EPISODE 3: Ayeng meets Power of Seven
NAPALUNOK ako nang malalim, hindi ko alam kung gagawin ko ba kung ano ang nasa isip ko. Ngunit, kapag hindi ko hinuburan ang lalaking ito ng basa niyang jacket at pantalon ay baka mamatay ito sa lamig. Syempre, hindi naman kaya iyon ng konsensiya ko.
Tiningnan ko ang mukha niya, natatabunan ng makapal at mahaba niyang bangs ang kanyang mga mata. Tanging matangos na ilong at manipis na mapulang labi niya lang ang makikita mo. Nakabaluktot parin siya at patuloy na nilalabanan ang lamig.
Sa kabilang banda, parang may nag-uudyok sa akin na hawiin ang mga bangs niya para makita ang mga mata nito, marahan kong inunat ang mga kamay ko palapit sa kanyang bangs pero bago ko pa maisakatuparan ang nais ko ay hinawakan niya at pinigilan niya ang kamay ko, gamit ng kaliwa niyang kamay.
Namula ang pisngi ko, nahihiya ako sa ginawa ko, hindi ko rin alam kung bakit ko binalak na gawin iyon ng walang paalam. Labag pala iyon sa kagustuhan niya at sa privacy niya. Ewan ko ba sa sarili ko at kung anu-ano nalang naiisip kong gawin.
"Sorry," mahinang usal ko. "Uhm... kailangan kong hubarin ang jacket mo at pati narin 'yung pantalon mo, basang-basa kasi siya. Huwag kang mag-alala hindi ko naman pagnanasahan ang katawan mo," bigla kong nahiya sa mga sinabi ko.
Pagnanasahan talaga, Ayeng? Kung anu-ano na lang talaga ang lumalabas sa bibig mo, parang huhubaran mo lang naman 'yung tao. Iyon na nga, huhubaran ko lang pero 'di ko magawa, pakiramdam ko kasi ay labag ito sa p********e ko.
Kinuskos ko ang magkabilaang palad ko at dinikit iyon sa pisngi niya at bumuntong-hininga nang malalim. Wala naman na akong magagawa at kailangan kong gawin ang dapat kong gawin.
Marahan kong itinaas ang suot niyang jacket, ipinasok ko ang aking kamay sa loob ng suot niya para tulungan siyang maihubad nang mabilis ang kanyang hoodie jacket. Nang matagumpay kong matanggal ang suot niyang jacket ay tumambad sa akin ang malapad niyang katawan na bahagyang kulang sa taba.
Kung tutuusin may pagkapayat siya, sadyang mahapad lang ang mga balikat niya at mahahaba ang mga braso niya, kahit nga nakabaluktot ito ay mukha parin siyang matangkad dahil mahaba ang kanyang mga biyas.
"Sir, kaya niyo po bang hubarin ang pantalon niyo?" Wala itong naging tugon, napangiwi ako, mukhang ako talaga ang mahuhubad ng suot niyang pantalon.
Wala naman siyang suot na seatbelt, kaya ang gagawin ko lang ay tangalin sa pagkakabutones ang pantalon niya at ibaba ang zipper niya. Saka ko ihuhubad ang suot niya, gano'n lang kadali pero grabe na ang pula ng pisngi ko at ng tainga ko.
Ayos lang sana kung bata ang huhubaran ko, kung siguro mga edad sampu pababa, ang kaso binata na itong huhubaran ko, labag na labag ito sa p********e ko. Kaso, wala naman akong magagawa, trabaho ko ang asikasuhin sila at pagsilbihan. Kawawa talaga kaming mga mahihirap, utos-utosan lang talaga ng mga rich na person.
Pagtanggal ko nang butones ng kanyang pantalon at pagbaba ng zipper ay pinikit ko nalang ang mga mata ko habang marahan na hinuhubad ang suot niyang pantalon, hindi ko talaga siya kayang tingnan habang hinuhubaran siya.
"Sino ang babaeng 'to? At, bakit hinuhubran niya si Juno?" Bigla kong napadilat ng may narinig akong boses, galing iyon sa lalaking nakasuot ng pulang t-shirt na may logo ng supreme, my hawak rin itong ukelele.
Pagdilat ko ng mga mata ko ay nakita kong naibaba ko na ang pantalon ng lalaking hinuhubran ko hanggang tuhod niya at may anim na lalaking nakatingin sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko, gusto kong magpalamon sa lupa, kung panaginip lang ito ay kailangan ko nang magising dahil sobra talagang nakakahiya.
"Hindi ko rin alam basta pagkababa ko nakita ko siyang hinuhubraan si Juno habang nakapikit kaya tinawag ko kayong lahat. Baka magse-s*x sila?" Kibit-balikat niyang sabi na wala man lang pag-aalinlangan sa akusasyon niya.
Nagpantig ang tainga ko sa sinabi ng mukhang pinakabata sa kanilang lahat, siya rin kasi ang pinakamaliit kaya sa palagay ko siya ang bunso sa loob ng Mansyon. Nakatulala lang akong nanlalaki ang mga mata habang nakikipagtitigan sa kanila, hindi ko alam kung ano ang ire-react ko.
Kaya siguro naisip ng lalaking ito na gagawa kami ng milagro dahil sa posisyon namin, naibaba ko na kasi ang pantalon ng kaibigan niya hanggang tuhod nito, habang nakayakap sa sarili niya. Mapagkakamalan nga kaming gagawa ng 'di kanais-nais kahit na sino ang makakita sa amin.
"Ikaw mali 'yang iniisip mo ah," Dinuro-duro ko siya. "Para sa kaalaman mo, pumasok lang naman itong kaibigan niyo sa loob ng refrigerator niyo nang makita ako," depensa ko.
"Ah, baka natakot sa 'yo kasi ang panget mo," Tumaas ang dugo ko sa aking ulo dahil sa mga narinig ko, kalalaking tao ng batang 'to hindi marunong gumalang ng babae.
Tumayo ako para harapin ang batang nambastos sa akin, umismid lang ito at parang nanghahamon. Mga demonyo yata ang mga magiging amo ko sa loob ng mansyon, lalo na ang isang ito, napakabastos ng bibig, kung putulan ko kaya ng sungay ang isang 'to. Tingnan lang natin kung lumabas pa ang pagiging demonyito ng batang 'to.
"Huwag kang magtatangkang lumapit sa amin," babala ng lalaking nakasando, nakapamulsa at naka-undercut ito ng gupit. Nakasuot ito ng sando na hapit sa matipuno niyang katawan, 'di mo aakalain na labing-walong taong gulang lang ang isang ito.
Kilala ko siya, siya ang lalaking pinapaiwas sa akin ni Mr. Philip, sa lahat ng mga aalagaan ko sa kanya dapat ako mag-ingat. Kaya wala akong nagawa kundi bahagyang umatras, ayokong magpadalos-dalos at magpadala sa bugso ng damdamin ko, baka hindi ko magustuhan kung anuman ang puwedeng sunod na mangyari.
"Sino ka at anong pakay mo?" maangas nitong sabi, malalim ang boses niya, lalaking-lalaki. Nakakunot-noo pa nga nang tanungin niya ko.
"Ako po 'yung kasambahay na ipinadala ni Mr. Philip, nandito ako para pagsilbihan kayo. Ako si Ayeng Dela Cruz, 'Ayeng' nalang po ang itawag niyo sa akin," pagpapakilala ko at sagot narin sa tanong niya.
"Pati ba naman pangalan panget," muling hirit ng isa, napataas ang isang kilay ko, pasalamat siya at malayo siya sa akin kundi masasabunutan ko talaga siya, wala na ba siyang alam na salita kundi panget?
"Hoy, batang spoiled brat, kahit anong sabihin mo, maganda ako, pinanganak akong maganda, mamamatay akong maganda," hinawi ko ang buhok ko, napapalakpak ang nakashort lang na isang lalaki sa likod.
"Gusto mo threesome tayo nila Juno, sali ako?" Nagtaas pa ito ng isa niyang kamay, nasa likod lang siya ng lalaking maraming tattoo at nang pinakabata sa kanila. "Promise! Masisiyahan ka." Ngumiti ito ng abot-langit, bigla kong nandiri, gano'n ba ang tingin niya sa lahat ng mga babae?
"Babae ang kausap niyo mga bro, maging maginoo kayo, tigilan niyo na ang pang-aasar sa kanya," pagtatanggol sa akin ng lalaking nakasuot ng salamin gamit ang malumanay niyang boses. May bangs ito na hanggang taas lang ng kilay ang haba, matangos ang ilong, kasing pula nang mansanas ang manipis niyang labi at bumagay ang manipis at malinis nitong kilay sa maamo at maliit niyang mukha.
Sa kanilang lahat siya lang nakapormal, nakasuot ng longsleeve na may itim na necktie, may patong na v-neck-brown-knitted-vest, nakatuck-in iyon sa itim niyang pants na binagayan niya lang ng brown formal shoes.
"Pupunta lang ako kusina, wala naman akong maitutulong sa inyo mga brad, kaya niyo na 'yan. Goodluck!" Tinapik niya ang likod ng isa sa mga kaibigan niya. May hawak itong isang bote ng alak, bahagyang magulo ang buhok at parang walang gana sa buhay. Sa katunayan, sa kanilang lahat ang mga mata niya ang may pinakawalang kulay, may suot lang siyang plain na kulay brown na t-shirt at short na kulay itim.
Nakalimutan ko na tuloy ang nangangatog nilang kaibigan, imbis kasi na tulungan nila ako ay mas inuna pa nila na makipagtalo sa akin. Kinuha ko nalang ang naiwan na kumot sa sofa at ipinantakip ko na lang iyon sa katawan niya, hindi ko na nagawang tuluyang maihubad nang tuluyan ang suot niyang pantalon dahil baka sabihin nilang sinasamantala ko talaga ang p*********i ng kaibigan nila.
"Pwede ka nang makaalis, hindi ka na namin kailangan dito," utos ng lalaking maraming tattoo.
Paano ako aalis? Eh, wala namang labasan ang mansyon na 'to? Siguro naman akong alam niya 'yon, matagal na siyang nananatili sa loob 'di ba? Kung alam lang sana niya na kanina parang gusto ko nang sumuko at umuwi na lang sa amin pero wala naman na akong magagawa dahil naipasok na ako sa loob at wala na tuloy atrasan.
"Katulad natin, mai-istuck na rin siya sa loob ng mansyon, Darrex. Sa ayaw at gusto mo, kailangan mo narin siyang pakisamahan katulad ng pakikisama mo sa amin." Lumapit ang lalaking salamin sa nangangatog niyang kaibigan. "Kaya ba gusto mong hubarin ang suot niyang pantalon dahil basang-basa ito?" Siya na ang tuluyang naghubad ng suot na pantalon ng kaibigan niya.
"Salamat," mahina at nahihiya kong usal.
"Maligayang pagdating sa mansyon, ako nga pala si Ethan Hawker." Inabot nito ang kanyang kanang kamay at tinanggap ko naman iyon. "Huwag kang mag-alala, mabubuti naman silang tao, sadyang iba-iba lang talaga tayo ng personalidad. Makakasundo mo rin sila kapag nagtagal ka na rito," ngumiti ito.
Naramdaman ko ang biglang pagkabog ng dibdib ko, ang mga ngiti na iyon ang naging dahilan kung bakit nagwawala sa kaba ang puso ko. Ito ba ang kanyang kapangyarihan? parang palalambutin ang puso mo at pagagaanin ang pakiramdam mo? Sinisimulan na ba nila akong gamitan ng kapangyarihan?
"Panget mo matulala, halatang nagagwapuhan ka kay Ethan, ayaw pa umamin, manyak naman talaga," nawala ang biglang kapayapaan ng puso ko dahil muling humirit ang demonyo bata na 'yon.
"Siya si Tyron Concepto, may-ari ng Airline Company ang pamilya nila, unawain mo nalang muna, alam ko naman na malawak ang pasensiya mo. Makakasundo mo rin siya, siguro sinusubukan niya lang ang pasensiya mo kung gaano kahaba, naniniwala akong magiging malapit rin kayo sa isa't isa," ngumiti ulit ito ng kasing tamis ng tsokolate.
Sana lahat na lang ng housemate ni Mr. Philip sa mansyon katulad ni Sir Ethan, madali siguro kaming magkakasundong lahat kapag ganoon, pero kung demonyo lang din katulad ng batang to, parang si Tyron Concepto, bahala nang si Satanas ang magbabysitter sa kanya.
"Malaya ka na nga sa labas pinili mo pang mapunta sa impyerno," seryosong sabi ng lalaking maraming tattoo.
"Mahina lang pasensiya niyan ni Darrex Lavisto pero makakasundo mo rin siya katulad ko, 'wag mo na lang muna pansinin ang mga sinasabi niya dahil lahat naman kami dito bagot at nami-miss na ang labas," Tumingin siya sa kaibigan niyang nakahiga.
"Sino naman siya?" Awkward ko pang tanong sa kanya na napakamot pa sa aking ulo.
"Siya si Juno Buenavisto, palagi siyang nagkukulong sa kuwarto niya, lalabas lang ito tuwing kakain at iinom ng tubig. Mailap siya sa tao at kahit kailan hindi pa namin siya narinig na magsalita, palagi lang siyang tahimik at nagtatago ng kanyang mukha sa suot niyong hoodie jacket. Hindi namin alam kung bakit basta ang alam ko siya unang taong pinasok sa loob ng mansyon."
Sa hindi ko malaman na dahilan ay bigla na lang akong nakaramdam ng awa para sa lalaking tinutukoy niya, kahit si Mr. Philip ay wala rin binigay na kahit anong impormasyon tungkol sa pito, bahala na raw akong tumuklas niyon kapag nasa loob na ako ng mansyon.
Kung anuman ang dahilan kung bakit itinatago at ikinukubli ng lalaking ito ang kanyang mukha sa suot niyang hoodie jacket ay alam kong may mabigat na rason o dahilan. Maaaring may tinatago itong malaking trauma.
"Ako si Jazerou Isler, ang pinakagwapo sa kanilang lahat basta kung kailangan mo lang nang ano—," sumenyas ito ng bilog at patusok. "Tawagin mo lang ang pangalan ko at darating ako," kumindat siya at sabay halik sa kanang kamay ko.
Nanindig ang mga balahibo ko, ang awkward talaga ng pakiramdam ko siya sa kanya, hindi ako komportable at parang kahit anong oras ay madudungisan ang p********e ko. Iba kasi siya tumingin, may halong pagnanasa at parang may masamang balak.
Inaasahan ko naman na hindi madali ang magiging buhay ko sa loob ng mansyon pero iba parin talaga kapag mismong naroon ka na sa sitwasyon.
To be continued...
Author's Note: Masaya siya isulat basta kabisado mo lahat ng personality ng mga character mo sa story. Finally, nagkita-kita na ng a si Ayeng at ang pito, iyon nga lang ay sa pinaka-awkward na sitwasyon.
Pakisundan naman ako sa aking mga social media account:
FB: Aftoktonia Writes
INSTAGRAM: IamAftoktonia
#PowerofSeven
Gamitin lamang ang hashtag 'yan para sa mga gumagamit ng X o twitter, babasahin ko pa ang lahat ng mga opinyon at lahat ng mga hinaing niyo roon.
Please magvote at mag-comment lang kayo para happy lang hahaha.