TENSIYONADO si Lauren sa mga rebelasyon na nalaman niya. Bakit hindi niya alam na nagkaroon ng relasyon si Kael at si Faye? Faye is eighteen, Kael is twenty-two. Kung noong nakaraang taon pa nagkaroon ng relasyon ang dalawa, maiintindihan niya ang katwiran ni Finn dahil menor de edad pa si Faye. Ngunit malaking tanong niya sa sarili kung bakit wala siyang ideya; walang nagsabi sa kanya. Matapos iparada at bumaba ng sasakyan si Lauren, pinagmasdan niya ang tahanan nila ng lalaki. Binabalot ng kung anong hiwaga ang kanyang damdamin. She really wants her marriage to be positive as much as she wants because she loves Finn—so much. Alam niya na hindi totoo ang dahilan na ibinahagi ni Kael sa kanya na nais pigilin ni Finn ang relasyon ng mga ito kaya sila nagpakasal. May naganap sa kanila kay

