Lazarus POV
Bagong araw nanaman. Bagong araw na may dalang mga surprises. Hindi naman ako dapat mabahala dahil containable pa naman ang mga nagyayari. Nagagawan ko pa naman ng paraan na maitago ang mga hindi magandang bagay na nangyayari sa buong Freedom City. Nagpapasalamat ako sa mga Von na siyang tumutulong sa akin na mapanatili ang kapayapaan.
Kagabi nga ay dumating si Von Nemen kasama si Von Ares. Sila ang mga Von ng dalawang special District. Ang district ng na kumukopkop na almerdine, si Von Nemel. At ang district naman na kumukopkop sa mga wolf, si Vor Ares.
Umanib si Nemel sa akin dahil sa gaya ko ay gusto din nitong tuldukan ang mahabang paghihirap ng mga mahihina dahil sa bawat labanan na dumadaan ay palaging nadadamay ang mga walang kamalay malay ng mga tao. Namatay ang kanyang ina dahil sa nadamay ito sa away ng mga bampira at nahiwalay sa kanyang ate.
Si Von Ares naman ay anak ng isang babaeng Rayka at ng isang bampira. Naging malapit kasi ang kanyang ama sa mga tulad ng kanyang ina. Ngunit hindi ito nagustuhan ng ilang mga bampira kung kaya ginawan nila ito ng paraan kung papano siya patayin na lumaon ay nagtagumpay ang mga taksil.
Kung kaya ganoon kapursigido ang mga ito na panatiliin ang kapayapaan dahil ayaw nilang maranasan pa ng kauri ng kanilanng mga magulang ang mapait na nakaraan.
Flashback
“Ipagpaumanhin ninyo ang huli naming pagdating, Senior Lazarus.” Pagbati ni Nemel. “Isinama ko na po si Von Ares dahil may nakarating sa kanyang balita.”
“Wag natayong magpakapormal, Nemel. Wala naman tayo sa council meeting.” Sagot ko. Pinaupo ko na lamang sila sa sofa at naglabas ng blood pack para sa kanilang dalawa.
“Hindi na ako magpatumpik-tumpik pa, Senior Lazarus, totoo po bang nasa Capital City ang Raykang nagngangalang Matvey Volkov ?” Deretsong tanong ni Ares.
“Paano mo naman nalaman an gang pangalang iyon?” Takang tanong ko.
“Isa sa mga contact ko sa labas ang pinaabutan ng kanyang ina. Senior, kung nandidito po siya, nakikiusap akong ipaubaya na lamang po ninyo siya sa akin.” Bakas sa kanyang boses ang labis na pag-aalala.
“Legal na nakapasok si Matvey Volkov sa Freedom City. Kanina lang ay official na siyang citizen ng Metropolis Freedom City. At is siya sa talent ng Solaris Technologies.” Pagtatapat ko sa kanya. Naramdaman ko ang tila paggaan ng kanyang loob.
“Ngunit wala sa entrance log ang kanyang pangalan.” Takang tanong ni Ares. Nakikinig lamang si Nemel sa aming usapan. Pero sa wari ko ay siya ang nagsabi tungkol sa Rayka na si Matvey Volkov.
“Yun ang dahilann kung bakit ko pinapunta si Nemel dito.” Lumipat ang tingin ko kay Nemel. “Bilang ikaw ang namamahala ng Lupain ng mga Almerdine at ikaw ang higit na nakakaalam sa kanila, gusto kong itanong kung maaari bang e-seal ang kapangyarihan ng isang bata para maging normal na tao ito?”
“Ang totoo ay maaari po iyon. Pero sa distrito ko ay walang kayang gumawa noon.” Seryosong sagot ni Nemel.
“Paano mo naman masasabi na walang makakagawa noon? Maaari bang kapangyarihang Bernardine ang kakayahan ito?” Masyadong nagiging kumplikado na ang mga nangyayari. Kailangan kong malaman kung bukod sa isang Bernardine na aming nahuli ay may iba pang Bernardine na pagala-gala ditto sa Freedom City.
“Ang karunungang iyon ay hindi kaylan man nanggaling sa Bernardine, Senior. Dahil ginawa ang mahikang iyon para pugsain ang kanilang kapangyarihan. Kung ang Bernardine ay uhaw sa kapangyarihan upang gumawa ng masama ay ang Almerdine ay naman ay pinalalaganap ang kapangyarihan para makatulong sa kapwa.” Salaysay nito. “Pero hindi porke’t nanggaling ito sa angkan ng mga Almerdine ay pwede na itong gamitin ng lahat.”
“Anung ibig mong sabihin?” Hindi ko mapigilang itanong.
“Kagaya nating mga bampira ay may pinagmulan din ang mga Almerdine.” Tumayo ito at tinungo ang glass window. Uminom muna ito ng blood pack saka nagpatuloy.
“Sinasabing noong unang panahon, pumili ang kalikasan ng mga natatanging pamilya. Pinagkalooban sila nito ng kapangyarihan na unawain ang mundo at maging kasangkapan upang alagaan ang balance ng mundo. Sila ang unang labinng dalawang pamilya ng mga Almerdine. Sila ang mga pamilyang humubog ng istorya ng kapangyarihan ng kung anu ang mga Almerdine ngayon. At upang mapanatili ang kanilang ang kanilang angking kapangyarihan at maipasa din ito sa mga magiging kaanak ng piniling panilya ay kinakailangang nilang puro ang kanilang dugo. Sa makatuwid, hindi sila pwede magpakasal sa taga labas. Naging batas ito ng kalikasan na siyang sinusunod ng lahat. Ngunit dahil hindi naman karamihan ang bilang ng mga piling pamilya ay may ilang nangahas na umibig ng mga tagalabas. At bilang resulta nito ay namamana na lamang ng mga nagiging anak nila ang mga kapangyarihang naisusulat o mga verbal spell na tinatawag. Naging mahirap ito sa ilan ngunit kinalaunan ay natanggap na din nila at nagging kontento na lamang sila sa kung anung kapangyarihang meron sila. Ngunit may mga pamilya padin namang natitirang nagpatuloy at naghintay sa biyaya ng kalikasan na mabibiyayaan sila ng makakapareha. At hindi naman sila binigo ng kalikasan. At upang hindi pamarisan ng susunod na mga angkan ang ginawa ng kanilang mga kasamahan, sa pamumuno ni Almira, ang dakilang baylan ay nagdesisyon silang lisanin ang kanilang lupain at sa tulong ng kalikasan ay isa-isang narating ng mga natitirang pamilya ang lupaing ipinagkaloob ng kalikasan para sa kanila.”
“Ngunit dahil din sa nangyari ay isang grupo ng mga naiwang Almerdine sa pamumuno ni Bernard ang hindi nagustuhan ang ginawa ng kalikasan, bagay na sinamantala ng kadiliman. At dahil uhaw sa kapangyarihan ay hindi nagatubiling gamitin ang itim na kapangyarihan. Ito ang simula ng mga Bernardine. At dahil nga nagdudulot ang kapangyarihan ng dilim ng pagkasira ng balanse ng mundo ay umaksyon ang mga naiwang pamilya. Bumoo sila ng isang Alyansa na tutuldok sa mga Bernardine. Ngunit naitalaga man ang Alyansa ay kita naman ninyo hanggang ngayon ay hindi pa din natatapos ang labanan nila.” Mahabang pagsasalaysay ni Nemel.
“Ang nabuong alyansa bang ito ay ang Mondkrieger?” Pagkukumpirma ko sa kutob ko. Tinignan lang ako nito.
“They are everywhere, in fact alam nilang pinag-uusapan natin sila.” Ngumiti siya. “Hindi ba, Pinunong Amelia? Ang kasalukuyang Punong Baylan ng Mondkrieger. ” Tumingin ito sa isang sulok ng opisina. Mula naman doon ay lumitaw ang isang matandang babae.
“Pagbati Senior Lazarus. Ipagpaumanhin mo ang aking kapangahasan.” Lumapit ito sa aming tatlo.
“Alam mong naririto ang matandang iyan pero ngayon mo lang sinabi, Von Nemel?” Hindi makapaniwalang singhal ni Ares.
“Hindi mo naman kailangan matakot, Von Ares Baudehlaire. Higit namang mas malakas ka sa akin kaya wala akong balak na masama sa kahit na sino man sa inyo.” Anang matanda.
“Kung gayon anong kailangan ninyo?” Sinubukan kong ikalma ang sarili ko.
NNgunit natigilan ako nang biglang nawala ang matanda at sa muling paglitaw nito ay nasalikuran ko na siya hawak hawak ang aking ulo. Nakita kong kikilos na si Ares ngunit biglang pinigilan ito ni Nemel sabay sa pagsalita ng matandang babae kasabay ang pakiramdam na tila may humihigop sa akin.
Ang binhing itinago ay unti-unting sumisibol
Habang ang dilim ay patuloy sa pagyabong
Ang malayang lupain ay pilit gigibain
Alang alang sa kapangyarihang aangkinin
Ang kapalaran ng bawat isa ay nakapalibot sa kanya
Ngunit gaya ng nauna, buhay ay kusang ibibigay.
Naririnig ko ang salita ng matanda pero animo nasa train ako na mabilis na tumatakbo. Isa-isa kong nakikita ang mha mukha ng mga taong hindi ko alam kung bakit sila-sila ang mga nakikita ko at ang huli ay ang mukha ni Archimedes at ang pagtakbo nito papunta sa kung saan. Nangtumigil ito ay biglang nag-iba ang aura niya. Paglingon nito ay naging si Allana ito. Nnang bitawan ako ng matanda ay agad ako tumayo upang harapin siya pero tila nanghina ang mga tuhod ko pero bago pa man ako matumba ay agad na nasalo ako ng dalawang Von. Tinignan ko naman ang matanda, tumampad sa akin ang mga mata niyang puro puti. Nawawala ang itim sa kanyang mga mata.
“Anong ibig sabihin noon?” nanghihinang tanong ko.
“Malalaman mo sin iyon sa takdang panahon. Umiiba ang kapalaran kung kaya ang nakikita ng aking mata sa ngayon ay may posibilidad na umiba bukas o sa makalawa. Ipagpaumanhin mo ang paggamit ko ng iyong lakas. Sa tulad mong Zarek ay mahihirapan akong silipin ang kapalarang nakaugnay sayo kung lakas ko lang ang gagamitin ko. Magkikita tayong muli, Senior Lazarus.” Pagkatapos ng kanyang sinabi ay nawala na ang matandang babae.
End of Flashback.
“Senior Lazarus?” Napalingun ako kay Alistair na nababakas ang pag-aalala sa mukha niya. “Kanina ko pa kayo tinatawag.” Tinnitigan ko siyang mabuti. Isa ang kanyang mukha sa nakita ko sa pangitaing binigay ni Pinunong Amelia. Nakaramdam muli ako ng panghihina kung kaya agad akong tumungo sa hidden chiller ko at kumuha ng blood pack at mabilis na ininum ko iyon.
“Anyway, I requested a whole set of Jade Emperor Pro to be send my unit…” Hindi ko na siya napakinggan pa sa kanyang sinasabi dahil agad akong nanghina. Agad namang kumilos si Alistair upang alalayan ako. Hinang-hina ako at hindi ko alam kung hanggang kalian koi to mararamdaman.
*****
Arkie POV
Agad namang dumating ang mga pinadala ni Alistair buti nalang at hindi naman kabigatan kahit limang karton siya. Agad ko namang binuksan ang isang box nang maassemble na siya.
Masasabi kong addict ako pagdating sa mga bagong gaming technology. Kaya noong lumabas ang model ng presentation ng Jade Emperor sa site ng Solaries ay talagang inaral ko talaga siya. Kaya familiar na ako sa magiging ayus nito.
Dahil nga ang advance ang gaming set na ito ay gumagamit ito ng 12G technology. Ang aim ng gaming line na ito na mafeel or maramdaman mong nasa loob ka ng Solaris: Rise of Champion.
Isa-isa kong kinuha ang mga boxes na nakapaloob sa malaking box. At para makasiguro na tama ang pagkakaintindi sa bawat parts ng set ay binasa ko ang manual. Nang natapos kong basahin ay nagpakawala na ako ng malalim na paghinga at sinimulan ang pag-assemble.
Una kong binuksan ang Gaming Phone itself. Ito ang brain of the whole system kaya kailangan ko itong unahing buksan dahil kinakailanganin nito ng halos isang oras to install all the data it needs. Kaya naman binuksan ko na ito. Sumunod naman ay ang parang volleyball size na sphere. Kulay gray iyon gaya ng sa Gaming Phone. Sabi sa instruction ay kakailanganin ng finger print bago magpower on ang tinatawag nilang Gamer Companion. Isang AI ang nano technology in-one na mag-gaguide sayo at magmomonitor sa buong games. Ang nakakatuwa ay ang dami niyang function. Gaya ng sinabi sa manual ay hinawakan ko ang Gamer Companion. Ipinuwesto ko sa designated area ang mga daliri ko. Nang sumakto ang lahat ng daliri ay nagloading ito. “Finger prints now verified.” Rinig kong bangit ng AI.
Agad namang lumutang ang Gamer Companion at nagiiba ang kulay. Maging ang Gaming Phone color ay na iiba na din hanggang sa maging kulay baby blue ito. Nang balikan kong tignan ang Gamer’s Companion ay napangiti ako dahil parang pusa ang design ng mukha at lalo akong natuwa dahil bumukas ang mata niya.
“Hi, I am your Companion. Please give me a name.” Wika ng AI cat face. “My name is?”
“Blue.” Sagot ko.
“Hi, Archimedes, My name is blue. Let’s have a good game.” Anito. “Your Gaming Phone is still processing data that it needs please work on the other parts.” Inutusan pa ako diba.
Sumunod kong binuksan ay ang headset na may brain protector. Dahil ng sa gagamit ng mga visual at brain stimulator ang equipment ay kailangang may protector. Sumunod naman ay ang bracelet na magmomonitor ng pulse at health ng gamer. Connected iyon sa companion. Ang sumunod ay ang anim na light stimulator. Kung saan ay ipoproject nito ang mapipiling field ng laro. Itong anim na light stimulator ay automatic na ikokonek ng companion sa wifi kapag naset mo mo na ito according sa sinasabing layo at position nito.
At dahil nga mahigit isang oras ang installing ay kumain na muna ako para may lakas.Nakakatuwa lang dahil itong si Blue ay sunod ng sunod sa akin. Kinakabahan ako sa magiging result at the same time ay nae-excite din. Can’t wait to try it later.
At dahil excited ay agad kong sinabi kina Rigo, Drew, Earl at Matt na mag-log-in sa oras na binigay ko dahil may ipapakita ako.