SA ISANG silid sa ospital, nagmulat ng mata si Kori. Nabungaran niya si Finn na seryosong nakatingin sa labas ng bintana. Mahinahon ito na nagbabantay sa kanya. Napangiti siya nang makita ang matalik na kaibigan. “You came,” naiiyak na saad niya. Nilingon siya ng lalaki. Lumapit ito at hinawakan siya nito sa kamay. “How are you?” Naluha siya sa tanong nito, masyadong masakit ang huling pagkikita nila ng nobyo. Inaasahan niya na aalukin siya nito ng kasal dahil magkakaanak na sila ngunit pakikipaghiwalay ang tinanggap niya mula rito. “Brett doesn’t love me anymore.” At saka siya umimpit ng iyak. Masyado na siyang nasasaktan. Ngayon naman ay damay na pati ang kanyang anak. Napabuntonghininga naman si Finn. “Kori, it’s time to move on…” “No! Hindi ako papayag. Kasalanan itong lahat n

