NEW YORK CITY. Isang katok sa cubicle ang nagpaangat kay Lauren sa kanyang ulo habang nagtatrabaho siya sa kanyang report. “Come to my office,” ani Gail na nakadungaw sa labas. Kagagaling lang nito sa honeymoon dahil nagpakasal ito kailan lang. Humugot siya ng malalim na hangin bago tumayo at sumunod dito papasok sa pribado nitong opisina. May bitbit na kumpol ng pulang rosas ang babae kaya hindi niya maiwasang hindi isipin si Finn. It’s Valentine’s Day, most of the women receives a card, an expensive gift or a flower from their sweetheart, but here she was alone. Nakangiti siya nitong hinarap matapos na ipatong ang bitbit nitong bouquet sa mesa. “So, did they talk to you? Did you accept his offer?” Kamakailan lang kasi ay binigyan siya ng offer ng promotion mula sa presidente ng S

