ROSALINDA Nasa gano'ng posisyon kaming dalawa ni JR nang may bigla na lamang magsalita sa aming likuran. "Raise your hands and don't move." Natigilan kaming pareho ni JR. Nabingi ako sa lakas ng t***k ng puso ko. Hindi man ako lumingon sa aking likuran ay may nakikita na ko sa likuran ni JR at sa magkabila naming gilid na mga guwardiya civil habang nakatutok ang mga baril nito sa aming direksiyon. Hindi ko alam kung anong klaseng baril ang hawak nila dahil parang ito rin ang nagbibigay impormasyon sa pagkakakilanlan naming dalawa ni JR. Walang ano mang salita ang lumabas sa bibig namin ni JR. "Go and seperate them." Kumalas kami sa pagkakayakap ni JR. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking dalawang kamay at tinitigan niya ko sa aking mga mata. Hindi ko napigilang mapaluha nang ma

