Crossed Paths: Chapter 10

2309 Words
Kanina pa tumatangis ang babae. Dito siya dinala sa dating bahay kung saan naging saksi sa lahat ng una ng kanyang pinakamamahal. Maayos naman ang kanilang pagsasama ngunit simula nang malipat sila ng bagong lokasyon ay naramdaman ng babae ang pag-iba ng damdamin ng lalaking kanyang inibig. Hindi na ito tulad ng dati. Pero inintindi niya ang lalaki at inisip nab aka naninibago lamang ito sa bago nilang lugar. Ngunit kanina ay tinawagan siya ng lalaki at sinabing gusto nitong makipagkita sa kanya. Na-excite naman ang babae dahil inakala niyang ito na marahil ang kanilang pagsisimula. Sinuot nito ang kanyang putting bestida na niregalo ng lalaki bago pa man sila lumipat. Ngunit hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari. Wala pangang ilang minuto siya nakakarating sa sinabing tagpuan ay sinabi nan g lalaki na gusto na nitong makipaghiwalay. Ang rason nito ay he fell out of love at hindi na siya nag-go-grow as a person sa relationship nila. Hindi pa nakakapagsalita ang babae nang bigla na itong tumayo at umalis. Sinubukan namang habulin ng babae yung lalaki pero natigilan ito nang makita na ang lalaking pinakamamahhal niya ay may kasamang nang iba. Magkahawak pa ang kanilang kamay habang papalayo. Sa subrang sakit ng nararamdaman ay tumakbo ito papalayo. Bumuhos ang kanyang luha at pakiramdam niya ay nalulunod siya. Hindi niya alam ang iisipin. Gusto niyang isipin na marahil ay may mali sa kanya kaya naipagpalit siya ng lalaki. Kinulang ba ang kanyang pagmamahal? Tanong nito sa kanyang sarili. Napadpad siya sa dati nilang lugar nang hindi namamalayan. Pakiramdam niya ay lalong sumakit ang kanyang dibdib dahil muli niyang naalala ang kanilang mga nakaraan. “Wala na tong saysay ang buhay ko.” Sambit ng babae. Mula sa gilid ng bahay ay ginuyod nito ang isang lamesa papunta sa gitna ng bahay. May nahanap din siyang sampayang lubid kung kaya kinuha niya iyon. Sa subrang bigat ng nararamdaman niya ay hindi na siya makapag-isip ng tama at nais nalang niyang mawala sa mundo. Hinubad nito ang kanyang suot na sapatos at umakyat sa lamesa. Hinagis nito ang lubid at nang masigurado na ang tibay nito ay saka niya pinagpatuloy ang plano. Ngunit bago pa man niya ilagay ang lubid sa kanyang leed ay narinig niya ang mga kaluskus sa paligid. Hindi niya iyon masyadong inalintana ngannit nakaramdam siya ng malamig na hangin. Hanggang sa natigilan na siya sa kanyang ginagawa. “Kawawa kanaman, Jessica.” Dinig niya. “Ikaw na nga ang iniwan ikaw pa ang magpapatiwakal. Para mo na ding sinabing kasalanan mo ang nangyari.” “Sino ka? Bakit mo ako kilala? Magpakita ka!” Sigaw ng babae. “Jessica, hindi mo kasalanan ang nangyari. Ginawa mo ang lahat ng kaya mong gawin para mapakita kung gaano mo kamahal si Ruelito. Sadyang hindi lang siya nakuntento at naghanap pa siya nang iba.” Mula sa liwanag na binibigay ng poste sa labas ay naaninag ni Jessica ang isang taong naka hood. “Si Ruelito ang may kasalanan ng lahat, Jessica. Kaya siya ang dapat mawala.” Pag-uudyok ng taong naka hood. “Isipin mong mabuti, kung mawawala ka, paano na ang magulang mo? Kaya hindi ka dapat manghina. Dapat ang isipin mo ay kung paano magagantihan  si Ruelito. Willing ako tulungan ka kung gusto mo.” “Papaano?” Tanong ni Jessica. Nakatayo pa din ito sa lamesa. Lalo pang lumapit ang taong naka hood. Inangat nito ang kanyang kamay ay may papel itong inabot kay Jessica. Takot man at hindi alam ang gagawin ay inabot ni Jessica ang papel. “Basahin mo ang nakasulat.” Utos nito. “Basahin mo ng tatlong beses ang nakasulat, Jessica. At makukuha mo ang paghihiganti mo.” At yun nga ang ginawa ni Jessica. Binasa nita ang nakasulat sa piraso ng papel na inabot sa kanya ng taong hindi niya kilala. Pagkatapos ng tatlong beses na pagbasa ay tila may sumabog sa loob ng babae at kumalat sa buong paligid. Pagkatapos noon ay nawalan nan g malay si Jessica. ***** Lazarus POV Narinig kong tumawa ang babaeng naka hood. Babae iyon base na din sa boses at hulma ng katawan nito. Sayang at hindi niya na kita ang mukha nito. Sa pwersang lumabas kay Jessika ay may nakita siyang bakas ng patutunguhan ng sumpang binigkas. Agad akong lumabas ng bahay. At sinundan ang dinaanan ng sumpa. Gamit ang aking bilis ay narating ko ang isang gusali. Familiar ako sa gusaling iyon dahil isang bampira ang may-ari nito. At siya ang namamahala sa mga red district ng Warm Blood Zone. Akmang tatawirin ko na ang daana papasok ng Red District ngunit may biglang pumigil sa akin na bumalik sa akin sa kasalukuyan. Nakita ko ang kamay ni Alistair na nasa balikat ko at tumampad sa akin ang mataong kalye ng District 1 Red District.   “Third floor, Grease Motel.” Sambit ko habang kinakalna ang sarili. Hindi pa talaga ako nasasanay gawin ito. Agad naman kumilos ang Gold Elite upang haloghugin ang Grease Hotel. Nakita kong binuksan ng ilang miembro ng Glod Elite ang kanilang dalang case. May laman itong tig-dadalawang Athena’s Owl. Deniploy nila ang mga ito upang ma scan ang buong paligid. “Senior Lazarus.” Rinig kong sambit ni Alistair mula sa communication device ko na nakakabit sa likod ng earlobe ko. “We found a dead body. We were late.” Nasapo ko ang aking ulo. Hindi ka na nga nakita ang mukha ng salarin, hindi pa naming na salba ang biktima. “Suyurin ang buong Red Distric at ang kalapit na kabahayan. Siguradong may naiwang bakas ang salarin.” Utos ni Alistair. Sa isang banda naman ay tila may naririnig akong boses sa hindi kalayuan. Hindi ko masyadong madinig dahil maraming enerhiyang  nakakalat sa paligid. “Senior Lazarus, Porlomolla ng Zarek na si Fabian. Vampirang pinuno ng buong Freedom City, Isang pagbati mula sa aming tahanan.” Rinig kong wika ng isang lalaki. Sinubukan kong hanapin ang kanyang presensya ngunit bigo akong mahanap ang kanyang lukasyon. Sa uri ng kapangyarihan na kanyang ginagamit ay batid kong grupo ng Almerdine ang kumakausap sa akin. “Anong kailangan mo, Almerdine?” Tanong ko na gamit ang aking isipan. “Ang taong inyong tinutugis ay siya ring taong aming sinusubay-bayan. Ginagamit nila ang masamang emosyon ng tao upang magamit ang kanilang kapangyarihan na galing sa kadiliman.” Sagot ng lalaki. “Anung ibig mong sabihin?” Muli kong tanong. “Ang negatibong emotion ang siyanng nagtutulak sa isang mortal na gawin ang isang bagay ng hindi nag-iisip ng maaaring kahihinatnan ng kanilang desisyon. Ginagamit ng Bernardine na ito ang matinding emosyon upang mapaikot ang isang tao.” Ngayon lubos ko nang naintindihan ang kanyang sinasabi.” “Sa ngayon ay kumikilos ang Bernardine. Ngunit dahil sa malakas na pwersang bumabalakid sa aming kapangyarihan na nagmumula sa kanya ay kakailanganin naming ang tulong ng kapangyarihan ng tulad mong Zarek.” “Anu ang dapat kong gawin?” Kahit wala akong kasiguraduhan kung makakatulong ang mga taong ito o hindi ay pinili kong magpatianod sa kanilang hihilinging tulong. Marahil ay ang mga Almerdine na ito ay mga pwersang lihim na tumutulong mapalaganap ang katahimikan sa buong Freedom City. “Sa puntong ito ay hahanapin ng Bernardine ang pinakamalakas ng negatibong emosyon. Emosyon na maaaring magtulak ng paghihiganti. Bilang Porlomolla ni Senior Fabian ay kaya mo ring damhin kung saan ang malakas na emosyon na iyon.” “Hindi ko pa na susubukan ang bagay na iyon sa katauhang ito ngunit susubukan ko.” Bumaling ako kay Alistair na ngayon ay balisa ang pagmumukha.  “Hanapan mo ako ng mapa ng boong  District 1.” Nagtataka man ay sumunod naman si Alistair sa akin. Agad din namang nakakita ito ng kailangan ko. Inilapag ko ang mapa sa uluhan ng sasakyan. Inilawan naman ng iba pang miembro ng Gold Elite ang mapa. Huminga muna ako ng malalim bago ko gawin ang proseso. Mula sa kinatatayuan ko ay sinubukan kong ikalat ang aking enerhiya. Sa tulong ng mapang nasa aking harapan ay nalalaman ko ang kinaroroonan ko sa mapa at napalawak ko ang enerhiya ko. Nang masigurong nasa maximum na ang kumalat na enerhiya ay saka ko binuksan ang pakiramdam ko kung saan nag-unahan ang mga emosyon ng bawat nadadaanan ng aking enerhiya. At dahil ito ang unang pagkakataon na ginamit ko ang kakayahang ito sa pangangatawang ko ngayon ay bahagyang nanibago ang aking katawan. Kailangan ko ngayon na disregard ang mga emosyon na hindi naman kinakailangan. Hanggang sa maramdaman ko ang kumpol ng negatibong enerhiya. Hindi lang ito nanggagaling sa iisang tao. Sa subrang lakas ng nararamdaman ng bawat isa ay nagsasanib ito na para bang nagiging iisa. Nakapikit man ay agad kong tinuro ang lokasyon ng pinanggagalingan ng matinding emosyon na iyon. Paglapat na pagkalapat ng aking daliri sa lokasyong iyon ay saka naman kumawala ang aking kapangyarihan. “Saan ang lugar na ito?” Mabilis kong tanong. “Iyan ang Arcadeum, Senior Lazarus. Ang pinakasikat na gaming house sa buong District 1.” Sagot ni Von Garreth na ngayon ko lang napansin naririto na pala. “At ang Arcadeum ay ang main house ng Pharaohs Ville Clan.” Mabilis din sagot ni Ramsel. Ang 1st Luetenant ng Gold Elite. “All Gold Elites proceed to Arcadeum, ASAP!” Sigaw ko. “Ngayong natuntun nyo na ang susunod na target ng Bernardine, Hayaan mo kaming tumulong sa inyo. Kasalukuyang isinasagawa ng mga kasamahan ko ang cleansing spells sa buong District 1. Kasalukuyan ding may papuntang magbabantay sa Emerald Condominiums. “ “Paanong meron sa Emerald Condo…” Hindi ko na tinapos ang sasabihin ko dahil agad kong naintindihan ang gusto nitong sabihin. Natalo ang Pharaohs sa laro nila against sa mga Kings. At ang Kings ay kasalukuyang nakatira sa condo building na pag-aari ng mga Salazar. “Paano ninyo nalaman na ang mga kings ang pupuntiryahin nila?” Hindi ko maiwasang matanong. “Kagaya ng ginagawa ninyo, Senior Lazarus, pinuprotektahan ninyo ang inyo. Kami din ay pinuprotektahan din naming an gamin.” “Anong ibig mong sabihin?” Naghintay ako ng sagot ngunit wala akong narinig. Naguguluhan man ay minabuti ko munang ituon ang atensyon ko sa problemang kinakaharap. “Senior Lazarus, Humingi ako ng tulong sa Silver Elites para mabantayan ang kinaruruonan ng mga Kings.” Pagbibigay alam sa akin ni Alistair. Hindi na ako kumibo pa. Nag-concentrate ako sa pagpapakalma ng sarili ko dahil sa hindi ko mapigilang bugso ng galit ko. Hindi ko ko alam kung anu ang masmatimbang. Ang malamang hindi matanggap ng mga batang iyon ang pagkatalo at nakakabuo sila ng negatibong emosyon na nakakapag-imbita ng kasamaan o ang maaaring pag-atake sa mga Kings kung saan Head ng clan ang lalaking iyon. Batid ko namang inis ako kay Archimedes Reverente dahil sa ginawi nito sa akin pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nakakaramdam ako ng bloodlust ngayon dahil sa maaaring mapahamak ang lalaki iyon. *****   Sa tapat ng Arcadeum ay nakatayo ang isang taong naka suot ng itim na hood. Ninanamnam nito ang negatibong enerhiya na nagmumula sa loob. Ramdam nito ang samot saring emosyon na nagpapalakas ng kanyang kapangyarihan. Bilang sugo ng Black Orb ay inatasan siyang gumawa ng gulo na maghahatid ng takot sa buong lupaing tinatawag nilang Freedom City. Sadya ngang maganda ang paligid ng lugar na ito pero wala siyang pakealam sa ganda dahil batid niyang may mga nilalang na nakatira roon na hindi dapat mabuhay sa mundo. Sinimulan na niya ang kanyang misyon. Sa pamamagitan ng pagkain ng mga negatibong emotion ng mga tao sa paligid ay napapasunod ko sa tatanggap ko ang kanilang kakayahang tumanggi. At sa huli ay nababasa nila ang sumpa ng Bernardine. Madami na din siyang napapaslang at itong nasa harap niya ay tiyak niyang magdadala ng kaguluhan sa distrito na ito. Naglakad ang nilalang papasok ng gusali. Napapangiti siya sa kanyang nararamdaman dahil umaapaw ang mga negatibong imosyon. Pinakiramdaman nito kung saan nanggagaling ang pinaka malakas na pwersa at nang maramdaman niya iyon kung saan nanggagaling ay agan niyang tinungo iyon.  Natatakam na siya sa maaaring mangyari dahil ito ang una niyang pagkakataon dito sa Freedom City na may ganitong kalakas na negatibong emosyon. Tiyak niyang magiging masaya ang kanilang panginoon sa mga katutuwang iaalay niya.   Pero ang kanyang iniisip ay biglang naputol nang walang anu-ano ay biglang tumahimik ang paligid. Nanglingunin niya ang paligid ay nagsisitumbahan ang mga tao sa paligid. Mabilis siyang tumakbo sa silid kung saan nagmumula ang pinakamalakas na pwersa ngunit nanlaki ang kanyang mata nang makitang nakabulagta ang mga ito at ang mga negatibong emosyon at ennerhiya ay unti-unting nawawala. “Sinong mag-aakala na ang hindi mapaliwanag na p*****n at pagkabaliw ng ilang mga taga rito ay gawa lamang ng iisang Bernardine. “ Rinig niyang wika ng isang lalaki mula sa madilim na bahagi ng silid. Naramdaman niya ang pwersa ng taong yun kung kaya agad siyang lumabas ng silid. Batid niyang wala siyang laban sa katulad nito. Sinubukan nitong gamitin ang kanyang kapangyarihan ngunit bigo siyang gamitin iyon. Saka niya naramdaman na unti-unting nawawala ang mga bakas ng kanyang ginawa. Mukhang may sumasambit ng paglilinis. Sinubukan nalamang niyang tumakbo Ngunit bago pa man ito makalayo ay naramdaman niya ang mabilis na pagputol ng isa niyang paa. Dahilan ng kanyang pagbagsak. Gumapang pa ito nng mabilis pero may tumusok na patalim sa kanyang likuran na lalong nagpahirap sa kanya na gumapang. “Kung inaakala mong makakatakas ka ay nagkakamali ka.” Galit na wika ng lalaking nakatayo sa kanyang unahan. “Hansel.” Tawag naman ng isa pang nilalang sa di kalayuan. Hawak-hawak nito ang isang espada. Mula naman sa dilim ay lumapit naman si Hansel san aka dapang Bernardine. Gamit ang kakayahan nito bilang Vaz Hollow ay hinawan niya ang ulo nito. Nagsisigaw naman ang nilalang dahil sa hindi na niya mapipigilan ang pagbasa ng isang bampira sa kanyang isipan.                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD