CHAPTER 64

1860 Words

HINDI alam ni Lauren kung ilang minuto siyang nakatulog muli. Ang bigat ng kanyang ulo nang magising siya. Tinungo niya ang palikuran at naghilamos. Pinakatitigan niya ang sarili sa salamin matapos buhusan ng sinalok na tubig ang kanyang mukha.  Tila walang buhay ang Lauren na nasa kanyang harapan. Namumutla ang kanyang labi. Hindi niya alam kung paano reremedyuhan ang kanyang mata na parang hawig na ng mata ni Gollum. Ganito pala ang pakiramdam ng parang wala nang pakialam pa sa sarili. May beinte kuwatro oras na yata siyang hindi kumakain, ngunit wala siyang gana. Wala rin siyang maisip na gawin sa dami ng dapat niyang asikasuhin.  Nagbukas siya ng laptop. Una niyang ginawa ay ang magpadala ng mensahe sa assistant ni Kori na nagre-resign na siya sa trabaho. Nasa ganoong akto siya nang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD