MASAMA ang mood ni Lauren matapos makita ang anyo ni Mandy. Hindi niya maisip ang sarili sa ganoong ayos na sira-sira ang damit. Bumalik lang siya roon sa ladies’ room matapos makabawi. Kailangan niya kasing kunin ang clutch bag niyang naiwan kung saan naroon ang kanyang cellphone. Narinig niya ang pagtatalo ni Mandy at Honey. Nais pang magkaila ng huli na kasabwat ito. “Hindi ko naman akalain na masyado akong mahalaga na nagawa mo pang magpunta dito sa birthday para lang gawan ako ng masama,” sarkastiko niyang sabi kay Honey. Dinampot niya ang kanyang kailangan na nakapatong sa tiles ng wash area. “Tsk! Sinabi niyang inaakit mo si Finn kaya gusto ka niyang turuan ng leksiyon,” ani Mandy na naiinis na rin. Hindi kasi nito akalain na ito ang mapapahamak sa planong iyon. “She said na mas

