MABUSISING sinuri ni Kori ang sarili sa salamin. Mahigit isang taon na rin nang huli siyang makipag-date kaya iba ang kanyang pakiramdam sa kasalukuyan. Kumakabog ang kanyang dibdib at hindi siya mapakali. Sinuri niyang mabuti ang kanyang manipis na makeup, ang pagkaka-ayos ng kanyang buhok at kung tama ba ang damit na isinuot niya sa gabing iyon. Habang abala sa pagpahid ng light pink na lipstick para sa kanyang huling pagsuri, bigla siyang natigilan. What are you doing, Kori? Bigla niyang naibagsak ang lipstick sa tokador at saka muling tinignan ang sarili. Masyado niyang inaabangan ang gabing iyon, hindi maikakaila na talagang nais niyang muling makasama si Brett—hindi nagsisinungaling ang kanyang katawan kahit pa iba ang nais isigaw ng kanyang isipan. Napaupo si Kori sa kanyang ma

