KABANATA 42

1005 Words

ROSALINDA Unti-onting humupa ang mga tao sa loob pagkatapos umalis ng lalakeng nagsalita sa gitna ng entablado. Nagsilaban na rin ang mga tao sa loob, pero ako ay nanatili lamang sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung paano ako makakalabas sa lugar na kinalalagyan ko. Nakamasid ako sa mga tao na itinatapat ulit ang kanilang palad sa harapan ng doorknob. Habang nakamasid ako sa kanila ay lumilipad din ang isip ko. Naalala ko ang mga salitang binanggit ng lalake sa gitna ng stage kanina. Kailan pa ko napanggap bilang diyos? May iba pa bang Rosalinda Delfin sa lugar na 'to bukod sa 'kin? Naglakad ako sa loob ng isang pekeng restaurant at hinanap 'yong babae na nagpapasok sa akin sa loob. Kung hindi ko siya mahanap ay baka hindi na ko makalabas dito. Hala! Ano na ngayon ang gagawin ko?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD