Lazarus POV
Ayun sa nakuha naming impormation ay pinapadala ng Black Orb Organization ang kanilang mga sugo sa lahat ng mga Free City sa mundo na may layuning sirain ang tinatamasa nitong kapayapaan. Layunin ng Black Orb na tapusin ang pamamahala ng mga Bampira.
Ang black Orb Organization ay ang underground organization na walang nakakaalam kung paano nagsimula. Sa mga nakalipas na mga digmaan na lamang nalamanng House of Trinity ang tungkol sa kanila. Dahil sa pagkatuklas sa kanila ay agad na gumawa ang House of Trinity upang mapuksa ang kanilang samahan dahil nga ghindi lang Bampira ang kanilang nabibiktima kundi pati mga walang muwang na mga tao. Maging ang mga Almerdine ay kanilang pinupuntirya upang maging alay sa pinaniniwalaan nilang panginoon, ang kadiliman.
Hindi gaya ng Almerdine na ang kapangyarihan ay nanggagaling sa kalikasan, ang mga Bernardine ay kumukuha ng lakas sa paggawa ng masama at pagpaslang. Ang kanilang pinaghuhugutan ng lakas ay ang kadiliman. Lalong lumalakas ang kapangyarihan nila sa tuwing may naaalay silang Almerdine sa kanilang panginoon.
Basis a pananaliksik ng mga pinagkakatiwalaan niyang mga nilalang ay mabisang alaw sa kadiliman ang mga Almerdine dahil sa puro nitong kapangyarihan. Ang kakayahan nilang kumuha ng kapangyarihan sa kalikasan ay isang uri ng pagkaing kailangan ng kadiliman upang lalo itong lumakas. Dahilan kung bakit nagpakalayo layo na din ang mga Almerdine.
Sa kautusan ng House of Trinity ay nagkaroon malawakang hunt sa mga miembro ng Black Orb. Sa pakikipagtulungan sa isang grupo ng Almerdine ay nalipol nila ang mga ito. NNgunit Inakala lang pala nila iyon. Dahil sa kaalaman na nakuha naming sa Bernardine at pinaparami ng mga ito ang kanilang grupo. Nagsisimula na din sila maghanap ng mga Almerdine.
Bilang pinuno ng MATA ay pinagdisisyonan kong bigyang babala ang mga namamahala sa mga Free City sa buong mundo. Kasalukuyang may sampong legal na Free City sa mundo. Hindi man buong detalye ay kailangang maalerto ang mga ito sa panganib na dala ng Black Orb. Maging ang House of Trinity ay binigyan ko na din ng babala.
Binigay naman sa MATA ang kautusan na sugpuin ang mga Black Orb at gumawa ng mga kautusan na magpapanatili sa katahimikan at kaayusan ng bawat Free City. Sa sampung Free City ay apat ang pinamamahalaan ng House of LIRA. Ang Taiwan Metropolis Freedom City, Paradise Freedom City sa island ng Hawaii, Longyearbyen Freedom City sa Svalbard, at ang huli ay ang Hobart Freedom City sa Tasmania. Tiwala naman akong masisigurado na high alert status ang kanilang security. Kinababahala ko ay ang anim pang mga Head of House na may sariling pamamaraan. Kung ang quarterly inspection nga ng bawal Free City ay pahirap na ang akinng mga tauhan. Minsan ay kailangan ko pang personal na pumunta sa lugar para lang maayos ang mga gusot dahil may mga Head of the House na nagmamatigas. Katunayan ay sa anim na Free City na wala sa pangangalaga ng House of Lira ay tatlo ang nahaharap sa pagsara dahil sa hindi pagsunod sa mga alintutunmin ng Free City. Kasalukuyan silang iniimbistigahan ng mga MATA Agents at kinakalap na lamang ang sapat na ebidensya.
Hindi na naming nakuha sa Bernardine ang iba pang impormasyon gaya ng kung ilang sugo na ang nasa naririto ngayon sa Metropolis at kung sino sino ang mga namumuno sa kanila, dahil agad itong binawian ng buhay nang hinanap ni Hansel ang kasagutan tungkol sa kanilang mga pinuno. Mukhang may mahikang sinambit ang kanilang pinunu kung sakaling mangyari ang tulad nito.
Kung kilala ko lang sana ang Almerdine na nakausap ko ay tingin ko ay higit akong matutulungan ng kanilang grupo. Pero sino nga ba sila? Paano hindi nararamdaman ang kanilang presensya kahit na ginamit ko ang aking kakayahan.? Maaari bang mga kakayahan ang mga itong itago ang kanilang aura at presensya? Ngunit paano ang amoy? Ang dami ng tanong na gusto kong mabigyang sagot. Tanging si Von Nemel lamang ang makakatulong sa akin.
“Alistair, tawagan mo si Von Nemel. Sabihin mong gusto ko siyang makausap ng personal.” Utos ko kay Alistair. Kakarating lang namin ngayon sa LIRA Group Building. Tumango naman si Alistair at iniwan ako sa aking opisina.
Nang masigurong ako na lang mag-isa ay saka ako tumukod sa lamesa dahil sa pakiramdam kong matutumba. Sa dami ng lakas kong nagamit ay pakiramdam ko ay nanginginig ang nga kalamnan ko. Maging ang tuhod ko ay tila bibigay na din. Kinuntrol ko ang aking paghinga at nag-ipon ng lakas. Hindi pa pala ako nakakakain mula pa kagabi.
Nang makaya ko nang gumalay sa ako nagtungo sa hidden fridge kung saan nakalagay ang stock ko ng high grade synthetic blood. Inabot ko ang isang canister saka binuksan. Mabilis kong ininum ang laman noon. Agad ko namang naramdaman ang mabilis na pagrecover ng aking lakas.
Dahan dahan akong tumapit sa bintana kung saan makikita ang buong Capital City. Pinagmasdan ko ang lungsod habang unti-unting kumakalat ang sinag na nag mumula sa papasikat na araw.
Kumikilos na muli ang Black Orb at gusto nilang sirain ang katahimikang kay tagal kong pinangarap maabot. Kunng inaakala ng mga ito na basta basta nilang magagawa ang kagustuhan nila ay nagkakamali sila. Hindi ko papayagang mangyari ang gusto nila. Poprotectahan ko ang buong Metropolis Freedom City.
*****
Arkie POV
Dumaan ang panibagong araw na hindi mapalagay ang loob ko. Bukod sa pakiramdam kong may mga matang nanunuod sa akin, ay isa pang inaalala ko ay si Matt na kahapon pa hindi nagpaparamdam. Hanggang nga sa matapos ang aming group stream kagabi kung saan binalita ng dalawa pa naming kasama na sina IamRoyalPrince at IamMageUser na nakuha na nila ang official invitation para makapasok sa Metropolis Freedom City. Ibig sabihin ay sigurado na silang tatlo kaya nga gusto talaga naming alamin ang kalagayan ni Matt nang sa ganoon ay magawan namin ng paraan incase may problema siya.
“Are you okay?” Tanong ni Jeremy sa kin. Tulad ko ay nag-aalala din ito. Kanina kasi ay tinawagan niya ang kuya niya at sinabi nito na minadali ng Elite Battalion ang pagpapadala ng invite dahil nga sa nirequest kong reward noong isang araw.
“I can’t just brush it off. May kung anong kutob ako na nangyari kay Matt.” Hindi ko mapigilan na sabihin ang totoo.
Niyakap naman ako nito as he caresses may back. “Kuya Gio will check, so don’t worry that much.”
Inakay niya ako papasok papunta sa table. Umangat naman ang kilay ko nang makitang nagluto pala ito. Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko man lang napansin ang mga ingay at kaluskus na ginawa niya habang nagluluto. Napangiti naman ako sa effort niya. Hindi kasi siya talaga nagluluto, not that he don’t know how to cook but nasanay na siyang ako ang nagpeprepare ng food every day.
“Anung nakain mo?” Biro ko sa kanya.
“I just want to cook. Masama ba yon? Kumain ka na nga lang. Pagnagising sila, bahala kang maubusan dyan.” Sagot nito na bumusangot pa. Papa-cute pa talaga siya. Hindi naman cute.
”Hindi cute kasi GWAPO siya.” Hindi ko napigilang ibulong.
“What?” Naku narinig pa ata. Umiling na lang ako ay nagkunyaring busy sa pagkuha ng pagkain.
Nakita ko nalang siya na umiling ito at pasimpli nalang akong napabuga ng hangin. Mahirap na kasi baka sabihin pinag-iinteresan ko siya. Bakit hindi ba? Tukso ng tukso sa loob ng utak ko.
Ilang sandali pa ay isa-isa nang naglabasan ang mga kasama namin. Nagsiupuan na rin sila at kumain.
“May balita na ba kay Matt?” Tanong ni Jonas. Mukhang siya rin ay naninibago sa bigla sa hindi pagpaparamdam ni Matt.
“Kuya Gio will check to the Elites. Babalitaan tayo kapag may nalaman siya.” Si Jeremy ang sumagot.
“Kailangan bukas ng tanghali ay makarating na sila sa Airport bago pa sila maiwan. Alam naman natin na hindi ganoon ka welcoming ang mga taga-Red Line sa mga opisyales ng Freedom City.
Nagets ko kung ano ang ibig sabihin ni Luke. Ang Red Line ay teretoryo ng mga mortal na gaya namin. Ipinagbabawal na tumapak ang mga taga Black Line sa lupain nila. Pero dahil special case ang Free City ay nabigyan ito ng karapatan ng opisyales ng Red Line na magpatayo ng specific area para sa Airport at Port na papunta at paalis ng Free City. Ganoon pa man ay hindi ito sinusuportahan ng ibang mga taga Red Line specially ang mga bandidong mga mortal na may galit sa mga Bampira. Kaya nga ang ginawa ng mga Kahalili ay purong tao ang mga namamahala sa Freedom City Airport and Fort.
Sa totoo lang hindi ko maintindihan ang mga extremist na mga tao. Bakit hindi mawala wala ang galit nila sa mga bampira lalo na rito sa Freedom City. Samantalang ni wala nga akong naririnig na Vampire Crime dito.
“Let’s hope for the positive news nalang.” Rigo said.
Natapos kaming kumain na may pag-aalala sa loob naming.
Hindi naman sa pinipilit namin na magkita-kita kami. Marahil ay dahil gusto lang naming e-grab ang chance na binibigay sa amin. Sa tagal na naming magkakasama sa game I believe na we are allowed to be together naman. This is once is the life time chances kaya nga ginagawa ko ang lahat para hindi mawala ang pagkakataong iyon sa amin. We work hard so I know we deserve this.
Dumaan ang mga oras at pinili ko nalang lumabas at mamili ng mga kakailanganin namin. Mabuti at rest day namin ngayon magagawa kang mag-update ng mga gamit namin sa game room. Magagamit ko na din ang napanalunan naming diamonds. Tamang tama at may mga bagong releases na mga gaming gadgets under Emperor’s Eye line. Maaari na din akong mamili na para sa mga members namin.
At dahil nga rest day ay kasama ko ang lima sa Solaris Store Main. Maging sila kasi ay mayroon ding kailangan bilhin.
“Wait, are you replacing all the monitors with Emperor Eye version?” May kataasang boses ni Jeremy. Kakarating lang namin sa Solaris Store Main.
“We decided to donate it this year naman diba?”
Natahimik nalang si Jeremy. Nakita ko namang nagtinginan ang mga kasama namin. Hindi naman kami nag-aaway pero magulo kaming dalawa kaya nga ang ginagawa ng mga kasama namin ay lumalayo na lang ang mga kasama naming para hindi na sila madamay. Alam naman kasi nila na wala din naman silang magagawa kung gusto ko talaga.
Hindi naman ako magastos na tao. Gusto ko lang na komportable at maayos ang mga gagamitin naming. Syempre trabaho naming din ito. Gusto ko din maramdaman ng mga members namin na we care for them kaya naming sila sinasama sa mga binibili ko. Kaya nga madaming nagrerequest na sumali sa clan namin pero mapili lang talaga kami.
Pag-uwi, baklas- ayos ang drama naming lahat. Hindi ko naman kasi kaya lahatin. Kahit ang mukha ni Jeremy ay nakabusangot ay sunod lang namn siya sa utos ko. Hanggang nga sa matapos ang lahat at malinis naming ang buong Game Room.
Bilang pasasalamat naman ay nagluto nalang ako ng dinner for them at nagsalo-salo kami. At dahil nga walang stream ay nag inuman kami at nagkwentuhan hanggang sa makaramdam na kami ng antok and decided to sleep.
Maya-maya pa ay nakikita ko sa Matt na tumatakbo sa isang kakahuyan. Ramdam ko ang pagod niya. Hingal man ay nagpatuloy ito sa pagtakbo. Naramdaman kong sa di kalayuan ay may mga humahabol sa kanya. Hindi ko marinig ang kanilang sinasabi pero sa dami nila ay tiyak kong mahuhuli nila si Matt. Pero hindi ko alam ang gagawin. Gusto ko siyang tulungan na makalayo doon. Naramdaman kong tinulinan pa ni Matt ang kanyang pagtakbo.
“Dalian mo, Matt!” Sigaw ko. Bilisan mo pa, Malapit na sila!”
“Kaya mo siyang iligtas.” Wika ng isang tinig. Hindi koi yon kilala pero wala naman akong choice.
“Paano?”Mabilis kong tanong sa boses.
“Imulat mo lang ang iyong mga mata.” Sanot ng boses.
Hindi ko alam kung anno ang ibig niyang sabihin. Bukas naman anng mata ko. Nakikita ko nga si matt na tumatakbo. Peron a tigilan ako. Inaalala ko ang nangyari kanina. Kung kaya palagay ko ay nananaginip ako. Pero parang totoo ang nangyayari.
Nang lingunin ko muli si Matt ay may humahabol na sa kanyang malalaking nilalang na mukhang mga aso pero may malalaking pangil at maaabutan ng mga ito si Matt. At kumabog na ang puso ko.
“Matt!” Sigaw ko.
Sabay noon ang tila hinigop ako ng pwersang hindi ko alam. Nakaramdam ako ng sakit nang tila malaglag ako. Nang imulat ko ang aking mata ay nagulat ako dahil nasa gitna na ako ng kakahuyan at ang tanging liwanag sa paligid ay ang liwanag ng buwan. Mas lalo pa akong nagulat nang may ilaw na tumama sa akin.
“Seven?” Isang hindi makapaniwalang boses ang narinig ko. Pero mas nakakagulat dahil kilala ko ang boses na iyon at iisa lang ang tumatawag sa akin ng “Seven”.
“M-matt?” nabubulol kong tawag sa pangalan niya.
Matt's POV Next