“AHHH!” Halos mag-echo ang matinis na boses ni Lauren sa loob ng subdibisyon nang dumampi ang labi ni Fabian sa kanyang braso. Nagsimula muling maglandas ang luha ni Lauren hanggang sa tutukan sila ng maliwanag na ilaw na nagmumula sa headlight ng sasakyan na bagong dating. “F*ck you, bastard! Who are you?! Hindi pa kami ‘tapos! Huwag kang makialam dito!” ani Honey sa bagong dating. Nabigla na lang si Lauren nang may humablot kay Fabian. “Gago ka! Kahit kailan ay hindi ka pa rin nagtatanda!” Sinuntok ng kanyang tagapagtanggol ang lalaki kaya tumilapon ito. Noon niya nakilala ang boses ni Josiah. Umimpit muli siya ng iyak na para bang nakakita siya ng kakampi. Kasunod niyon ay may dumating na sasakyan ng pulis. Nahintakutan si Fabian at Honey. Lalo na at agaw pansin ang umiikot na

