NAGHANDA si Lauren para sa araw na iyon. Umaga pa lang ay kausap na niya ang team para sa gaganaping event. Hindi na niya namalayan ang oras hanggang sa sumapit na lang ang hapon. Nakatanggap siya ng kumpol ng bulaklak kay Finn. Congratulations, sugar! See you tonight at the event. Iyon ang mensahe nito. Nagpadala na rin siya ng bulaklak kay Kori para i-congratulate ang babae sa ipinagbubuntis nito. Brett was trying to reach out to Kori, ngunit ayaw daw itong harapin ng babae. Hindi niya alam kung sumuko na si Kori sa kanyang kaibigan. Kung ano man ang maganap kay Brett at Kori ay bahala na ang mga ito. Narito lang naman siya bilang kaibigan na handang umalalay sa dalawa. Ang mahalaga ay masaya siya sa piling ni Finn. Umayos ang relasyon sa pagitan nila simula nang umamin sa kanya an

