Crossed Paths: Chapter 9

2115 Words
Lazarus POV Matapos ang mahigit thirty minute na paghihintay ay nagharap na nga ang Pillars ng Pharaohs’ Ville at Clan of Kings. Gamit ang kanilang self-build heroes ay inilatag ang system ang mapa. Pagkatapos nito ay magdedeploy na ng mga hero. Hindi gaya ng deployment ng Pharaohs, ang mga Kings ay systematic ang deployment. Halatang sanay sila sa ganitong uri ng laban. Nasa unang bahagi si IamBloodLust gamit ang Tank Hero. Nasa likod niya ang dalawang swordsman support na sina IamPrinceCharming at IamRoyalPrince. Nasa pangatlong hanay ang Magician ni IannSeven na napapagitnaan ng dalawang assasins nina IamCliffhunger at IamMatt. Sa pinaka likos naman ay ang magicial hero ni IamMageuser, mga Luancher nina IamSideViewer at IamPekingDuck. Panghuli ay isa pang assassin ni IamWolverine. Nakabukas ang channel ng bawat Clan sa magkahiwalay na monitors na nagmimistulang movie house.   “Both streams are on the number one spot at the moment. All of the primary clans in all regions are not playing at the moment.” Rinig kong wika ng isang Game Technician. “Pharaohs, ready to move. Unahin ang magician ni Seven. Then ingat sa mga assasins nila.“ Paalala ng Head ng Pharaohs sa kanyang mga kasamahan. Sa kabilang monitor naman ay tahimik lang ang mga Kings. Hanggang sa nagsimula na ang countdown ng pagsisimula ng ten by ten flag game. “Ten minutes.” Rinig kong sambit ng taong nasa screen ng Kings. “Minimum ba o maximum?” Sumulpot naman ang isa pang lalaki. “Kelan pa tayo nag minimum ng ten minutes, Dude?” Singit ng isa pang kasama nila.    Yung totoo, magsisimula na ang laban pero nagagawa pa nilang magbiruan. Napapailing lang ako sa mga pinagsasabi nila. Ganoon ba sila kabilib sa mga sarili nila? “Dinaig n’yo pa yung isip batang pumayad sa deal na to.” Pakiramdam ko ay ako ang pinariringgan niya. “Kilala ba naming yan?” tanong ng isa pang kasama. Maglalaro ba sila o mag-uusap? “Baka?” “Pogi ba ito? Maputi? Yung nakakaintimidate ang mata?” Sinasabi ko na nga ba at ako ang pinariringgan nito. Saka ko lang napansin na nakatingin na ang mga empliyado do ko sa akin. “Nadale mo, Jonas.” Sigaw ng leader nila. Mapasinghal ako sa ginagawi nito. Hindi niya ata ako kilala. “Tama na yan. In ten seconds magsisimula na tayo.” Saway ng katabi ng Head. 5. 4. 3. 2. 1. Heroes deployed and ready to attack. Sa pagbigay ng hudyat ay agad na kumilos ang mga pillar ng Pharaohs. Ginamit nila ang all attack strategy. Sakabilang banda agan namang inilabas ni IamSeven ang kantang staff at ikinumpas ito at malakas na itinukod ang staff sa lupa. Agad na nagliwanag ang mga katawan ng kanyang mga kasamahan. May mga animoy hibla na kumukunekta kay Seven papunta sa bawat isa. Naghulmang armor naman ang liwanag . Pagkatapos makomplerto ang spell ay agad na nawala ang mga assassins. Kumumpas naman ng sabay ang mga ito at agad na naglago. Umabante naman ang tatlong nasa unahan upang masigurong Hindi makakalapit sa magician ang mga kalaban. Ang isang magician sa likod naman ay kumumpas at bigla namang nagbago ang panahon. Mula sa maaraw ay biglang dumilim ang paligid at nagkaroon ng kulog at pagkidlat. Samantalang ang mga Pharaohs naman ay unti-unti nang papalapit sa pwesto ng mga Kings. Ngunit bago pa man makausad pa ay agad namang tumama ang mga kidlat sa dinadaanan nila. Kasabay noon ay ang pag-atake ng tatlong assassins na ikinagulan ng kanilang grupo. Hindi nila alintana ang atakeng iyon mula sa kalaban. Nakikita na ang mga actual na players ay hirap takas an ang atakeng pinakawalan ng isa sa magician ng kalaban. Sa isang iglap ay agad na dinawa ng tatlong assasins ng Kings ang magkaparehong atake na tumapos sa tatlong meyembro ng Pharaohs. “Launchers proceed!” Utos ng head ng Kings. Sa hudyat na iyon ay pinakawalan ng mga Luancher ang kanilang fire powers na lalong nagpahirap sa kalaban. “We are entering our five minute count down.” Wala namang sinayang na sandali ang tatlong nasa unahan. Sumugod na rin ang mga ito at sinamantala ang kaguluhan dulot ng mga atake  ng mga launcher. Kumumpas naman muli ang magician na nasa  gitna at Mula sa kinatatayuan ng mga kakampi nito ay  gumuhit an gang magician circles at umangat . Hindi ko masyadong naintindihan ang nangyari pero sa tingin ako ay gumamit muli ang mga kasamahan niya ng special attack. Sa loob ng 7 minutes at 37 seconds ay hinirang na panalo ang Clan of Kings. Kitang kita ang disappointment na mukha ng Pharaohs. “We are still open for another challenge.  This time, we’ll open the battle field kahit sa mga hinndi member ng official Clans.” Anunsyo muli ng kanilang  heads. Hindi ko tuloy maiwasang  mainis. Pakiramdam ko ay pinagtatawanan nniya ako sa likod ng kanyang face mask.  Tumayo ako upang lumabas ng silid. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko at kung anu pang magawa ko. “Senior Lazarus…” Tawag ni Gio sa akin pero hindi ko pinansin. Gamit ang stairs ay mabilis kong tinungo ko ang rooftop. Pilit kong kinalma ang sarili ko. Pakiramdam ko ay naghahalo ang saya, inis at iba pang emosyon ko.  Paano ba nagagawa ng taong iyon ang halukayin ang nararamdaman ko. Mapasensyahin akong nilalang pero nagagawa niyang paiksiin ang pisi ko sa mga simpleng pagtataray lamang niya. To think na kakakita ko palang sa kanya noong isang araw. “Pero hanggang ngayon ay hindi mo pa din alam ang pangalan niya.” “The h*ll I care with his name!” Sigaw ko. Kung may nakakakita lang sa akin ngayon ay iisipin nilang nababaliw na ako. Bakit nangyayari sa akin ito. Napatigil ako sa iniisip  ko nang maramdaman kong hindi ako nag-iisa. Agad akong lumingon at nakita ko ang mga myembro ng Gold Elite Unit. Ang pinakamahuhusay na bampira sa larangan ng pakikipaglaban sa kapwa nila bampira at iba pang mga nilalang na magbalak na manggulo sa buong Free City. “Senior Lazarus, ipagpaumanhin ninyo. May nasagap na traces of black magic isang bahagi ng Warm Blood Zone na  malapit sa Capital City.” Pahayag ni Allistair. Ang pinuno ng Gold Elite. “Kasalukuyan nang sinisucure ng Lira Battalion ang paligid.” Muntik ko nang makalimutan ang tunkol sa mga bernardine. Masyadong na-occupy ng lalaking iyon ang utak ko mula pa kaninang umaga. Inayos ko ang sarili ko at bumaba sa akinng office upang makapagbihis. Kailangang masugpo na ang problemang ito tungkol sa Bernardine dahil malaking problema ang maidudulot nito. “Let’s go.” Sambit ko nang maihanda ko na ang sarili ko.   Sakay ng modern black SUV ay mabilis naming tinungo ang lugar kung saan na trace ang black magic. Base sa report ni Alistair ay ang trace ay na-detect sa boundary ng Tech Zone North at Warm Blood Zone first District. Sa loob ng sasakyan ay dama ko ang mata ni Allistair na nakatitig sa akin. Dahil nga sa hindi ako mapalagay ay agad kong sinalubong ang  kanyang titig ng nagtatanong kong mata. “I’m worried about you.”  Wika nito. “Ugh.” Anas ko sa kanya. “Let’s not talk about it now.” “Is this because of Archimedes Reverente?” Typical of Alistair. Talagang hindi niya binibitawan ang isang topic hanggat hindi niya nailalabas ang sa loobin niya o may hindi nakukumpirma. “How did you know his name?” Takang tanong ko sa kanya. “Senior Lazarus, he is Solaris Top Player. Isa siya sa magiging bahagi ng Tech Summit kaya kailangan alam ng team ko ang pangalan niya at ng mga kasama niya. By the way, I already rushed the process of sending invites sa tatlo pang hindi nakakatanggap. By tomorrow afternoon any makakatanggap na sila ng invites.” Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya. Alistair knows what to do kahit hindi mo sabihan. I’m glad na kasama ko siya. Kahit pwede na siyang gumawa ng sarili niyang Clan ay mas pinili nitong manatili sa akin. “If you don’t mind me giving an advice, Senior, Allana is  Allana. Kamukha man siya ni Archimedes Reverente ay hindi ibig sabihin noon ay magiging siya na ito. They will never be the same. So don’t push so hard na mahanap si Allana sa katauhan ng bata.” Pagkasabi noon ay tumuon na ang kanyang mata sa daan. Hindi ko na muna binigyan ng pansin ang sinabi niya. Ang mahalaga ngayon kasi ay ang masolve ang kinahaharap na suliranin. Narating naming ang lugar ng walang kahirap hirap sa lamat sa expressway na kuntrolado ng LIRA Group. Hindi kasi basta basta makakatawid ang mga sasakyan sa mga daanan ng Tech Zone mapa north man o south.  Sinalubong kami kaagad ni Von Gareth. Sa ibang pagkakataon ay hindi naman naminkailangang pumunta sa mga lugar kung saan ang kremen. Pero dahil priority ang kasong ito ay kailangang aksyonan ng mga matataas na opisyales bago pa man makarating sa House of Trinity. “Senior Lazarus, Na-secure na po ang area.” Nanguna si Von Gareth at iginiya kami sa mga helera ng mga lumang bahay. Mukhang subdivision ito na animong ghost town.   “Anung nangyari dito? Bakit parang hindi naalagaan ang parting ito ng District 1?” Bilang pinuno ng Free City ay sinisiguro kong napapanatili kong maayos at na ibibigay ko ang lahat ng pangangailangan ng nasasakupan ko. “Senior Lazarus, ito ang portion na kailangang patayuan ng panibagong mga gusali. Inilipat na din naman po ang mga nakatira dito sa mas magandang area. Part kasi ito ng housing development project. Paghahanda para sa mga bagong lilipat sa susunod na taon.” Tumango tango na lang ako bilang tugon sa sagot niya. Sa mga distrito ng Warm Blood Zone ay tinutulungan ng MATA ang bawat naninirahan doon. Hindi tulad ng mga Distrito ng mga Von na may sariling hinahanap sa kanilang mga magiging mamamayan o tinatawag na skills specialty, sa Warm Blood Zone walang pinipili as long na kwalipikado kang manirahan sa Freedom City. Libre ang mga pabahay na naaayun sa kita ng pamilya. Kahit libre ang bahay, gaya ng mga sinaunang pamamalakad ay kailangan ding bayaran ng bawat kabahayan ang kuryente, tubig at maging ang mga pangunahing pangangailangan  gaya ng pagkain at damit. Madalas ay parepareho ang mga binibigay na libreng pabahay. Komportable naman ang ayos at higit na mas kaaya-aya kung ikukumpara sa mga bahay sa Red Line. Pwede namang magkaroon ng bahay na magarbo o manirahan sa condo pero gaya nga ng nasabi ko ay naaayon iyon sa kita at trabaho mo. Maliban na lang kung ikaw ay anak ng mga myembro ng League of Businessman and Commerce na siyang legal na nagbibigay ng karapatan na magmay-ari at magpatakbo ng negosyo sa loob ng Freedom City. At dahil nga sa mabilis ng pag-asenso ng technolohiya ay isinasabay din ang mga imprastraktura gaya nga ng pabahay.     Nagpatuloy nalang kami hanggang sa marating naming ang  pinaka dulong bahagi ng subdivision. Doon ko naramdaman ang sensasyong matagal ko nang hindi nararamdaman. Lakad-takbo kong tinungo ang pinaka sentro ng pwersa. Muling kumunot ang aking noo nang makita ang isang piraso ng papel sa isang lamesa. Sa papel ay may nnakasulat na sambitin na kagaya ng pinakita ni Von Nemel sa kanilang pagpupulong. Wala na akong sinayang na  oras. Agad kong nilagay ang aking kamay sa ibabaw ng mesa kung saan naka patong ang papel. Pinikit ko ang aking mga mata at pinagana ang aking pakiramdam. Naramdaman ko namang ang pwersang unti-unting lumalabas sa aking katawan. Nang maging sapat na ang pwesa at agad kong binuksan ang aking mag mata at dahan dahan ay naramdama ko ang paggana na taglay kong kapangyarihan. Bilang isang Zarek o bampirang sinalin sa orihinal na bampira ay biniyayaan kami ng mga natatanging kakayahan maliban sa regular na kakayahan ng bampira. Sa pamamagitan ng paghawak ng bagay na may kinalaman sa pangyayari ay kaya kong balikan ang buong  insidente mula sa simula hanggang sa matapos ito. Sa paggamit ko ng kapangyarihan ko ay pakiramdam ko ay nakatayo ako habang pinapanood ang paghila ng oras pabalik sa simula ng pangyayari. Hanggang sa natigil ang oras at nakita ko na lamang ang isang babaeng mukhang may balak magbigti. Humahagolgol ito na para bang subrang bigat ng kanyang nararamdaman. Nakasuot lamang ito ng bistidang puti habang ang kanyang suot pampaa ay nakakalat sa baba ng lamesang tinutungtungan nito.   Ito na ang simula ng pangyayari . Sa pagkakataong ito ay masasaksihan ko na ang buong kwento at makikita ko na ang salarin. Kasabay ng paghikbi ng isang babae ay ang mga kaluskos sa paligid. Napatingon ako sa pinanggagalingan ng ingay. Hanggang sa makarinig na ako ng tunog ng mga yapak.               
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD