ROSALINDA Nakasandal ako sa puno ng mahogany habang dinadama ko ang ihip ng hangin. Noon, maaari pang malanghap ng mga tao ang sariwang hangin sa probinsya, pero sa panahon na ito ay mukhang wala ng malalanghap na sariwa. Lumingon ako sa katabi ko na nakaupo sa aking kanan. Nakasandal lang siya sa puno habang nakapikit ang kaniyang mga mata. "JR, dapat ba tayong magtagal sa puwesto na 'to? Baka mamaya ay patayin na lang tayo bigla rito." "Huwag kang mag-alala. Kasama mo ko." Sumagot sa akin si JR, pero nakapikit pa rin ang mga mata niya. Nakakainis naman. "Kahit na. Marami sila, dalawa lang tayo. Anong laban na 'tin sa kanila?" "Don't worry. Basta. Magpahinga ka lang muna." Napasimangot ako sa naging tugon ni JR. "Okay, fine." Para mabawasan ang inis at kaba na nararamdaman

