik na ko sa panahon ko. Para naman may souvenir ako galing dito, 'di ba? Kaya lang, baka gutom ang maging sanhi para hindi na ko makabalik sa panahon ko at mamatay na ko rito. Tumigil ako sa paglalakad nang makakita ako ng isang restaurant na tila mga robot ang waiter at waitress. Literal na robot at ang nakaupo sa counter ay isang tao na nakain na

