ROSALINDA Huminto ang sinasakyan naming manhole sa gitna ng isang kulay puti na parang stage. Nakapalibot sa amin ang walong pintuan. Pumasok kami sa kulay puti na may mahabang kulay pula sa ibaba ng pinto. Pagkapasok namin sa loob ay tila napunta kami sa napakataas na building. Naglakad kami at lumiko sa kanan. Pagkatapos ay huminto kami sa pinaka unang kuwarto na nakita namin. Mula roon ay tinulak ako ng mga guwardiya civil papasok ng kuwarto at kinandado nila ang pinto upang hindi ako makalabas. Tinanggal muna nila ang lahat ng tali sa kamay at katawan ko bago nila ko tuluyang iniwan. Umiiyak kong kinalampag ang pinto at sumigaw upang humingi ng tulong ngunit wala ni yabag ng tao ang nagtungo sa kinalalagyan ko upang ako ay tulungan. Umupo na lamang ako sa sahig at humagulgol ng

