(FINN’S Birthday, six years ago) Isinuot ni Lauren ang pinakasimple at pinakabago sa mga bestida na ibinili ng kanyang ina—isang turquoise sleeveless dress na lagpas sa tuhod na ipinares niya sa sapatos na may isang pulgada lang na takong. Ilang araw na siyang nag-iisip ng ireregalo kay Finn. Tinanong niya ang kapatid nitong si Faye kung may maibibigay itong suhestiyon sa kanya sa mga gusto ng kuya nito. Kung bakit naman kasi halos lahat ay mayroon si Finn. Ilang araw na niyang hindi nakikita ang binata. Ang huli ay noong nagpunta pa ito sa kanilang tahanan. Hindi niya alam kung kumusta na ito. She’s missing him. She’s missing his presence. Dumating ang pamilya niya sa pagtitipon. Sinalubong sila ng ina ni Finn na tumatanggap ng bisita. “Tita, where’s Finn?” “Haay... ikaw nga, h

