Lazarus POV Nang magkamalay ako ay nasa loob na ako ng private bedroom na naka konekta sa aking opisina. Ramdam kong bumalik na ang lakas ko at hindi ko na din nararamdam ang pagkahilo. Umupo ako sa kama at pinakiramdama ang paligid. Inayos ko naman ang sarili at magdesisyon na lumabas na ng kwarto. “Senior Lazarus, ba’t po kayo tumayo agad?” Nag-aalalang tanong ni Alistair. “Maayos na ang pakiramdam ko. Masyado lang akong napagod dahil sa mga nangyari nitong nakaraang araw.“ Gustuhin ko man na ikwento sa kanya ang nangyari ay hindi ko na ginawa. Mas mabuti na wala pa muna siyang alam sa naganap hanggat hindi na nakukumpirma ang lahat. “Kailangan nating paigtangin ang security ng mga entrance at exits habang papalapit ang Tech Summit.” Utos ko sa kanya. Simula noong nagsimula ang

