CHAPTER 48

1813 Words

NAGTUNGO si Lauren sa palikuran ng mga babae. May palagay siyang sinadya ni Honey na itapon ang inumin nito sa kanya para mapahiya siya sa mga kaibigan. Nang makarating sa ladies’ room, tinungo agad niya ang nakasabit na paper towel at saka pinunasan ang dibdib. Gumawa rin siya ng paraan para magamit ang hand dryer at matuyo ang kanyang magandang kasuotan.  May ilang minuto na siya sa loob kapupunas sa sarili nang magbukas ang pintuan at iluwa niyon si Bobby.  “Bobby?” nakatalikod siya halos sa pinto dahil nasa gilid ang hand dryer. Nasilip niya ito sa mahaba at malapad na salamin ng palikuran na pumasok. Aktuwal na nilingon niya ang direksiyon nito. “Hi, Lauren!” Kakaiba ang ngisi nito at bahagya rin na namumungay ang mata. “Anong ginagawa mo rito? Pambabae ito!” Kinabahan siya nang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD