TILA pinipitik ng kung ano ang damdamin ni Finn habang nakatingin sa direksiyon ni Lauren. Sinusundan niya ito habang naglalakad sa kahabaan ng kalsada. Hindi niya alam kung saan ito patungo. Masyadong mabagal ang mga paghakbang nito na para bang may bitbit itong isang malaki at mabigat na bato. Kanina nang makita niya ito na umalis ng bahay ay sinundan niya ito hanggang sa makarating sila ng Shangri-La Hotel. Sumama lang ang mood niya nang malaman na makikipagkita pala ito kay Bobby. Luckily, he saw Honey, Kori’s cousin. Honey was shopping around the area. Nagningning ang mata nito nang makita siya kaya inimbitahan na rin niya ang dalaga na mag-dinner para lang magkaroon siya ng dahilan na makalapit kay Bobby at Lauren. Nang umalis ang dalawa matapos kumain, nagmadali na rin siyang

