Power of Seven
INTRODUCTION
MAGIGING kasambahay ako ng pitong mga lalaki na mula sa angkan ng mga maimpluwesiya at maharlikang pamilya sa bansa at maninirahan ako kasama sila sa nakatago at walang labasan na mansyon.
Noong una ay akala ko talaga ay mga musmos, inosente at kailangan pang suotan ng diaper ang mga aalagaan ko ngunit kabaligtaran pala iyon sa inaasahan ko.
Ang inaakala kong mga bata—ay mga binata pala; mga makikisig at maiimpluwensiya palang mga lalaki.
Sino nga ba sila? At, kung bakit ko tinanggap ang trabahong ito?
Simulan natin ang pagpapakilala sa isang lalaking palaging nakukubli ng kanya sarili gamit ang suot niyang hoodie jacket.
Juno Buenavisto. Kung sukatan lamang ng yaman ang magiging basehan ay walang makakapantay dito dahil ang pamilya lamang niya ang halos nagmamay-ari ng mga malalaking mall sa buong bansa. Mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Hindi ko maintindihan kung bakit naging mailap siya sa tao, ayaw niyang nakikita ang kanyang mukha, palagi iyong nakatakip ng de-zipper niyang hoodie jacket at tanging matangos na ilong lamang niya ang siyang masisilayan mo, maging ang mga mata kasi nito'y natatakpan ng makapal at mahaba niyang bangs.
Ang lalaking ilong ang mukha.
Ash Milford. Kilalang sikat na negosyante ang kanyang ama at ina kaya inaasahan nila na ang kanilang nag-iisang anak ay ipagpapatuloy ang negosyong sinimulan nila.
Ang hindi nga lang nila alam ay musika ang gusto nitong maging karera sa buhay, kailanman ay hindi pinangarap ng kanilang anak na sumunod sa mga yapak nila.
Ang lalaking mawawalan ng tono sa buhay kapag walang musika at ang tanging gitarista sa mansyon.
Ethan Hawker. Ang kanyang ama na bakasyonista lang noon na may dugong amerikano ay napamahal sa Pilipinas, kaya dito na rin ito naghanap ng mapapangasawa.
Naging matiwasay at masaya naman ang kanilang pagsasama kaya lumaking matalino, mabuti at mataas ang moral, ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan.
Ang kahusayan sa larangan pagdating sa negosyo ng kanyang ina tungkol sa pagbebenta ng lupa, ang naging sangkap nila upang maging matagumpay sila sa buhay.
Ang lalaking may kakaibang nobya.
Darrex Lavisto. Ang kanyang ina ay kilalang unica hija ng isang pinakakilala at pinakamagaling na mafia sa buong kontinente ng Europa. Dahil doon ay maraming mga natatakot na negosyante na banggain ang pamilyang ito dahil sa kakayahan ng mga ito na maglinis nang kalat nang walang naiiwan na ebidensiya.
Walang malinaw na paliwanag kung ano tunay na negosyo ng mga Lavisto, marami lang ang mga bulungan at kumakalat na tsismis na hindi raw maganda ang negosyo na pinapatakbo at pinapalakad ng kanilang pamilya.
Ang Badboy Housemate ni Mr. Philip.
Jazerou Isler. Bilang nag-iisang anak ng may-ari ng pinakamalaking T.V. station sa bansa ay masasabi mong madali itong makakapasok sa showbiz ng walang kahirap-hirap, kung gugustuhin man nito na mag-artista.
Walang nakakaalam kung bakit hindi pinapakilala ng mga Isler sa publiko ang kanilang kaisa-isang tagapagmana. Siguro, hinahanda pa ito at hinuhulma para maging karapat-dapat sa mamanahin nito.
Pangarap niyang maging pornstar, para makatikim at makakita ng iba't ibang h***d na babae.
Ang lalaking Bulkang Mayon.
Arthur Velasquez. Malaki ang impluwensiya ng mga Velasquez pagdating sa iba't ibang klase ng alak, sila kasi ang nagmamay-ari ng pinakamalaking Liquor Company sa bansa.
Nananatiling matatag at patuloy parin sa paglaki ang kanilang negosyo kahit na maraming eskandalong kinakasangkutan ang kanilang pamilya. Ang totoo nga niyan ay marami sa mga Velasquez ay artista.
Ang lalaking kahit buhusan mo ng beer ayaw pang mamatay.
Tyron Concepto. May-ari ng isa sa mga pinakamalaking Airline Company sa bansa ang pamilya nito, naging malaking pagtatalo pa ng mga shareholders ng kanilang kumpanya ang naging pasya ng kanyang ama na siya ang magiging tagapagmana.
Ang buong akala kasi ng mga ito na ang kapatid niya sa labas, na palaging kasama ng kaniyang ama sa lahat ng business schedule nito, ang siyang pipiliin na magiging tagapagmana.
Ang pinakabatang Housemate ni Mr. Philip.
At, ako naman si Ayeng Dela Cruz, ang mag-alalaga sa kanilang pito, nang dahil sa kahirapan, sa bahay't lupa na ipamimigay ni Mr. Philip at sa isang milyong salapi. Nagkaroon ako ng lakas na loob para mamasukan bilang isang katulong.
Sinong ba'ng tatanggi sa ganoong inaalok? Malamang, wala. Walang magdadalawang-isip kapag narinig ang mabulaklak na mga salitang iyon, kaya gagawin ko talaga ang lahat ng abot ng aking makakaya para matapos ko ang aking pinirmahan na kontrata.
Walang hindi makakayanan sa ngalan ng pera. May kasamang demonyong tawa yun, ah.
Ang pinakamagandang babaeng Housemate ni Mr. Philip, char.
(A/N; Bwawhahaha, ako na ang tumawa, taena mo Ayeng.)
Authors Note: Masyado akong tamad magsulat kaya kahit marami akong ideya 'di ko maisulat, kung may mga typographical error at grammatically error, intindihin niyo nalang. Natatae na kase ako mag-edit. Mag-iwan lang kayo ng boto at komento para happy lang.
********
#PowerofSeven
Kung gusto niyo ng tsismisan gamitin lamang ang hashtag na 'yan at pag-usapan natin kung bakit ka nagbabasa ng story ko at kung anong gamot ang puwedeng ireseta sa 'yo ng doktor hanggang hindi ka pa malala.
Tanging mga baliw at wala sa katinuan lamang ang nagbabasa ng istoryang ito, charot hahaha.
THE CHARACTER AND CAST
Juno Buenavisto ( Daniel Padilla )
Ash Milford ( VXON Franz )
Ethan Hawker ( James Reid )
Darrex Lavisto ( Ken Suson )
Jazerou Isler ( Tony Labrusca )
Arthur Velasquez ( JC Alcantara )
Tyron Concepto. ( Jai Cartanega )
Pakifollow po ako sa aking social media accounts:
FACEBOOK: Aftoktonia Writes
INSTAGRAM: IamAftoktonia
Plagiarism is a crime
This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events or locales is intirely coincidental.