CHAPTER 60

2106 Words

MASIGLA pa si Finn nang magpunta siya sa event hall ng Walton Mall kung saan ginaganap ang introduction ng Kori’s app.  Nagliligpit na ang staff ng utility ng mga gamit sa labas kaya tinungo niya ang backstage kung saan inaasahan niya na naroon si Lauren. Hindi niya ito nakita. Napansin siya ng assistant ni Kori na papalabas ng maliit na silid.  “Sir Finn!” “Si Lauren?” nakakunot ang noo na hanap niya sa kanyang asawa. “Oh! Sinundo po siya ni Sir Drew.” “Si Drew? Saan daw sila pupunta?”  “Hindi ko po alam, eh. Parang seryoso po ang pag-uusapan nila.” Dinukot niya ang kanyang cellphone. Tinawagan niya ang asawa. Ramdam niya ang pagrarambulan ng mga daga sa kanyang dibdib habang tinutungo ang kanyang sasakyan. Papasara na kasi ang gusali at alam niyang wala na doon si Lauren at Drew.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD