Crossed Paths: Chapter 12

2173 Words
Matt POV Sa mahabang panahon ang lahi ng naming mga Rayka ay patuloy na sinubok. Ang aming lahi ay nagbuwis ng buhay para sa katuparan ng paghihiganti. Paghihiganti na bumulag na sa paninindigan at pagkatao ng mga sumunod na henersayon. Kung kaya kaming mga bagong henersyon ang nahihirapan. Isa ang aming angkan sa lahing Rayka na natitira sa mundo. Hindi ko alam kung ilang angkan pa ang natitira ngunit ang aming angkan ang pinaka malaki sa bansang Russia. Masasabi kong payak at sinusunod ng lahat ang mga batas ng angkan. Ngunit may ilan na sinusubukang alamin ang buhay sa labas ng aming ginagalawan. At isa na ako doon. Kakasimula ko palang ng College nang madiskobre ko ang Solaris: Rise of Champions. Agad akong na humaling sa laro hanggang sa makasama ako sa isang clan ng magagaling na manlalaro. Sa bawat araw na nakakalaro at nakakausap ko sila ay hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung anu ang meron sa mundo nila. NNgunit hindi koi yon maisatinig. Sa tuwing nagkukwentuhan sila ay hindi ko maiwasang maingit. Ramdam ko ang ang kanilang kalayaan, lalo na si Seven na siyang nag-recruit sa akin na makasali sa Clan. Dahil nga malayo ang Universidad na pinapasukan ko sa aming lupain ay naging malaya akong mag-usisa ng mga bagay-bagay. Hindi ko mapigilang alamin ang tungkol sa Free City na bukang bibig ng karamihan ngunit ipinagbabawal sa aming nasasakupan. Hindi naman lingid sa akin na ang Free City ay lupaing pag-aari ng mga immortal na kaaway ng aming lahi. Ngunit sa nakikita ko naman ay hindi takot ang nararamdaman ng mga taong naroroon. Nabalitaan ko din na may mga Domon at Hybrid ding nananahan doon. Kaya hindi ko maintindihan ang pinagmumulan ng galit ng aming council sa lahat ng bampira. Bakit hindi nila gustong buksan ang kanilang isipan sa mundong unti-unti nang nagbabago at ang aming angkan ay maiiwan na ng panahon. Nagpapasalamat ako dahil may sarili akong tinutuluyan malapit sa unibersidad dahil madali kong natatanggap ang mga pinapadala ng Solaris Industries sa akin at maging mga pinapadala din ni Seven. Kahil hindi ako pala kiba dahil nga sa hindi ko masabayan ang mga energy nila. Ganoon pa man ay hindi ko naman na fe-feel na naa-out of place ako. Playing with them gives me energy to survive the actual life that I’m in. Lumaki kasi ako sa pamilyang may matatag na pagdedesiplina. Lahat kasi ng miembro ng aming angkan ay sa aking pamilya higit silang sumasandal. Kaya sa murang edad ay dinanas na namin ng mga kuya ko ang mga pagdedesiplina, pag-eensayo sa pakikipaglaban at kung anu anu pa. Marahil ito ang down side ng pagiging anak ng isang Alpha. Inakala kong maitatago ko ang lahat. Inakala kong magagawa ko ang obligasyon ko bilang anak nila at ang maging pro-gamer. Pero nagkamali pala ako. Lingid sa kaalaman ko ay nakakapansin na pala ang aking Ama sa mga kunting pagbabago. Lalo pat nakita ni Ina sa aking gamit ang aking Game Phone.  Noong kinumpronta ako ni ama. Nagsabi naman ako ng piling totoo. Ayoko na malaman niya lahat lalo pa’t  may pagkakataon na akong makapunta sa Free City. Ayokong pakawalan ang pagkakataon ko para madiskobre ang mundo sa labas ng munong ginagalawan ko. Sinira ni ama ang aking Gaming Phone. Hindi ko naman masyadong dinamdam iyon dahil iyon ang pinaka lumang bersyon ng Gaming Phone na meron ako. Pero simula noon ay pinamanmanan na ako ni Ama. Hanggang nga sa matanggap ko ang aking official invite ng Metropolis Freedom City. Nakahanda na ang lahat. Katunayan ay pinauna ko na ang mga gamit ko sa Freedom City Airport. Ninungkahi kasing mga Freedom City Agents na pwede kong gawin iyon para madali na sa aking ang pagpunta sa designated area. Pero nang paalis na ako ay nabigla ako na nag-aabang na pala ang mga sugo ni Ama. Bantay sarado ako pagdating sa bahay. Walang pwedeng pumasok o lumapit sa silid kung nasaan ako. Nakatikip pa ako ng suntok mula sa aking Ama na nababakas ang pagkabigo sa kanyang mukha. Ang  aking ina naman ay nakikitaan ko ng awa sa mata niya. Naalala ko tuloy ang mg aka team ko na tiyak nag-aalala na.   “Hindi mo man lang naisip kung ano ang magiging epekto ng kahihiyang ito sa ating pamilya? Isa kang Rayka at tinatankilik mo ang mga ideyang pinalalaganap ng mga Bampira!” Sigaw ni Ama. “At balak mo pang pumunta sa teretoryo nila. Alam mo bang hindi ka nila bubuhayin kapag  nalaman nila kung anu ka?!” “Wala akong masamang ginawa ama. Kaya wala akong dapat ikahiya. Ang nakakahiya ay ang pananatiling takot sa pagbukas ng mga posibilidad. Mas nakakahiya na pinipilit ninyong maramdaman namin ang galit ninyo sa mga Bampira na hindi naman konektado sa amin.” Muli akong nakatikim ng suntok sa king ama. Napahiga ako sa subrang sakit. “Naririnig mob a ang sinasabi mo, Matteo?” Galit nitong tanong. “Tama na yan, Antonio!” Awat ni Ina. “Nagkasala na ang anak mo pero dapat bang itrato siyang kriminal? Anak mo siya!” “Kaya mas lumalaki ang ulo ng batang yan dahil palagi mo siyang kinakampihan!” “Kung hindi ko kakampihan ang anak ko, sino  ang magtatanggol sa kanya? Kung sarili niyang Ama ay mas gusto siyang saktan kesa unawain at kausapin ng mabuti. Sinasabi ko sayo, Antonio, sa susunod na dumapo ang  kamay mo sa anak ko ay hindi mo magugustuhan ang susunod na mangyayari.” Pagbabanta ni Ina. Si Ama ay naging Alpha ng angkan hindi dahil sa kanyanng magulang kung hindi dahil sa aking Ina. Si ina ang nag iisang anak ng dating Alpha. At dahil nga sa babae siya ay hindi sakanya binigay ang posisyon pagkos ay pinakasal ito sa napupusua ng kanyang pamilya. Hindi nakapag salita si Ama. Lumabas na lanng ito at iniwan kami ni Ina. Agad naman akong tinulungan ni Ina na makaupo. “Ano ba kasing pumasok sa isip mo anak ay gaingawa mo ito?” Tanong ni Ina. “Ina, gusto kong maglaro kasama ng mga kaibigan ko sa Freedom City. Gusto kong makita sila ng personal at makita din ang mundo nila.” Sagot k okay Ina. “Ayokong tumanda ng nakakulonng lang dito sa akin. Gusto kong buksan ang mata ko sa mga posibilidad at tuklasin kung anu ang meron doon. “ Niyakap ako ni Ina ng mahigpit. Ramdam ko ang kanyang pagmamahal at pag-uunawa. Kung sana ay ganoon din si Ama. Maya-maya pa ay may inabot ito sa akin, sang susi.   “Kung gusto mo talagang panindigan itong pinaniniwalaan mo ay wala akong magagawa pa.” Aniya sabay baling sa pintuan. Mukhang pinakikiramdaman ang paligid. Sinisigurado kung may tao sa paligid. Bumalin ito muli sa aking nang masigurong safe magsalita. “Ito ang susi ng bintana. Alam mo na kung saan at ano ang gagawin. Ito lang ang kaya kong maitutulong anak. Paglabas mo dito ay ang ama mo na ang haharapin mo. Kaya kung gusto  mo talaga ito, sikapin mong makalayo agad.” Niyakap muli ako ni Ina . Mag-iingat ka anak ha. Tandaan mong Mahal na mahal kita.” “’Wag kayong mag-alala ina, babalik naman po ako.” Paglabas ni ina ay naghintay ako ng pagkakataon. Nang masigurong tahimik na ang lahat ay saka ako kumilos. Gamit ng susi na bigay ni Ina ay dahan-dahan kong binuksan ang bintanang ginagamit naming noong  mga bata palang kami sa tuwing tumatakas kami. Si ina lang ang nakakaala nito dahil siya lang naman ang nakkahuli sa amin. Nang makababa ako ay agad kong nakita ang isang pack bag na mukhang nilagay ni Ina. Kinuha ko na iyon at walang sinayang na oras pa. Agad naman akong tumakbo ng matulin pagkatapos kong lagpasan ang mga bantay. Pero mukhang nalaman na nila na nakatakas na ako. Kaya naman mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo dahil batid kong ano mang sandali ay mahuhuli nila ako lalo pat hindi ko maitatago ang aking amoy. Narinig kong nagsipalit balat na ang ilan sa mga humahabol sa akin. At para makatakas ay kailangan ko ding magpalit-balat pero kailangan ko ang bag ko dahil nandito ang mga dokumentong kakailanganin ko. Naisip ko tuloy ang mukha ni Seven. Sa lahat kasi ng mga members ay siya ang nangunguna sa listahan na gusto kong makita. Natutuwa kasi ako sa kanya lalo pa’t sa tuwing nangungulit. Pero kapag laban na ay seryoso na ito. Nagpatuloy ako sa pagtakbo nang walang ano-anu ay biglang may naramdaman akong bumagsak. Narinig ko ang ungol niya na pinagtatakahan ko. Hindi ko maaninag kung sino o anu ang bumagsak kung kaya nagdadalayawang isip man ay kinuha ko ang Game Phone ko sa bulsa ng bag at sinindihan ang ilaw nito. Napalaki ang mga mata nito nang makita kung sino iyon. “Seven?” Taka kong tanong. “Matt?” Anito. “How are you here?” Tanong ko sa kanya habang tinutulungan ko siyang tumayo at pinagpagan ang damit na tingin ko ay pantulog. Nagpalinga-linga ito na para bang gulong gulo sa nangyayari. Hindi ko man maintindihan pero saka na naming iyon alamin ang nangyari dahil papalapit na ang mga bantay. Agad kong hinila ang kanyang bisig at hinila siya dahil nararamdaman ko na sila. Tumakbo naman ito pero alam kong lutang padin ito sa nangyayari. “Bakit ka nga pala hinahabol ng mga aso?” Hindi ko mapigilang mapangiti kahit na kinakabahan na ako. “Aso nga ba yung mga iyon?” “Ipapaliwanag ko siya mamaya. Sa ngayon lumayo muna tayo rito.” Natatandaan kong may kubo sa hindi kalayuan. Medyo tago iyon kaya nakakapagpahinga kami doon kahit papaano. Kumilos ako habang hawak-hawak ang kamay niya. Nang marating namin ang kubo kaya pumasok kami agad. “Are you okay?” Tanong ko. Hindi ko maiwasang mag-alala dahil nararamdaman ko ang panginginig niya at mukhang disoriented pa siya sa nangyayari.  “Do you know where you are?” Umiling lang siya. “Are you really Matt?” Tanong nito. “Yes, I’m Matt and you are here in Russia, Seven.” Pinakita ko sa kanya ang aking Gaming Phone kung saan naka lagay ang oras at lugar kung nasaan kami. Napasabunot naman siya ng kanyang buhok habang nagsisimula itong maglakad papunta’t pabalik. Cute man niya tignan dahil nga bukod sa hindi katangkaran at kalakihan ang katawan. Sarap niyang alagan sa totoo lang. Sinaway ko naman ang sarili dahil hindi ito ang oras para sa naiisip ko. Nilapitan ko siya at wala sa loob kong niyakap siya. “Hey, I’m here.  Whatever happened, I know there’s an explanation for this. But for now, I need you to widen your understanding, Baby.” Tumango naman ito sa akin pero halatang hindi pa din nagsisink in sa kanya ang lahay. I snap my fingers just to make him digest the situation. “Hey Baby, focus. Listen to my voice because we have limited time."  “I need Jem. Can  you call Jem?” Naiiyak na ito at mukhang natataranta na. “Seven, we can call him later but for now we need to get as far away from here.” Gusto kong makakuha siya ng presence of mind. “I want you to understand that we are in the Werewolf land. And those creatures that werewolves are after me.” “But why?” Tanong nito. “Because I’m one of them.  And I need to change para sa makalayo tayo rito ng mabilis. Do you understand?” Hindi ko alam kong naiintindihan niya ang sinasabi ko pero tumango lang siya. Nang maramdaman kong  maayos  na siya ay pinasuot ko sa kanya ang bag ko at nagsimula na akong maghubad. Nakita ko naman ang paglaki ng mata niya nang makita ako na hinuhubad ang pantalon ko. Tumalikod na lang siya at nagpatuloy ako sa paghubag. Pinulot ko ang mga damit ko at mabilis na isinukbit sa kanyang balikat. Maya-maya ay ginalaw galaw ko ang mga buto ko at naghanda sa pagpapalit ng balat. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang paggalaw ng mga buto at kasukasuan ko. Mula sa pagkakatayo ay agad kong tinukod ang mga kamay ko na ngayon ay unti-unting nag-iiba ang anyo. Mabilis na lumabas ang mga puting balahibo at ang mga kuko ng wolf form ko. Ilang sandali pa ay ganap ang pagpapalit balat ko. Lumapit ako sa nakatalikod na si Seven. Gamit ang nguso ko ay bahagya ko siyang kinilabit. Lumingon naman siya at hindi ko inaasahan ang makita ang amaze sa mata niya.Dahan dahan namang inangat niya ang kanyang mga kamay at hinawakan ang aking ulo. Ngumiti pa ito at lumapit pa sa akin. Gamit ang kanyang isa pang kamay ay sinuklay niya ang mga balahibo ko. “I never see a werewolf before. You’re so beautiful.” Rinig ko sa kanya na sobrang namamangha. Dahil nga sa nararamdaman ko na ang mga kapwa ko werewolf sa paligid. Kaya  pinasakay ko siya sa aking likod. Sigurado naman akong makakaya ko ang bigat niya. Nang nnakaupo na ito ay buong lakas akong tumakbo palayo sa lugar na iyon.         
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD