MAY ISANG linggon pa si Lauren sa opisina ni Kori. Hindi niya inaasahan na magiging maayos na katrabaho si Kori. Kapwa sila propesyunal. “Lauren!” tawag ni Kori sa kanya isang umaga. “I need to discuss something. Halika sa opisina ko.” Tumango lang si Lauren, Ini-lock niya ang kanyang laptop bago pumasok sa pribado nitong espasyo. “We are receiving problems with the deliveries. Inirereklamo ng mga customers ang mga natatanggap nilang item. Can you do the investigation for me? I also want you to go to Aura to check that branch. A friend informed me that they were not treated kindly by the staff out there. Gustuhin ko man na humingi ng tulong sa iba, alam ko na magiging bias iyon.” Tumango si Lauren. Hindi naman sa nagbubuhat siya ng bangko, ngunit tama ang desisyon ni Kori na humingi

