ROSALINDA Kailangan pa yatang umusok ang dalawang butas ng ilong ko para malaman ni JR na kanina pa ko naaasar sa kaniya. Kanina pa kami naglilibot dito sa tinatawag na center ng China, pero hindi pa rin kami nagpapahinga o humihinto sa paglalakad. Ang nakakaasar pa ay parang walang kasama sa paglalakad si JR dahil hindi man lang niya ko sinasabayan sa paglalakad. "Ano ba, JR? Hindi ako isang aso para sumunod lang sa 'yo buong maghapon, okay?" Ang mahirap ay parang wala akong kausap. Kanina pa ko nagsasalita, pero hindi niya ko sinasagot. Namalayan ko na lang na huminto si JR sa paglalakad at sa paghinto niya ay bumangga ako sa likuran niya. "Sshh. Lower your voice. Paano kung may makarinig sa 'yo?" Humarap siya sa akin at kunot-noo akong tinitigan. Tumingin ako sa paligid para

