“ARE you ready?” tanong ni Finn kay Lauren. Magkahawak ang kanilang kamay habang naglalakad sa kahabaan ng pasilyo sa Ninoy Aquino International Airport. “Yes.” Dalawang taon ang nakaraan, hindi maayos ang kanyang emosyon nang dumating siya rito sa Pilipinas dahil namatay ang kanyang ama. The day was the second death anniversary of her dad. Finn waited for her in America while she settled her things in that country. Kailangan niyang tapusin ang kanyang natitirang kontrata sa ShopAmerica bago siya umuwi sa Pilipinas. Masaya naman siya na hindi na siya nito iniwan simula nang magkita silang muli. Sinamahan siya nito sa loob ng ilang buwan sa kanyang apartment sa New York. Ang pagkakaiba sa nararamdaman niya dalawang taon ang nakaraan at saka sa kasalukuyan— malungkot siya noon at probl

