NASA sasakyan na si Lauren, ngunit hindi pa siya nakababawi sa balitang nalaman mula kay Drew. Leila Dominic, Finn’s secretary and assistant—was actually his ex-girlfriend! “Kailangan ko bang mag-alala?” naalala niyang tanong niya kay Drew. “Maybe yes, maybe not! Leila did something to get her position. Masipag siya, matalino at magkasundo sila ni Finn kaya siya nanatili sa posisyon na iyon sa kabila ng ideya na nagkaroon sila ng relasyon dati. There was nothing personal between them, tanging magkatrabaho na lang sila sa ngayon. But I’m not sure what’s on her mind, Lauren. Pwedeng mangyari ang lahat.” Naalala niya ang sinabi na iyon ni Drew. Napatingin si Lauren sa kanyang telepono nang mag-ring ito. Nakita niya ang pangalan ni Finn na tumatawag sa kanya. Agad niyang sinagot ang tawa

